< Jesajas 29 >
1 Ak vai, Ariel, Ariel, pilsēta, kur Dāvids mitis, lai vēl gads ar gadu mijās, lai vēl svētki savā rindā pāriet.
Kaawa-awa kay Ariel, Ariel, ang lungsod na pinagkampohan ni David! Magdagdag ng taon sa taon; hayaang dumating ang mga pista.
2 Tad Es Arieli gribu apbēdināt, un tur būs vaidi un skumjas, un Man tomēr būs kā Ariels (Dieva lauva).
Pero sasalakayin ko ang Ariel, at siya ay magluluksa at mananaghoy; siya ay magiging tulad ng Ariel sa akin.
3 Jo Es gan apmetīšos visapkārt pret tevi un tevi spaidīšu ar karaspēku un uzcelšu pret tevi vaļņus.
Magkakampo ako laban sa inyo sa paligid ninyo at lulusob laban sa inyo gamit ang isang tulos, at magtatatag ng mga armas pagkubkob laban sa inyo.
4 Tad tu tapsi pazemota, tu runāsi no zemes, un tava valoda skanēs klusiņām no pīšļiem, un tava balss būs kā burvja balss no zemes, un tava valoda čukstēs no pīšļiem.
Ibabagsak kayo at magsasalita kayo mula sa lupa; ang pananalita ninyo ay magiging mababa mula sa alabok. Ang tinig ninyo ay magiging tulad ng isang multo mula sa lupa, at ang pananalita ninyo ay magiging napakahina mula sa alabok.
5 Un tavu ienaidnieku pulks būs tāpat kā smalki putekļi, un tas varas darītāju pulks kā vieglas pelavas, un tas notiks vienā acumirklī piepeši.
Ang kawan ng mga sumasalakay sa inyo ay magiging tulad ng maliliit na alikabok at ang maraming mga malulupit tulad ng ipa na naglalaho. Mangyayari ito nang biglaan, sa isang saglit.
6 Tu tapsi piemeklēta no Tā Kunga Cebaot ar pērkoni un ar zemes trīcēšanu un ar lielu rūkšanu, ar viesuli un ar aukām un ar rijošu uguns liesmu.
Paparusahan kayo ni Yahweh na pinuno ng mga hukbo ng mga anghel na may kulog, lindol, malakas na ingay, ng malalakas na mga hangin at matinding bagyo, at mga liyab ng isang lumalamong apoy.
7 Bet kā sapņa parādīšana naktī, tā būs visu pagānu pulks, kas karos pret Arieli, un visi, kas karos pret viņu un pret viņa pilīm un to spaidīs.
Ito ay magiging tulad ng isang panaginip, isang pangitain ng gabi: Lalabanan si Ariel at ang kanyang kutang tanggulan ng isang kawan ng lahat ng mga bansa. Sasalakayin siya at ang kanyang mga tanggulan para siluhin siya.
8 Tas būs tā, kā kad izsalcis sapnī redz, ka tas ēd, bet kad uzmostas, tad viņa sirds tukša, vai kā kad izslāpis sapnī redz, ka tas dzer, bet kad uzmostas, tad vēl ir izslāpis, un viņa sirds tvīkst. Tā būs ar visu pagānu pulku, kas karo pret Ciānas kalnu.
Ito ay tulad ng isang nagugutom na tao na nananaginip na siya ay kumakain, pero nang siya ay gumising, walang laman ang kanyang tiyan. Ito ay tulad ng nananaginip na uhaw na tao na umiinom, pero nang siya ay gumising, siya ay nahihilo, dahil ang kanyang pagka-uhaw ay hindi mapawi. Oo, ganoon ang mangyayari sa kawan ng mga bansa na lumalaban sa Bundok ng Sion.
9 Iztrūcinājāties un brīnāties, paliekat stulbi un akli! Tie ir piedzērušies, bet ne no vīna, tie streipuļo, bet ne no stipra dzēriena.
Pahangain ninyo ang inyong mga sarili at mamangha; bulagin ninyo ang inyong sarili at mabulag! Malasing kayo, pero hindi sa alak; magsuray-suray kayo, pero hindi sa serbesa.
10 Jo Tas Kungs pār jums izlējis grūta miega garu, un jūsu acis, tos praviešus, Viņš ir aizdarījis, un jūsu galvas, tos redzētājus, apstulbojis.
Dahil ibinuhos sa inyo ni Yahweh ang espiritu ng mahimbing na tulog. Isinara niya ang inyong mga mata, mga propeta, at tinakpan ang inyong mga ulo, mga manghuhula.
11 Tādēļ jums visa parādīšana palikusi kā aizzieģelētas grāmatas vārdi, ko vienam dod, kas māk lasīt, un saka: lasi jel šo! Un viņš saka: es nevaru, ja tā ir aizzieģelēta.
Ang lahat ng mga paghahayag ay naging sa inyo tulad ng mga salita sa isang aklat na selyado, na maaaring ibigay ng mga tao sa isang may pinag-aralan, na sinasabing “Basahin mo ito”. Sinasabi rin niya, “Hindi maaari, dahil ito ay selyado.”
12 Un to grāmatu dod vienam, kas nemāk lasīt, un saka: lasi jel šo! Un viņš saka: es nemāku lasīt.
Kung ang aklat na ito ay ibinigay sa isa na hindi makabasa, na sinasabing. “Basahin mo ito”, sinasabi niya, “hindi ako makabasa”.
13 Jo Tas Kungs ir sacījis: tādēļ ka šie ļaudis pie Manis nāk ar savu muti un Mani godā ar savām lūpām, bet viņu sirds ir tālu no Manis nost, un ka tie Mani bīstas pēc cilvēku baušļiem, kas tiem top mācīti,
Sinabi ng Panginoon, “Ang bayang ito ay lumalapit sa akin gamit ang kanilang bibig at pinararangalan ako gamit ang kanilang mga labi, pero malayo ang kanilang puso sa akin. Ang pagpaparangal nila sa akin ay isang kautusan na itinuro ng mga tao.
14 Tādēļ, redzi, Es joprojām ar šiem ļaudīm darīšu brīnišķi, brīnišķi un apbrīnojami, ka viņu gudro gudrība zudīs, un viņu prātīgo prāts apslēpsies.
Kaya nga, tingnan ninyo, magpapatuloy akong gumawa ng kamangha-manghang bagay sa mga taong ito, kababalaghan kasunod ng isa pang kababalaghan. Ang karunungan ng kanilang matatalinong tao ay mawawala, at ang pang-unawa ng kanilang mga nakakaunawang mga tao ay maglalaho.”
15 Ak vai, tiem, kas savu padomu dziļi grib apslēpt no Tā Kunga, un kuru darbi notiek tumsībā, un kas saka: kas mūs redz un kas mūs pazīst?
Kaawa-awa ang mga lubos na itinatago ang kanilang mga plano mula kay Yahweh, at na ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman. Sinasabi nila, “Sino ang nakakakita sa atin, at sino ang nakakakilala sa atin?
16 Ak tavu bezprātību! Vai māls turams podniekam līdzi, ka darbs sacītu par savu darītāju: viņš mani nav darījis, un tēls par savu tēlotāju: viņš neprot?
Ibinabaligtad ninyo ang mga bagay! Dapat bang ituring ang magpapalayok na tulad ng luwad, para sabihin na ang bagay na ginawa niya ay tungkol sa kanya na siyang gumawa nito, “Hindi niya ako ginawa,” o ang bagay na hinubog ay sasabihin sa kanyang manghuhubog, “Hindi niya nauunawaan?”
17 Vai nav tikai mazs brīdis vēl, ka Lībanus taps darīts par auglīgu tīrumu, un auglīgais tīrums taps turēts par mežu?
Hindi magtatagal, magiging isang bukid ang Lebanon, at ang bukid ay magiging isang gubat.
18 Un tai dienā kurlie dzirdēs grāmatas vārdus, un aklo acis redzēs no krēslas un tumsas.
Sa araw na iyon, maririnig ng bingi ang mga salita ng aklat, at ang mga mata ng bulag ay makakakita mula sa malalim na kadiliman.
19 Un bēdīgiem būs atkal prieks iekš Tā Kunga, un nabagi starp cilvēkiem līksmosies iekš Israēla Svētā,
Muling magagalak kay Yahweh ang mga api, at magagalak sa Ang Banal ng Israel ang mga mahihirap.
20 Ka varas darītājam gals klāt, un mēdītājs beigts, un visi izdeldēti, kas uz blēņām domā,
Mawawala na ang malupit, at maglalaho ang mapangutya. Aalisin ang lahat ng mga mahilig gumawa ng kasamaan,
21 Kas viena vārda dēļ cilvēku notiesā un liek valgus tam, kas vārtos pārmāca, un taisno nospiež ar viltu.
na sa pamamagitan ng isang salita ay pinapalabas na may sala ang isang tao. Naglalatag sila ng isang silo para sa kanya na naghahanap ng katarungan sa tarangkahan at ibinababa ang matuwid sa pamamagitan ng walang laman na mga kasinungalingan.
22 Tādēļ Tas Kungs, kas Ābrahāmu atpestījis, saka uz Jēkaba namu: Jēkabs vairs netaps kaunā, un viņa vaigs vairs nenobālēs.
Kaya nga ito ang sinasabi ni Yahweh tungkol sa sambahayan ni Jacob — si Yahweh, na tumubos kay Abraham, “Hindi na mapapahiya si Jacob, ni mamumutla ang kanyang mukha.
23 Jo kad viņš, kad viņa bērni redzēs Manu roku darbu savā vidū, tad tie svētīs Manu Vārdu un svētīs to Svēto iekš Jēkaba un bīsies Israēla Dievu.
Pero kapag nakita niya ang kanyang mga anak, na gawa ng aking mga kamay, gagawin nilang banal ang aking pangalan. Gagawin nilang banal ang pangalan ng Banal ni Jacob at hahanga sila sa Diyos ng Israel.
24 Un tie, kam gars alojās, nāks pie saprašanas, un kurnētāji pieņems mācību.
Ang mga nagkamali sa kanilang iniisip ay magkakaroon ng pang-unawa, ang mga mareklamo ay matututo ng kaalaman. “