< Michas 7 >
1 Vai man, jo es esmu, kā kad koku augļi sakrāti, kā kad vīna ogas otru reiz nolasītas; neviena ķekara ko ēst, nevienas agrīnās vīģes, kas manai dvēselei gribās.
Sa aba ko! Para sa akin ito ay katulad ng pagtatapos ng pag-aani ng mga bunga sa tag-araw, at kahit na maging ang pamumulot ng mga natitirang ubas sa ubasan. Wala ng mga kumpol ng bunga na makikita, ngunit nananabik pa rin ako sa unang hinog na mga bunga ng igos.
2 Dievbijīgie iznīkuši no zemes, un taisna nav cilvēku vidū; tie visnotaļ glūn uz asinīm, cits citam tie met tīklus.
Namatay na ang mabuting tao sa lupa, ni isa ay wala ng natira na matuwidi sa mga tao. Sila ay nakahigang naghihintay upang magbubog ng dugo ng iba; ang bawat isa at ang kaniyang kapatid ay naghahanap ng mahuhuli sa pamamagitan ng isang lambat.
3 Abām rokām tie dara ļaunu cik spēdami; valdnieks prasa un soģis tiesā par maksu, un lielskungs izrunā savas sirds kārību, un tā tie to sapin.
Ang kanilang mga kamay ay napakahusay sa paggawa ng pinsala. Ang mga pinuno ay humihingi ng pera, ang hukom ay handa sa mga suhol, at sinasabi ng makapangyarihang tao sa iba kung ano ang gusto niyang makuha. Kaya nagbalak sila ng masama.
4 Tas labākais no tiem ir kā ērkšķis, un tas taisnākais kā ērkšķu krūms. Tavu sargu diena, tava piemeklēšana nāk - tad tie būs izsamisuši.
Ang pinakamahusay sa kanila ay tulad ng dawag, ang pinakamatuwid ay isang bakod na mga tinikan. Ang araw na inihula sa pamamagitan ng inyong mga bantay, ang araw ng inyong kaparusahan. Ngayon, ang kanilang pagkalito ay dumating.
5 Neticat tuvākam un nepaļaujaties uz draugu; pasargi savas mutes durvis priekš tās, kas guļ tavā klēpī.
Huwag magtiwala sa kahit na sinong kalapit bahay. Huwag magtiwala sa kahit na sinong kaibigan. Mag-ingat tungkol sa inyong sinasabi maging sa babaeng nakahiga sa inyong mga kamay.
6 Jo dēls nicina tēvu, meita ceļas pret savu māti, vedekla pret savu vīra māti, cilvēka ienaidnieki ir viņa paša mājas ļaudis.
Sapagkat hindi igagalang ng isang anak ang kaniyang ama, ang anak na babae ay titindig laban sa kaniyang ina, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyenang babae. Ang mga kaaway ng tao ay ang mga tao sa kaniyang sariling sambahayan.
7 Bet es cerēšu uz To Kungu, es gaidīšu uz Dievu, savu Pestītāju; mans Dievs mani paklausīs.
Ngunit para sa akin, ako ay titingin kay Yahweh. Maghihintay ako sa aking Diyos ng aking kaligtasan, pakikinggan ako ng aking Diyos.
8 Nepriecājies, mana ienaidniece! Kad es esmu kritis, es atkal celšos; kad es sēžu tumsībā, tad Tas Kungs ir mans gaišums.
Huwag kang magalak para sa akin, aking kaaway. Pagkatapos kung bumagsak, titindig ako. Kapag ako ay uupo sa kadiliman, si Yahweh ang magsisilbing liwanag para sa akin.
9 Es nesīšu Tā Kunga dusmību, jo es pret Viņu esmu grēkojis, tiekams Viņš iztiesās manu tiesas lietu un man nesīs tiesu. Viņš mani vedīs gaismā, es redzēšu ar prieku Viņa taisnību.
Dahil nagkasala ako laban kay Yahweh, titiisin ko ang kaniyang galit hanggang sa patawarin niya ang ang aking pagkasala, at isagawa ang paghatol para sa akin. Dadalhin niya ako sa liwanag, at makikita ko siyang ililigtas niya ako sa kaniyang katarungan.
10 Un mana ienaidniece to redzēs un taps apsegta ar kaunu, - kas uz mani saka: kur ir Tas Kungs, tavs Dievs? Manas acis redzēs, ka viņu samīs kā dubļus ielā.
At makikita ito ng aking mga kaaway, at kahihiyan ang babalot sa nagsabi sa akin na, “Nasaan si Yahweh na iyong Diyos?” Titingnan siya ng aking mga mata, yayapakan siya tulad ng isang putik sa mga lansangan.
11 Nāks diena, tad tavi mūri taps uzcelti, tanī dienā robeža tālu sniegsies.
Darating ang araw na itatayo ninyo ang inyong mga pader.
12 Tanī dienā pie tevis nāks no Asura un Ēģiptes pilsētām, un no Ēģiptes līdz lielupei, un no vienas jūras līdz otrai un no viena kalna līdz otram.
Sa araw na iyon, ang mga hangganan ay lalong lalawak ang nasasakupan. Sa araw na iyon, darating ang mga sa inyo, mula sa Asiria at sa mga lungsod ng Egipto, mula sa Egipto hanggang sa napakalaking Ilog Eufrates, mula sa malalayong dagat, at mula sa kabundukan.
13 Bet zeme taps postā savu iedzīvotāju dēļ, viņu darba augļu dēļ.
At ang mga lupaing iyon ay mapapabayaan dahil sa mga taong naninirahan ngayon dito, dahil sa bunga ng kanilang mga kilos.
14 Tu tad gani Savus ļaudis ar Savu zizli, Savas mantības ganāmo pulku, kas savrup dzīvo Karmeļa mežā; lai tie gana pa Basanu un Gileādu tā kā vecos laikos.
Patnubayan mo ang iyong mga tao gamit ang iyong tungkod, ang kawan ng iyong mana. Kahit na sila ay namumuhay mag-isa sa kagubatan ng Bundok ng Carmelo, pakainin mo sila sa Basan at Galaad na gaya noong mga unang araw.
15 Es tiem likšu brīnumus redzēt, kā tanīs dienās, kad jūs izgājāt no Ēģiptes zemes.
Gaya noong araw nang inilabas mo sila sa lupain ng Egipto. Sinabi ni Yahweh, “Magpapakita ako sa kanila ng mga kamangha-manghang mga bagay.”
16 Pagāni to redzēs un taps kaunā ar visu savu varu, tie roku liks uz muti, viņu ausis taps kurlas.
Makikita ng mga bansa at mapapahiya sa lahat ng kanilang kapangyarihan. Ilalagay nila ang kanilang mga kamay sa kanilang mga bibig, ang kanilang mga tainga ay mabibingi.
17 Tie laizīs pīšļus kā čūska, kā zemes tārpi tie trīcēs savās pilīs, tie bīsies To Kungu, mūsu Dievu, un baiļosies no Tevis.
Didilaan nila ang alikabok ng gaya ng isang ahas, gaya ng nilalang na gumagapang sa lupa. Lalabas sila sa kanilang mga lungga na may takot, lalapit sila sa iyo na may takot, Yahweh na aming Diyos, at sila ay matatakot dahil sa iyo.
18 Kur ir tāds Dievs kā Tu? Kas piedod noziegumu un pamet pārkāpumu Savas mantības atlikušiem; Viņš nepatur Savu dusmību mūžīgi, jo Viņam ir labs prāts žēlot.
Sino ang Diyos na gaya mo, ikaw na nag-aalis ng kasalanan, ikaw na pinapalagpas ang mga pagkakasala ng mga natira ng iyong mana? Hindi mo pinapanatili ang iyong galit magpakailanman, dahil gustong-gusto mong ipakita sa amin ang iyong kasunduan ng katapatan.
19 Viņš atkal par mums apžēlosies, Viņš deldēs mūsu noziegumus. Tiešām, Tu visus viņu grēkus metīsi jūras dziļumos.
Magkakaroon ka muli ng kahabagan sa amin. Tatapakan mo ang aming kasalanan at itatapon mo ang lahat ng aming kasalanan sa kailaliman ng dagat.
20 Jēkabam Tu parādīsi uzticību, Ābrahāmam žēlastību, ko mūsu tēviem esi zvērējis no vecām dienām.
Ibibigay mo ang katotohanan kay Jacob at ang kasunduan ng katapatan kay Abraham, gaya ng iyong ipinangako sa aming mga ninuno noong unang mga araw.