< Mpitoriteny 7 >

1 Ambone’ ty fahosotse sarotse ty tahinañe soa; naho ty androm-pihomahañe, ta ty andro nisamahañe.
Ang mabuting pangalan ay mas mahalaga sa mamahaling pabango at ang araw ng kamatayan ay higit na mabuti sa araw nang kapanganakan.
2 Hàmake t’ie mb’an-traño fandalàñe ta te mb’añ’anjomba fisabadidahañe, fa izay ty figadoña’ ze kila ondaty, ee te hapo’ ty veloñe an-tro’e ao izay.
Mas mabuting magtungo sa lamayan kaysa bahay ng kasayahan, dahil dumarating sa lahat ng tao ang pagluluksa sa katapusan ng buhay, kaya dapat ilagay ito sa puso ng mga taong nabubuhay pa.
3 Ambone’ ty fiankahafañe ty haemberañe; fa mete ho fale ty arofo ndra te lonjetse ty laharañe.
Ang kalungkutan ay mas mabuti sa katuwaan, dahil pagkatapos ng kalungkutan ng mukha sasapit ang kagalakan ng puso.
4 Añ-anjombam-pandalàñe ao ty arofo’ o mahihitseo, le an-trañom-piankahafañe ao ty tro’ o dagolao.
Ang puso ng matalino ay nasa bahay ng pagluluksa, ngunit ang puso ng mangmang ay nasa bahay nang kasayahan.
5 Hàmake t’ie mijanjiñe ty fañendaha’ ty mahihitse, ta te mitsanoñe ty sabo’ o mineñeo.
Mas mabuting makinig sa pagsuway ng matalino kaysa pakinggan ang awit ng mga mangmang.
6 Hambañe ami’ty fipipiham-patike ambane’ valàñe eo, ty fitohafa’ i dagola; hakoahañe ka izay.
Dahil tulad ng nasusunog na mga tinik sa ilalim ng isang palayok, gayon din ang halakhak ng mga mangmang. Ito man ay usok.
7 Toe mampinè’ ty mahihitse ty famorekekeañe, vaho mamorek’ arofo ty vokàñe.
Tunay na ang pangingikil ay nagpapamangmang sa mga matatalinong tao, at ang suhol ay nagdudungis ng puso.
8 Ambone’ ty fifotoran-draha ty figadoña’e, le ambone’ ty troke misenge ty arofo mahaliñe.
Mas mabuti ang katapusan ng isang bagay kaysa sa simula; at ang taong may diwang mahinahon ay mas mabuti kaysa ang palalong kaisipan.
9 Ko malisa ho viñetse añ’arofo irehe, amy te mimoneñe am-banian-dagola ao ty habosehañe.
Huwag madaling magalit sa iyong diwa, dahil naninirahan ang galit sa puso ng mga mangmang.
10 Ko manao ty hoe, Ino ty nahasoa o andro taoloo te amo henanekeo? toe tsy aman-kihitse i ontane’o zay.
Huwag sabihin, “Bakit ang mga nakaraang mga araw ay mas mabuti kaysa sa mga ito? Ngunit ito ay hindi dahil sa karunungan kaya tinanong n'yo ito.
11 Raha soa te mitraoke an-kihitse ty lova, toe tombo’ o mahaisake i androio.
Ang karunungan ay kasing-inam ng mahahalagang mga bagay na ating minana mula sa ating mga ninuno. Nagdudulot ito ng mga pakinabang sa mga nakakakita sa araw.
12 Manahake ty fañarova’ ty vara ty fañambena’ i hihitsey; fe ty hasoa’ o hilalao, arova’ i hihitsey ty fiai’ o manañ’ azeo.
Sapagkat ang karunungan ay nagdudulot ng pangangalaga gaya ng pagdudulot ng salapi nang pangangalaga, ngunit ang kalamangan ng kaalaman ay nagbibigay ng buhay ang karunungan sa sinumang mayroon nito.
13 Haraharao ty fitoloñan’ Añahare; ia ty mahay mañity ty nimengoha’e.
Pag-isipan ang mga ginawa ng Diyos: Sino ang maaaring magtuwid ng anumang bagay na ginawa niyang baluktot?
14 Mifalea añ’andro vokatse, vaho mi­tsakorea añ’andron-kankàñe; songa nanoen’ Añahare itoy naho iroy, soa tsy ho oni’ ondaty ndra inoñ’ inoñe amo hanonjohy azeo.
Kapag mabuti ang mga panahon, masayang mamuhay sa kabutihang iyon, ngunit kapag masama ang mga panahon, pag-isipan ito: ipinahintulot ng Diyos na magkatabing mamalagi ang dalawang ito. Sa kadahilanang ito, walang isa man ang makakaalam ng anumang bagay na darating sa kaniya.
15 Hene nitreako amo haveloko koakey; eo t’indaty vaño mihomak’ amy havantaña’ey, eo ka ty lo-tsereke mañalava andro amy haratia’ey.
Nakita ko ang maraming bagay sa aking walang kahulugang mga panahon. Mayroong mga matuwid na taong naglalaho sa kabila ng kanilang pagkamakatuwiran, at mayroong masasamang taong nabubuhay nang mahabang buhay kahit na sila ay masama.
16 Ko loho vantañe; ko losore’o ty hihitse; Ino ty hampiantoa’o ty vata’o?
Huwag maging mapagmatuwid sa sarili, matalino sa iyong sariling mga mata. Bakit dapat mong sirain ang iyong sarili?
17 Ko loho tsereheñe, naho ko manao gege; ino ty hivetraha’o aolo’ ty andro’o?
Huwag maging napakasama o mangmang. Bakit dapat kang mamatay ng wala pa sa iyong oras?
18 Soa re te fahara’o iroy, vaho tsy asita’o itoy, fa horihe’ ty mañeveñe aman’ Añahare i roe rey.
Makakabuti na iyong panghahawakan ang karunungang ito, at huwag nang ilalayo ang iyong mga kamay sa katuwiran. Dahil ang taong may takot sa Diyos ay makatutupad sa lahat ng kaniyang mga tungkulin.
19 Mampaozatse ty mahihitse ambone’ ty mpifehe folo an-drova ao, ty hihitse.
Ang karunungan ay makapangyarihan sa matalinong tao, higit pa sa sampung pinuno ng isang lungsod.
20 Fa toe tsitantane t’indaty vañoñe mitolon-kavantañañe le lia’e tsy mandilatse.
Walang isang matuwid na tao sa ibabaw ng mundo na gumagawa nang kabutihan at kailanman hindi nagkasala.
21 Aa le ko loho haoñe’o ze fonga enta saontsieñe, tsy mone ho janji’o mamatse azo ty mpitoro’o;
Huwag mong pakinggan ang bawat salitang sinasabi, dahil maaaring mong marinig ang sumpa ng alipin mo sa iyo.
22 amy te beteke, fohi’ ty vata’o te ihe namatse ty ila’e.
Sapagkat madalas ding nalalaman ng iyong sarili na sa iyong puso ay malimit mong sinusumpa ang iba. Katulad nang pagkilala mo sa iyong sarili na sa iyong sariling puso ay madalas mong sumpain ang iba.
23 Fa hene nitsoheako an-kihitse, le hoe iraho: Ho paiako ty hihitse, fe nihànkañe amako.
Ang lahat ng ito ay napatunayan ko sa pamamagitan ng karunungan. Sinabi ko, “Magiging matalino ako,” ngunit ito ay higit sa ninais ko.
24 Tsietoitane añe naho miheotse o raha fa nifetsakeo, ia ty hahatendreke aze?
Napakalayo at napakalalim ng karunungan. Sino ang makakahanap nito?
25 Natoliko ty troko handrèndreke naho hitsikarake vaho hikodebe ty hihitse naho ty lengo’ o rahao, naho ty hahafohinako ty haratia’ ty hadagolàñe, vaho ty hanè’ o hagegeañeo;
Ibinaling ko ang aking puso sa pag-aaral at pagsusuri at pagsaliksik sa karunungan at ang mga paliwanag ng katotohanan, at maunawaan na ang kasamaan ay kahangalan at ang kamangmangan ay kabaliwan.
26 le nitreako te mafaitse te ami’ty havilasy ty rakemba amam-pandrike, ie harato ty tro’e, naho silisilim-pandrohizañe o taña’eo; hiponiora’ ty mahafale an’ Andrianañahare; fe ho tsepahe’e ty mpanan-tahiñe.
Natuklasan ko na mas mapait kaysa kamatayan ang sinumang babae na ang puso ay puno ng mga patibong at mga bitag at ang kaniyang mga kamay ay mga tanikala. Sinumang nakalulugod sa Diyos ay makakatakas sa kaniya, ngunit ang makasalanan ay makukuha niya.
27 Ingo, itoy ty nitreako, hoe ty mpañoke, ie tovoñañe ami’ty raha raike ty ila’e, hamoliliañ’ aze;
“Pag-isipan kung ano ang aking natuklasan,” sabi ng Mangangaral. Idinadagdag ko ang isang natuklasan sa iba pa para magkaroon ng isang paliwanag ng katotohanan.
28 ie nitolom-pipay ty troko, fe mbe mboe tsy naharendreke; fa nahatrea ondaty raik’ ami’ty arivo iraho, fe tsy nahatrea rakemba raik’ amy rezay iaby.
Ito pa rin ang aking hinahanap, ngunit hindi ko pa rin ito natatagpuan. May natagpuan akong isang matuwid na lalaki sa gitna ng isang libo, ngunit hindi ko natagpuan ang isang babae sa kanilang lahat.
29 Inao, te zao avao ty nitreako, te nanoen’ Añahare mahity t’indaty, f’ie mikitro-draha maro.
Natuklasan ko ang isang ito: na nilikha ng Diyos ang sangkatauhan na matuwid, ngunit sila ay lumayong naghahanap sa maraming kahirapan.

< Mpitoriteny 7 >