< Banzembo 85 >

1 Wuta na buku ya mokambi ya bayembi. Nzembo ya bana ya Kore. Yawe, osalelaki mboka na Yo bolamu, ozongisaki bato ya Jakobi, oyo bazalaki na bowumbu,
Yahweh, nagpakita ka ng pabor sa iyong lupain; ibinalik mo ang kagalingan ni Jacob.
2 olimbisaki mabe ya bato na Yo mpe olongolaki masumu na bango nyonso.
Pinatawad mo ang kasalanan ng iyong mamamayan; tinakpan mo ang lahat ng kanilang kasalanan. (Selah)
3 Otikaki kanda na Yo nyonso ya makasi mpe okitisaki motema na Yo.
Binawi mo ang lahat ng iyong poot; tumalikod ka mula sa iyong galit.
4 Nzambe Mobikisi na biso, zongela biso! Longola kanda na Yo na tina na biso!
Panumbalik mo kami, Diyos ng aming kaligtasan, at bitawan ang iyong inis sa amin.
5 Boni, okosilikela biso penza mpo na libela? Okokangela penza biso kanda mpo na tango nyonso?
Magagalit ka ba sa amin magpakailanman? Mananatili ka bang galit hanggang sa mga salinlahi sa hinaharap?
6 Okozongisela biso lisusu bomoi te mpo ete bato na Yo basepela kati na Yo?
Hindi mo ba kami bubuhaying muli? Pagkatapos ang iyong bayan ay magagalak sa iyo.
7 Yawe, talisa biso bolingo na Yo, mpe pesa biso lobiko na Yo!
Ipakita mo sa amin ang iyong katapatan sa tipan, Yahweh, ipagkaloob mo sa amin ang iyong kaligtasan.
8 Yawe, nakoyoka maloba na Nzambe; pamba te alobaka mpo na kimia ya bato na Ye mpe ya bayengebene na Ye. Kasi tika ete bazongela te botomboki na bango.
Makikinig ako sa sasabihin ni Yahweh na Diyos, dahil siya ay makikipag-ayos sa kaniyang bayan, ang kaniyang matapat na tagasunod. Pero hindi (sila) dapat bumalik sa hangal na pamamaraan.
9 Solo, lobiko na Ye ezali pene ya bato oyo batosaka Ye mpo ete nkembo na Ye ewumela kati na mboka na biso.
Tiyak na ang kaniyang kaligtasan ay malapit sa mga may takot sa kaniya, kaya ang kaluwalhatian ay mananatili sa ating lupain.
10 Bolingo mpe boyengebene ekutanaka, bosembo mpe kimia eyambanaka.
Ang katapatan sa tipan at pagiging mapagkakatiwalaan ay nagkatagpo, ang katuwiran at kapayapaan ay hinalikan ang isa't isa.
11 Bosolo ebotaka wuta na mabele, mpe bosembo etalaka wuta na likolo.
Ang pagiging mapagkakatiwalaan ay uusbong mula sa lupa, at ang tagumpay ay dudungaw mula sa langit.
12 Ye moko Yawe akopesa esengo, mpe mabele na biso ekobota bambuma.
Oo, si Yahweh ay magbibigay ng kaniyang mabubuting pagpapala, at mamumunga ang mga pananim sa ating lupain.
13 Bosembo etambolaka liboso na Ye mpe elakisaka nzela oyo ekolekela.
Pangungunahan siya ng katuwiran at gagawa ng daan para sa kaniyang mga yapak.

< Banzembo 85 >