< Salamana Pamācības 27 >

1 Nelielies ar rītdienu; jo tu nezini, ko diena atnesīs.
Huwag ipagyabang ang patungkol bukas, dahil hindi mo alam kung ano ang maaaring dala ng isang araw.
2 Lai cits tevi slavē un ne paša mute, svešs un ne paša lūpas.
Hayaan mong purihin ka ng isang tao at hindi ang sarili mong labi; isang hindi mo kilala at hindi sa sarili mong mga labi.
3 Akmens ir grūts un smiltis smagas, bet ģeķa sēras sūrākas nekā abi.
Isaalang-alang ang mga kabigatan ng isang bato at ang timbang ng buhangin, at ang pagpapagalit ng isang hangal ay mas mabigat kaysa sa dalawa.
4 Nežēlība ir briesmīga lieta un bardzība ir kā plūdi; bet priekš skaudības, kas tur pastāvēs!
Mayroon kalupitan ang kapootan at baha ng galit, ngunit sino ang kayang makatatagal sa pagseselos?
5 Labāki skaidri pārmācīt, nekā mīlestība, ko nedabū redzēt.
Mas mabuti ang lantaran na pagsaway kaysa sa lihim na pag-ibig.
6 Drauga sitieni nāk no labas sirds, bet viltīga ir nīdētāja skūpstīšana.
Tapat ang mga sugat na sanhi ng isang kaibigan, ngunit ang kaaway maaaring humalik sa iyo nang maraming beses.
7 Paēdis arī tīru medu min pa kājām, bet izsalkušam ikviens rūgtums ir salds.
Ang isang tao na kumain hanggang mabusog ay tinatanggihan kahit isang bahay-pukyutan, pero sa isang taong gutom, bawat mapait na bagay ay matamis.
8 Kā putns, kas savu ligzdu atstājis, tāds ir cilvēks, no dzimtenes aizgājis.
Ang isang ibon na pagala-gala mula sa pugad nito ay katulad ng isang taong naliligaw sa kaniyang tinitirhan.
9 Eļļa un kvēpināšana iepriecina sirdi; tāds mīlīgs ir draugs, kas padomu dod no sirds.
Ang pabango at insenso ay nagpapagalak ng puso, ngunit ang katamisan ng isang kaibigan ay mas mabuti pa sa kaniyang payo.
10 Neatstāj savu draugu, nedz sava tēva draugu, un savā bēdu laikā neej sava brāļa namā; labāks ir kaimiņš tuvumā, nekā brālis tālumā.
Huwag pababayaan ang iyong kaibigan at kaibigan ng iyong ama, at huwag pupunta sa bahay ng iyong kapatid sa araw ng iyong kalamidad. Mas mabuti ang isang kapwa na malapit kaysa sa isang kapatid na malayo.
11 Esi gudrs, mans dēls, tad mana sirds priecāsies, un es varēšu atbildēt saviem nievātājiem.
Maging matalino, aking anak, at gawin mong masaya ang aking puso; pagkatapos sasagot ako sa taong kumukutya sa akin.
12 Gudrais paredz nelaimi un paglābjās; bet neprāta ļaudis skrien vien un dabū ciest.
Ang isang maingat na tao ay nakikita ang gulo at itinatago ang kaniyang sarili, pero ang taong walang karanasan ay sumusulong at nagdurusa dahil dito.
13 „Atņem tam drēbi; jo viņš priekš sveša galvojis, un tā nezināmā vietā ķīlā to.“
Kunin ang isang kasuotan kung ang may-ari nito ay nagbibigay ng pera bilang panagot para sa utang ng isang hindi kilala; at kunin ito kung siya ay maglalagay ng panagot para sa isang nangangalunya.
14 Ja arī cilvēks no paša rīta skaņā balsī savu tuvāko svētī, to viņam tomēr var pārgriezt par lāstiem.
Kung sinuman ang nagbibigay sa kaniyang kapwa ng isang pagpapala nang may isang malakas na tinig ng maagang-maaga, ang pagpapalang iyon ay ituturing na isang sumpa!
15 Bez gala pil, kad lietus līst, un rējēja sieva tāda pat.
Ang isang nakikipag-away na asawang babae ay tulad ng pumapatak lagi sa araw na maulan;
16 Kas tādu grib valdīt, tas valda vēju un tur eļļu savā rokā.
ang pagpipigil sa kaniya ay tulad ng pagpipigil sa hangin, o sinusubukang huluhin ang langis sa iyong kanang kamay.
17 Dzelzs trinās pie dzelzs un cilvēks trinās pie cilvēka.
Bakal ang nagpapatalas sa bakal; gaya ng parehong paraan, ang isang tao ay nagpapatalas sa kaniyang kaibigan.
18 Kas vīģes koku kopj, ēdīs viņa augļus, un kas par savu kungu gādā, taps godā.
Ang isa na siyang nag-aalaga ng puno ng igos ang siyang kakain ng bunga nito, at ang isa na siyang nag-iingat sa kaniyang panginoon ay pararangalan.
19 Kā vaigam vaigs atspīd ūdenī, tā cilvēka sirds cilvēkam.
Gayundin naman ang tubig na sumasalamin sa mukha ng isang tao, gayundin ang puso ng isang tao ay sinasalamin ang kaniyang pagkatao.
20 Elle un bezdibenis nav pildāmi, tāpat cilvēka acis nav pildāmas. (Sheol h7585)
Gayundin naman ang sheol at Abaddon na hindi kailanman nasisiyahan, kaya ang mga mata ng isang tao ay hindi nasisiyahan kailanman. (Sheol h7585)
21 Kausējams katls sudrabam, ceplis zeltam, un vīrs pēc savas slavas.
Ang tunawan ng bakal ay para sa pilak at ang isang hurno ay para sa ginto, at nasusubok ang isang tao kapag siya ay pinuri.
22 Ja tu ģeķi piestā ar piestalu putraimos sagrūstu, ģeķība no viņa neatstāsies.
Kahit na durugin mo ang isang hangal ng pangbayo - -kasama ng butil — gayon pa man hindi siya iiwanan ng kaniyang kahangalan.
23 Liec labi ziņā savus sīkos lopus un ņem vērā savus ganāmos,
Tiyakin na alam mo ang kalagayan ng iyong kawan at magmalasakit ka sa iyong mga kawan,
24 Jo mantas nepaliek mūžīgi, nedz ķēniņa kronis uz radu radiem.
dahil ang kayamanan ay hindi panghabang panahon. Ang isang korona ba ay nanatili sa lahat ng mga henerasyon?
25 (Bet) kad siens nopļauts, un jauns zaļums nācis, un zāles uz kalniem salasītas,
Ang damo ay nawawala at lumilitaw ang bagong tubo at tinipon ang pagkain ng baka sa kabundukan.
26 Tad tev jēri būs apģērbam, un āži par tīruma maksu,
Ang mga tupa ay magbibigay ng iyong kasuotan, at ang mga kambing ay magbibigay ng halaga para sa bukid.
27 Un kazu piena būs diezgan tev un tavam namam par barību un par uzturu tavām kalponēm.
Magkakaroon ng gatas ng kambing para sa iyong pagkain—ang pagkain para sa iyong sambahayan—at pagkain para sa iyong mga aliping babae.

< Salamana Pamācības 27 >