< Jesajas 26 >

1 Tai dienā šo dziesmu dziedās Jūda zemē: mums ir stipra pilsēta, pestīšanu Viņš mums ceļ par mūri un par stipru pili.
Sa araw na iyon ang awit na ito ay aawitin sa lupain ng Juda: Mayroon tayong malakas na lungsod; ginawa ng Diyos ang kaligtasan nitong mga pader at mga kuta.
2 Atveriet vārtus, lai taisni ļaudis ieiet, kas ticību tur.
Buksan ang mga tarangkahan, para ang matuwid na bansa na nananatiling tapat na nananampalataya ay maaring makapasok.
3 Kam nešaubīgs prāts, tam Tu uzturi pastāvīgu mieru, jo uz Tevi viņš paļaujas.
Nanatili sa iyo ang kaisipan, pananatalihin mo siya sa ganap na kapayapaan, dahil nagtitiwala siya sa iyo.
4 Paļaujaties uz To Kungu mūžīgi, jo Tas Kungs Dievs ir viens akmens kalns mūžīgi.
Magtiwala kay Yahweh magpakailanman; dahil kay Yah, Yahweh, ay ang walang hanggang tanggulan.
5 Jo Viņš nogāž, kas augstībā dzīvo, to augsto pili, to Viņš pazemo, to Viņš pazemo pie zemes, to Viņš met pīšļos.
Dahil ibabagsak niya ang mga namumuhay ng mapagmataas; ang matibay na lungsod ay ibaba niya, kaniyang ibababa sa lupa; ipapantay niya ito sa alikabok.
6 Kājas viņu samīs, zemu ļaužu kājas, nabagu pēdas,
Tatapakan ito sa pamamagitan ng mga paa ng mahirap at ang pagtutungtungan ng nangangailangan.
7 Taisnam ceļš ir līdzens, taisnam teku Tu līdzini.
Ang daan ng matuwid ay patag, Siyang Matuwid; ginawa mong tuwid ang daan ng mga matuwid.
8 Uz Tevi, uz Tavas tiesāšanas ceļu mēs arī gaidām, Kungs; pēc Tava vārda un pēc Tavas piemiņas dvēsele kāro!
Oo, sa paraan ng iyong paghuhukom, Yahweh, kami ay maghihintay para sa iyo; ang iyong pangalan at iyong reputasyon ay aming ninanais.
9 Mana dvēsele ilgojās pēc Tevis naktī, un mans gars iekš manis agri Tevi meklē. Jo kad Tava sodība parādās virs zemes, tad pasaules iedzīvotāji mācās taisnību.
Nananabik ako sa iyo sa gabi; oo, ang espiritu sa aking kalooban ay masigasig kang hinahanap. Dahil kapag dumating ang iyong paghuhukom, ang mga naninirahan sa mundo ay malalaman ang tungkol sa katuwiran.
10 Kad bezdievīgam parāda žēlastību, tad viņš nemācās taisnību; viņš dara netaisnību taisnā zemē, jo viņš neredz Tā Kunga augstību.
Hayaang makita ng masama ang iyong kabutihan, pero hindi niya matututunan ang katuwiran. Sa lupain ng katapatan siya ay gumagawa ng kasamaan at hindi nakikita ang kadakilaan ni Yahweh.
11 Kungs, Tava roka ir paaugstināta, to tie neredz; tie redzēs kaunēdamies to karstumu par Taviem ļaudīm, un uguns aprīs Tavus pretiniekus.
Yahweh, nakataas ang iyong kamay, pero hindi nila ito napapansin. Pero makikita nila ang iyon kasigasigan para sa mga tao at sila ay mapapahiya, dahil ang apoy ng iyong mga kaaway ay lalamunin sila.
12 Kungs, Tu mums dosi mieru, jo visu mūsu darbu Tu mums esi padarījis.
Yahweh, ikaw ay magbibigay ng kapayaan para sa amin, dahil tunay nga, tinapos mo na ang lahat ng aming mga gawain para sa amin.
13 Kungs, mūsu Dievs, citi kungi bez Tevis pār mums valdījuši; bet caur Tevi vien mēs pieminam Tavu vārdu.
Yahweh aming Diyos, ang ibang mga pinuno maliban sa iyo ay namuno sa amin, pero pangalan mo lamang ang aming pinupuri.
14 Tie ir nomiruši un netaps dzīvi, tie ir ēnas un vairs necelsies; tā Tu tos esi piemeklējis un izdeldējis un visu viņu piemiņu iznīcinājis.
Sila ay patay, hindi na sila mabubuhay; pumanaw na sila, hindi na sila muling babangon. Tunay nga, na dumating ka sa paghuhukom at winasak sila, at pinatay ang bawat alaala nila.
15 Tu, Kungs, esi vairojis tos ļaudis, vairojis tos ļaudis, parādījis savu godību, tālu aizcēlis visas zemes robežas.
Pinaunlad mo ang bansa, Yahweh, pinaunlad mo ang bansa; pinarangalan ka; pinalawak mo ang mga hangganang ng lupain.
16 Kungs, bēdās tie Tevi meklē, kad Tu tos pārmāci, tad tie gauži lūdzās.
Yahweh, sa kanilang kaguluhan tumingin sila sa iyo; nagsabi rin sila ng mga bulong laban sa masama nang ang iyong pagtutuwid ay nasa kanila.
17 Tā kā grūtai sievai ir sāpes, kad viņai dzemdēšana uziet, un tā brēc savās raizēs, tā mēs bijām, Kungs, Tavā priekšā.
Tulad ng isang babaeng buntis na malapit na ang oras ng panganganak, siya ay nasa kirot at sumisigaw sa sakit ng panganganak; kaya kami ay nasa harapan mo, Panginoon.
18 Mēs bijām grūti, mēs bijām raizēs, bet dzemdējām tik vēju; mēs tai zemei nevarējām palīdzēt, un pasaules iedzīvotāji nedzima.
Nakapagdalang-tao na kami, Nakapaghilab na kami sa panganganak, pero para bang kami ay nanganak lang ng hangin. Hindi namin nadala sa mundo ang kaligtasan, at ang mga naninirahan sa mundo ay hindi bumagsak.
19 Tavi mirušie dzīvos, mani miroņi celsies augšām. Uzmostaties un gavilējiet, jūs, kas pīšļos guliet; jo Tava rasa ir kā rasa uz zāli, un mirušos zeme izdos ārā.
Ang iyong patay ay mabubuhay; ang aming mga patay na katawan ay babangon. Ang mga namalagi sa alikabok; gising na at umawit ng may galak dahil ang iyong hamog ay hamog ng halamang damo, at ang mundo ay ibabagsak ang patay, ang mga sisilain.
20 Ejat, Mani ļaudis, ejat savos kambaros, un aizslēdzat savas durvis aiz sevis, paslēpjaties kādu mazu brīdi, kamēr tā dusmība pāriet.
Aking bayan, pumasok sa inyong mga silid at isara ang pinto; panandaliang magtago, hanggang ang galit ay lumipas na.
21 Jo redzi, Tas Kungs izies no Savas vietas, piemeklēt netaisnību pie zemes iedzīvotājiem, un zeme atsegs savas asinis un neapklās vairs savus nokautos.
Tingnan ninyo, dahil, si Yahweh ay parating na mula sa kaniyang lugar para parusahan ang mga naninirahan sa mundo dahil sa kanilang kasalanan; ihahayag ng mundo ang pagdanak ng kaniyang dugo, at hindi na itatago ang kaniyang patay.

< Jesajas 26 >