< Augstā Dziesma 3 >

1 Naktī savā gultā es meklēju to, ko mana dvēsele mīl; es meklēju, bet viņu neatradu.
Sa kinagabihan sa aking higaan, ay hinahanap ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
2 Es celšos jel un iešu pilsētā apkārt pa gatvēm un ielām; es meklēšu to, ko mana dvēsele mīl. Es meklēju, bet viņu neatradu.
Aking sinabi, ako'y babangon at liligid sa bayan, sa mga lansangan at sa mga maluwang na daan, aking hahanapin siya na sinisinta ng aking kaluluwa: aking hinanap siya, nguni't hindi ko siya nasumpungan.
3 Sargi mani atrada, kas pilsētā iet apkārt: vai jūs neesat redzējuši to, ko mana dvēsele mīl?
Ang mga bantay na nagsisilibot sa bayan ay nasumpungan ako: na siya kong pinagsabihan, nakita baga ninyo siya na sinisinta ng aking kaluluwa?
4 Kad es maķenīt tiem biju pagājusi garām, tad es atradu to, ko mana dvēsele mīl; es viņu turu un to neatlaidīšu, kamēr es viņu vedīšu savas mātes namā, savas dzemdētājas kambarī.
Kaunti lamang ang inilagpas ko sa kanila. Nang masumpungan ko siya na sinisinta ng aking kaluluwa: pinigilan ko siya, at hindi ko binayaang umalis, hanggang sa siya'y aking nadala sa bahay ng aking ina, at sa silid niya na naglihi sa akin.
5 Es jūs mīļi lūdzu, jūs Jeruzālemes meitas, pie tām stirnām un kalnu kazām, neuztraucat un nemodinājat mīlestību, kamēr tai pašai patīk.
Pinagbibilinan ko kayo, Oh mga anak na babae ng Jerusalem, alangalang sa mga usang lalake at babae sa parang, na huwag ninyong pukawin o gisingin man ang aking sinta, hanggang sa ibigin niya.
6 Kas ir šī, kas no tuksneša nāk kā dūmu stabs, apkvēpināta ar mirrēm un vīraku, ar visādām veikalnieku zālēm?
Sino itong umaahong mula sa ilang na gaya ng mga haliging usok, na napapabanguhan ng mira at ng kamangyan, ng lahat na blanquete ng mangangalakal?
7 Redzi, ap Salamana krēslu apkārt ir sešdesmit varoņi no Israēla varoņiem.
Narito, ito ang arag-arag ni Salomon; anim na pung makapangyarihang lalake ay nangasa palibot nito, sa mga makapangyarihang lalake ng Israel.
8 Tie visi tur zobenus, mācīti karot; ikkatram savs zobens pie gurniem pret nakts bailēm.
Silang lahat ay nagsisihawak ng tabak, at bihasa sa pakikidigma: bawa't isa'y may tabak sa kaniyang pigi, dahil sa takot kung gabi.
9 Ķēniņš Salamans sev licis taisīt nesamu krēslu no Lībanus kokiem.
Ang haring Salomon ay gumawa para sa kaniya ng palankin na kahoy sa Libano,
10 Viņa stabus viņš taisīja no sudraba, to lēni no zelta, to sēdekli no purpura, viņa iekšpuse bija izpušķota no Jeruzālemes meitu mīlestības.
Ginawa niya ang mga haligi niyaon na pilak, ang pinakailalim niyaon ay ginto, at ang upuan ay kulay ube, ang gitna niyaon ay nalalatagan ng pagsinta, na mula sa mga anak na babae ng Jerusalem.
11 Ejat ārā un uzlūkojiet, Ciānas meitas, ķēniņu Salamanu ar to kroni, ar ko viņa māte to kronēja viņa kāzu dienā un viņa sirds līksmības dienā.
Magsilabas kayo, Oh kayong mga anak na babae ng Sion, at inyong masdan ang haring Salomon, na may putong na ipinutong sa kaniya ng kaniyang ina, sa kaarawan ng kaniyang pagaasawa, at sa kaarawan ng kasayahan ng kaniyang puso.

< Augstā Dziesma 3 >