< Salamana Pamācības 8 >

1 Vai gudrība nesauc, un atzīšana nepaceļ savu balsi?
Hindi ba nananawagan ang Karunungan? Hindi ba itinataas ng Pang-unawa ang kaniyang tinig?
2 Kalnu virsgalā tā stāv, ceļmalā uz ceļu jūtīm;
Sa mga taluktok ng bundok sa tabi ng daan, sa mga daang nagsasalubong, ang Karunungan ay naninindigan.
3 Pie vārtiem pilsētas priekšā, kur pa vārtiem ieiet, viņa skaņi sauc:
Sa tabi ng mga pasukan sa lungsod, malapit sa tarangkahan ng mga lungsod, siya ay nananawagan.
4 „Uz jums, vīri, es saucu, un mana balss iet pie cilvēku bērniem.
Mga mamamayan, tinatawag ko kayo at itinataas ko ang aking tinig sa mga anak ng sangkatauhan.
5 Ņemiet vērā, nejēgas, gudrību, un, ģeķi, paliekat prātīgi!
Kayong mga hindi naturuan, dapat ninyong maintindihan ang katalinuhan at kayong kinasusuklaman ang kaalaman, kayo ay dapat magkaroon ng isang maunawaing puso.
6 Klausāties, jo es runāšu augstas lietas un atdarīšu savu muti ar skaidriem vārdiem.
Makinig kayo at magsasalita ako ng mga mararangal na bagay at kapag bumuka ang aking mga bibig ay sasabihin ko kung ano ang tama—
7 Jo mana mute runās patiesību, un bezdievība manām lūpām ir negantība.
dahil ang aking bibig ay nagsasalita kung ano ang mapagkakatiwalan, at ang aking mga labi ay napopoot sa kasamaan.
8 Visi manas mutes vārdi stāv taisnībā, iekš tiem nav netiklības, nedz viltības.
Lahat ng mga salita sa aking bibig ay makatarungan; walang baluktot at nakaliligaw sa kanila.
9 Tie ir visnotaļ taisni tam, kas tos saprot un skaidri tiem, kas atzīšanu atraduši.
Ang lahat ng aking mga salita ay matuwid para sa nakakaunawa; ang mga salita ko ay matuwid sa mga nakatatagpo ng kaalaman.
10 Pieņemiet manu mācību labāki nekā sudrabu, un atzīšanu vairāk nekā tīru zeltu;
Piliin ninyo ang aking katuruan kaysa sa pilak at kaalaman kaysa purong ginto.
11 Jo gudrība ir labāka pār pērlēm, un viss, ko tu kārotu, tai netiek līdz.
Dahil ako, ang Karunungan, ay mas mabuti kaysa sa mga hiyas; wala sa inyong ninanais ang maaaring maihalintulad sa akin.
12 Es, tā gudrība, mītu pie samaņas un atrodu vērtīgu padomu.
Ako, ang Karunungan, ay namumuhay nang may Kabaitan, at aking taglay ang kaalaman at kahinahunan.
13 Tā Kunga bijāšana ir: ienīdēt ļaunu, lepnību, augstprātību un ļaunu ceļu, un es ienīstu netiklu muti.
Ang pagkatakot kay Yahweh ay para kapootan ang kasamaan — kinapopootan ko ang pagmamataas at kayabangan, ang masamang paraan, at malaswang pananalita — kinapopootan ko sila.
14 Pie manis ir padoms un palīgs; es esmu atzīšana, man ir spēks.
Mayroon akong mabuting payo at maayos na karunungan; mayroon akong mahusay na pananaw, at taglay ko ang kalakasan.
15 Caur mani valda ķēniņi, un dod taisnus likumus valdītāji;
Sa pamamagitan ko, ang mga hari ay naghahari—pati na taong mararangal, at lahat ng mga namumuno ng makatarungan.
16 Caur mani valda varenie un lielkungi, visi zemes soģi.
Sa pamamagitan ko, ang mga prinsipe ay naghahari at ang mga mararangal at lahat ng namamahala nang may katarungan.
17 Es mīlēju tos, kas mani mīl, un kas mani tikuši(centīgi) meklē, tie mani atrod.
Mahal ko silang mga nagmamahal sa akin, at silang mga masisipag na humahanap sa akin ay matatagpuan ako.
18 Bagātība un gods ir pie manis, paliekama manta un taisnība.
Nasa akin ang mga kasaganaan at karangalan, walang maliw na kayamanan at katuwiran.
19 Mani augļi ir labāki nekā zelts un tīrs zelts, un mans ienākums nekā šķīsts sudrabs.
Ang aking bunga ay mas mabuti pa kaysa ginto, mas mabuti pa kahit sa pinong ginto; ang aking ibinibigay ay mas mabuti pa sa purong pilak.
20 Es vadu uz taisnības ceļa, taisnas tiesas pēdās,
Lumalakad ako sa daan na matuwid, sa mga landas na patungo sa katarungan,
21 Ka tiem, kas mani mīl, dodu iemantot pilnību un pildu viņu mantu.
para makapagbigay ako ng pamana sa mga nagmamahal sa akin at punuin ang kanilang mga imbakan ng yaman.
22 Tas Kungs mani nolika par sava ceļa iesākumu, par savu radījumu pirmaju no mūžības.
Nilikha ako ni Yahweh mula pa noong pasimula — ang una sa kaniyang mga ginawa noong unang panahon.
23 No mūžības es esmu iecelta, no iesākuma, no pasaules gala.
Mula pa noong unang panahon, inilagay na ako sa pagkalalagyan—mula ng una, mula pa sa pasimula ng mundo.
24 Kad dziļumi vēl nebija, tad es piedzimu, kad avoti vēl nebija, no ūdeņiem grūti.
Bago pa magkaroon ng mga karagatan, ako ay isinilang na—bago pa magkaroon ng mga bukal na may masaganang tubig, bago pa ilagay ang mga bundok,
25 Pirms kalnu pamati tapa nolikti, priekš pakalniem, tad es piedzimu.
at bago pa ang mga burol, ako ay ipinanganak na.
26 Viņš vēl nebija radījis zemi nedz klajumus, nedz sācis pasaules pīšļus;
Ipinanganak na ako bago pa likhain ni Yahweh ang lupa o mga bukirin, o kahit ang unang alikabok sa mundo.
27 Kad viņš debesis sataisīja, tad es tur biju; kad viņš izplatīja debess velvi pār dziļumiem,
Naroon na ako nang naitatag niya ang kalangitan, nang kaniyang ginuhit ang hangganan sa ibabaw ng kailaliman.
28 Kad viņš padebešus augšām nostiprināja, kad dziļumu avoti krākdami krāca,
Naroon na ako nang naitatag niya ang mga kalangitan sa itaas at nang ginawa niya ang mga bukal sa kalaliman.
29 Kad viņš jūrai lika robežas, ka ūdeņi neplūstu pār viņas malām, kad viņš nostiprināja zemes pamatus:
Naroon na ako nang ginawa niya ang hangganan para sa dagat, kaya ang katubigan ay hindi kumalat lagpas kung saan niya iniutos, at kung saan niya inutos ilagay ang mga pundasyon ng lupa.
30 Tad es biju pie viņa tā izdarītāja un biju viņa prieks dienu dienas un līksmojos viņa priekšā vienmēr:
Ako ay nasa tabi niya, bilang isang dalubhasang manggagawa, at ako ang kanyang kasiyahan sa araw araw, laging nagagalak sa harap niya.
31 Es līksmojos viņa pasaules virsū un mans prieks ir pie cilvēku bērniem.
Nagagalak ako sa kanyang buong daigdig, at ang kasiyahan ko ay nasa sangkatauhan.
32 Tad klausiet nu mani, mani bērni; jo svētīgs, kas manus ceļus sargā.
At ngayon, aking mga anak na lalaki, makinig kayo sa akin, dahil silang mga nananatili sa aking mga pamamaraan ay magiging masaya.
33 Klausiet pamācīšanai un topiet gudri, un neatmetat viņu.
Makinig kayo sa aking katuruan at maging marunong; huwag kaligtaan ito.
34 Svētīgs tas cilvēks, kas mani klausa, kas kavējās pie manām durvīm dienu no dienas, sargāt manu durvju stenderus;
Ang siyang nakikinig sa akin ay magiging masaya — nagmamasid bawat araw sa aking mga tarangkahan, naghihintay sa akin sa tabi ng mga pintuan ng aking tahanan.
35 Jo kas mani atrod, tas atrod dzīvību un dabūs žēlastību no Tā Kunga.
Dahil ang sinumang nakakatagpo sa akin ay nakakatagpo ng buhay, at matatagpuan niya ang kagandahang loob ni Yahweh.
36 Bet kas pret mani grēko, tas dara varu savai dvēselei; kas mani ienīst, tie visi līdz mīļo nāvi.“
Pero siya na nabibigong matagpuan ako ay pinapahamak ang kaniyang sarili; ang lahat ng namumuhi sa akin ay umiibig sa kamatayan.”

< Salamana Pamācības 8 >