< Jesajas 42 >
1 Redzi, Tas ir Mans kalps, kam Es palīdzu, Manis izredzēts, pie kā Manai dvēselei labs prāts. Es savu Garu esmu licis uz Viņu, tautām iznest tiesu.
Masdan, aking lingkod, na aking itinataas; ang aking pinili, sa kaniya ako ay nagagalak. Ang aking Espiritu ay nasa kaniya; siya ang magdudulot ng katarungan sa mga bansa.
2 Viņš nebrēks nedz pacels Savu balsi, un Viņa balsi nedzirdēs pa ielām.
Hindi siya iiyak o hihiyaw o magtataas ng boses sa lansangan.
3 Ielūzušu niedri Viņš nesalauzīs un kvēlošu dakti Viņš neizdzēsīs, Viņš tiesu nesīs ar patiesību.
Ang napitpit na tambo ay hindi niya mababali, at hindi niya maaapula ang mahinang apoy ng mitsa: siya ay matapat na magsasagawa ng katarungan.
4 Viņš nenogurs un nesalūzīs, kamēr iecels tiesu virs zemes, un jūras salas cerēs uz Viņa bauslību.
Siya ay hindi manglulupaypay o mapanghihinaan ng loob hanggang matatag niya ang katarungan sa mundo; at ang mga nakatira sa babayin ay maghihintay sa kaniyang batas.
5 Tā saka Dievs, Tas Kungs, kas debesis radījis un izplāta, kas zemi izklājis ar viņas augļiem, kas dvašu dod tiem ļaudīm, kas tur mīt, un garu tiem, kas virs tās staigā.
Ito ang sinabi ni Yahweh ating Diyos, na siyang lumikha ng kalangitan at naglatag sa kanila; siyang naglatag ng mundo at binigyang buhay ito; siyang nagbigay ng hininga sa mga tao doon, at buhay sa mga namumuhay doon:
6 “Es Tas Kungs Tevi esmu aicinājis iekš taisnības un Tevi satveru pie Tavas rokas un Tevi pasargāju un Tevi ieceļu par derību ļaudīm, par gaišumu pagāniem,
“Ako, si Yahweh, ang tumawag sa iyo sa katuwiran at hahawak sa iyong kamay. Iingatan kita at itatakda kita bilang tipan para sa mga tao, bilang isang liwanag para sa mga dayuhan,
7 Atvērt akliem acis un saistītos izvest no cietuma un no cietuma nama tos, kas sēž tumsībā.
para buksan ang mga mata ng bulag, para palayain ang mga bilanggo mula sa piitan, at mula sa tahanan ng pagkakulong silang mga nakaupo sa kadiliman.
8 Es esmu Tas Kungs, tas ir Mans vārds, un Savu godu Es citam nedošu, nedz Savu slavu elkiem.
Ako si Yahweh, iyon ang aking pangalan; at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibabahagi sa iba ni ang aking papuri sa mga inukit na mga diyus-diyusan.
9 Redzi, kas papriekš sludināts, tas ir noticis, un jaunu Es stāstu; pirms tas izplaukst, Es jums to dodu dzirdēt.”
Tingnan mo, ang mga nakaraang mga bagay ay nangyari na, ngayon ay ipapahayag ko ang mga bagong kaganapan. Bago sila magsimulang mangyari sasabihin ko sa iyo ang tungkol sa kanila.”
10 Dziediet Tam Kungam jaunu dziesmu, Viņa slavu no zemes galiem; jūras braucēji ar viņas pilnumu, salas ar saviem iedzīvotājiem.
Umawit kay Yahweh ng bagong awitin, at ang kaniyang kapurihan mula sa dulo ng mundo; ikaw na bumaba sa dagat, at ang lahat ng nakapaloob dito, ang mga baybayin at silang naninirahan doon.
11 Tuksnesis un viņa pilsētas lai paceļ balsi, un ciemi, kur Ķedars dzīvo; lai gavilē, kas dzīvo klints kalnos, lai tie sauc no kalnu galiem.
Hayaan ang disyerto at ang mga lungsod na tumawag, ang mga nayon kung saan na namumuhay ang Cedar, sumigaw ng may kagalakan! Hayaang umawit ang mga nakatira sa Sela; hayaan silang sumigaw mula sa tuktok ng mga bundok.
12 Lai Tam Kungam dod godu un lai pasludina Viņa slavu salās.
Hayaan silang magbigay kaluwalhatian kay Yahweh at magpahayag ng kaniyang papuri sa mga baybayin.
13 Tas Kungs iziet kā varonis, kā karavīrs Viņš iekarsis dusmās; Viņš sauc, Viņš kliedz, Saviem ienaidniekiem Viņš rādās varens.
Si Yahweh ay lalabas bilang isang mandirigma; siya ay magpapatuloy bilang isang lalaking pangdigmaan. Kaniyang ipupukaw ang kasigasigan. Siya ay sisigaw, oo, siya ay hihiyaw ng kaniyang hiyaw na pandigmaan; ipapakita niya sa kaniyang mga kaaway ang kaniyang kapangyarihan.
14 Sen laiku Es esmu klusu cietis, esmu klusu bijis un savaldījies. Bet nu Es brēkšu, kā sieva, kas dzemdē, elzdams un pūzdams ar varu.
Nanahimik ako ng mahabang panahon; ako ay hindi kumibo at nagpigil sa sarili; ngayon iiyak ako gaya ng isang babaeng nanganganak; ako ay maghahabol ng hininga at hihingalin.
15 Es postīšu kalnus un pakalnus un likšu sakalst visam viņu zaļumam un darīšu upes par salām, un izžāvēšu ezerus.
Aking wawasakin ang mga bundok at mga burol at patutuyuin ko ang lahat ng kanilang pananim; at ang mga ilog ay gagawin kong mga isla at patutuyuin ko ang mga sapa.
16 Un Es vadīšu aklus pa ceļu, ko tie nav zinājuši, Es tiem likšu staigāt pa tekām, ko tie nav pazinuši, Es darīšu tumsību priekš viņu acīm par gaismu un nelīdzenumu par līdzenumu. Tā Es darīšu un tos neatstāšu.
Dadalhin ko ang bulag sa daan na hindi nila alam; dadalhin ko sila sa mga landas na hindi nila alam na dadalhin ko sila. Ang kadiliman ay gagawin kong liwanag sa harap nila at itutuwid ang baluktot na mga lugar. Ang mga bagay na ito ay aking gagawin, at hindi ko sila pababayaan.
17 Bet atpakaļ būs griezties un palikt visiem kaunā, kas paļaujas uz elkiem un saka uz lietām bildēm: Jūs esat mūsu dievi.
Sila ay tatalikuran, at sila ay ganap na mailalagay sa kahihiyan, silang nagtitiwala sa mga inukit na mga diyos-diyusan, na nagsasabi sa mga hinulmang bakal na mga diyus-diyosan, “kayo ang aming mga diyos.”
18 Klausāties, kurlie, un skatāties, aklie, un redziet.
Makinig kayo, kayong mga bingi; at tumingin, kayong bulag, para kayo ay makakita.
19 Kas ir tik akls kā Mans kalps un tik kurls kā Mans vēstnesis, ko Es sūtu? Kas ir tik akls kā Tas mīļais, un tik akls kā Tā Kunga kalps?
Sino ang bulag kundi ang aking lingkod? O bingi gaya ng mensaherong aking pinadala? Sino ang kasing bulag gaya ng aking tipan ng kasunduan, o bulag gaya ng lingkod ni Yahweh?
20 Tu esi daudz redzējis, bet neesi ievērojis, ausis atdarījis, bet viņš nedzird.
Maraming kang nakikitang mga bagay, pero hindi nauunawaan; ang mga tainga nila ay nakabukas, pero walang nakaririnig.
21 Tam Kungam bija labs prāts Savas taisnības dēļ, dot lielu un augstu bauslību.
Nagpapalugod kay Yahweh ang mapapurihan ang kaniyang katarungan at maluwalhati ang kaniyang mga kautusan.
22 Bet tie ir postīti un aplaupīti ļaudis, visi saistīti alās un apslēpti cietuma namos, tie ir palikuši par laupījumu, un nav neviena, kas tos izglābj, par postījumu, un nav neviena, kas saka: Atdod atpakaļ.
Pero ito ang mga taong nanakawan at nasamsaman; silang lahat ay nakulong sa mga hukay, nabihag sa mga bilangguan; sila ay naging isang inagaw na walang sinumang makakasagip sa kanila at walang makakapagsabi, “ibalik sila!”
23 Kas jūsu starpā to liek vērā, kas uzmana un klausās, kas pēc būs?
Sino sa inyo ang makikinig nito? Sino ang makikinig at pakikinggan ang hinaharap?
24 Kas Jēkabu nodeva uz postu un Israēli laupītājiem? Vai ne Tas Kungs, pret ko esam grēkojuši? - Jo tie negribēja staigāt Viņa ceļos un neklausīja Viņa bauslībai.
Sino ang nagbigay kay Jacob sa mga magnanakaw, at ang Israel sa mga mandarambong? Hindi ba si Yahweh, laban sa kaniya na nagawan natin ng kasalanan, kaninong daan tayo nakagawa ng kasalanan, kaninong mga daan tayo tumangging lumakad, at kaninong batas tayo tumangging sumunod?
25 Tāpēc Viņš pār tiem ir izgāzis Savas dusmības bardzību un kara briesmas, ka visapkārt dega; bet tie to neatzina, - un Viņš tos iededzināja, bet tie to neņēma pie sirds.
Kaya ibinuhos niya ang kaniyang mabangis na galit laban sa kanila, kasama ang pagkawasak ng digmaan. Ito ay nagliyab sa kanilang kapaligiran, pero hindi nila ito maunawaan; tinupok sila nito, pero hindi nila ito isinapuso.