< Pirmā Mozus 38 >
1 Un notikās tanī laikā, ka Jūda no saviem brāļiem nogāja un apmetās pie kāda Adulamnieku vīra, Hīras vārdā.
Dumating ang panahon na iniwan ni Juda ang kanyang mga kapatid na lalaki at tumira sa isang Adullamita, na ang pangalan ay Hira.
2 Un Jūda redzēja tur kāda Kanaāniešu vīra meitu, un viņa vārds bija Šua, un viņš to ņēma un gāja pie tās.
Nakilala niya si Sua na anak ng Cananeo na lalaki na ang pangalan ay Sua. Pinakasalan niya at sinipingan niya.
3 Un tā tapa grūta un dzemdēja dēlu un nosauca viņa vārdu Ģeru.
Siya ay nabuntis at nagkaroon ng anak na lalaki. Siya ay pinangalanan Er.
4 Un tā tapa atkal grūta un dzemdēja dēlu un nosauca viņa vārdu Onanu.
Nabuntis ulit siya at nagkaroon ng isang anak na lalaki. Tinawag niya siyang Onan.
5 Un tā dzemdēja vēl vienu dēlu un nosauca viņa vārdu Šelu, un viņš bija Ķezibā, kad tā to dzemdēja.
Nagkaroon ulit siya ng isang anak at tinawag siya sa pangalang Selah. Ito ay sa Kizib kung saan siya ipinanganak.
6 Un Jūda ņēma sievu priekš Ģera, sava pirmdzimtā, un viņas vārds bija Tamāre.
Nakahanap si Juda ng isang asawa para kay Er, panganay niya. Ang pangalan niya ay Tamar.
7 Bet Ģers, Jūdas pirmdzimtais, bija ļauns Tā Kunga priekšā, tāpēc Tas Kungs to nokāva.
Ang panganay niyang anak na si Er ay napakasama sa paningin ni Yahweh. Pinatay siya ni Yahweh.
8 Tad Jūda sacīja Onanam: ej pie sava brāļa sievas un ņem to sava brāļa vietā un cel dzimumu savam brālim.
Sinabi ni Juda kay Onan, “Sumiping ka kasama ng asawa ng iyong kapatid na lalaki. Gawin mo ang tungkulin bilang isang kapatid na lalaki, at palakihin mo ang isang bata para sa iyong kapatid.
9 Bet Onans zinādams, ka tas dzimums viņam nepiederēs, pie sava brāļa sievas iedams, tam lika izgaist zemē, lai savam brālim nedotu dzimuma.
Alam na ni Onan na ang bata ay hindi kanya. Kapag sumisiping siya kasama ng asawa ng kanyang kapatid na lalaki, tinatapon niya sa lupa ang kanyang semilya upang hindi siya magkaroon ng anak para sa kanyang kapatid na lalaki.
10 Un Tam Kungam nepatika, ko viņš darīja, un viņš to arīdzan nokāva.
Ang ginawa niya ay naging masama sa paningin ni Yahweh. Pinatay din siya ni Yahweh.
11 Tad Jūda sacīja uz savu vedeklu Tamāri: paliec atraitne sava tēva namā, tiekams Šelus, mans dēls, pieaug; jo viņš domāja: vai viņam arī nebūs jāmirst, kā viņa brāļiem. Un Tamāre nogāja un dzīvoja sava tēva namā.
Pagkatapos sinabi ni Juda kay Tamar, na kanyang manugang, “Manatili kang biyuda sa bahay ng iyong ama hanggang sa lumaki si Selah na aking anak.” Dahil sa isip niya, “Baka mamatay din siya katulad ng kanyang mga kapatid.” Umalis si Tamar at nanirahan sa bahay ng kanyang ama.
12 Kad nu labs laiks bija pagājis, tad Šuas meita, Jūda sieva, nomira; pēc tam Jūda iepriecinājās un gāja pie saviem avju cirpējiem uz Timnu, viņš un Hīra, viņa draugs, tas Adulamnieks.
Pagkatapos ng mahabang panahon, ang anak na babae ni Sua na asawa ni Juda ay namatay. Si Juda ay naaliw at pumunta pataas sa kanyang mga manggugupit ng balahibo ng tupa sa Timnat, siya at ang kanyang kaibigan na si Hira na isang Adullamita.
13 Un Tamārei tapa vēstīts un sacīts: redzi, tavs tēvocis iet uz Timnu, savas avis cirpt.
Nasabihan si Tamar, “Tingnan mo, ang iyong biyenan na lalaki ay pupunta pataas sa Timnat upang gupitan ang balahibo ng kanyang mga tupa.”
14 Tad viņa novilka savas atraitņu drēbes un apsedzās ar vaiga apsegu un aptinās un apsēdās priekš Enaima vārtiem, kas ir uz Timnas ceļa; jo tā bija redzējusi, ka Šelus bija pieaudzis un ka viņa tam nebija dota par sievu.
Hinubad niya ang damit sa pagkabalo at tinakpan ang kanyang sarili ng isang belo at ibinalot ang sarili. Umupo siya sa tarangkahan ng Enaim, sa tabi ng daan patungong Timnat. Dahil nakita niyang si Selah ay lumaki na ngunit hindi siya binigay bilang asawa niya.
15 Un Jūda to redzēja un šķita, to esam mauku, tāpēc ka tā savu vaigu bija apsegusi.
Nang makita siya ni Juda naisip niya na siya ay isang babaeng bayaran dahil tinakpan niya ang kanyang mukha.
16 Un noklīda pie tās ceļmalā un sacīja: nāc jel, laid man pie tevis ieiet; jo viņš nezināja, to savu vedeklu esam. Un tā sacīja: ko tu man dosi, ja tu pie manis ieiesi?
Pumunta siya sa kanya sa tabing daan at sinabi, “Halika, pakiusap hayaan mo akong sumiping sa iyo.”- Dahil di niya alam na siya ang manugang niya- at sinabi niya, “Anong ibibigay mo sa akin para sipingan kita?”
17 Un tas sacīja: es tev sūtīšu vienu āzi no ganāmpulka. Un tā sacīja: tad dod man ķīlas, tiekams tu to sūti.
Sinabi niya, “Papadalhan kita ng isang batang kambing na mula sa kawan.” Sinabi niya, “Maaari mo ba akong bigyan ng isang sangla hanggang maipadala mo ito?”
18 Tad tas sacīja: kas tās tādas ķīlas, ko man tev būs dot? Un tā atbildēja: tavs aizspiežamais gredzens un tava virkne un tava niedre, kas tavā rokā. Un tas viņai to deva un iegāja pie tās; un tā tapa grūta no viņa.
Sinabi niya, “Anong sangla ang maaari kong ibigay sa iyo?” At sinabi niya, “Ang inyong selyo at kordon, at ang tungkod na nasa iyong kamay.” Ibinigay ito sa kanya at sinipingan siya. Siya ay nabuntis sa pamamagitan niya.
19 Un tā cēlās un aizgāja un nolika to apsegu un apvilka savas atraitņu drēbes.
Tumindig si Tamar at umalis palayo. Inalis niya ang kanyang belo at isinuot ang damit sa kanyang pagkabalo.
20 Un Jūda sūtīja to āzi caur savu draugu, to Adulamnieku, atņemt tās ķīlas no tās sievas rokas; bet tas to neatrada.
Ipinadala ni Juda ang batang kambing mula sa kawan kasama ang kanyang kaibigan na Adullamita para tanggapin ang sangla na mula sa kamay ng babae, ngunit hindi na niya siya nakita.
21 Tad tas vaicāja tās vietas ļaudis sacīdams: kur ir tā mauka, kas Enaimā uz ceļa sēdējusi? Un tie sacīja: še maukas nav bijis.
Pagkatapos nito ay tinanong ng Adullamita ang mga lalaki sa lugar, “Nasaan na ang kultong babaeng bayaran na nasa Enaim sa tabing daan? “Sinabi nila, wala namang kultong babaeng bayaran dito.”
22 Un tas atgriezās pie Jūdas un sacīja: es to neesmu atradis, un tās vietas ļaudis arīdzan saka: še maukas nav bijis.
Bumalik siya kay Juda at sinabi, “Hindi ko siya nakita. Maging ang mga lalaki sa lugar ay nagsabi, 'Walang naging kultong babaeng bayaran dito.
23 Tad Jūda sacīja: lai tā to sev patur, ka netopam kaunā; redzi, es šo āzi esmu sūtījis, un tu viņas neesi atradis.
Sinabi ni Juda, “Hayaan mong itago niya ang mga bagay, baka malagay tayo sa kahihiyan. Totoo nga, ipinadala ko ang batang kambing, ngunit hindi mo siya natagpuan.”
24 Un notikās pēc kādiem trim mēnešiem, tad Jūdam tapa vēstīts un sacīts: Tamāre, tava vedekla, maucību dzinusi, un redzi, tā ir arī grūta no maukošanas. Tad Jūda sacīja: izvediet to ārā, ka tā top sadedzināta.
Dumating ang panahon, pagkalipas ng tatlong buwan na sinabi kay Juda, “Ang iyong manugang na si Tamar ay naging babaeng bayaran, at totoo nga, siya ay nabuntis sa dahil doon.” Sinabi ni Juda, “Siya'y ilabas upang sunugin.”
25 Kad nu tā tapa izvesta, tad tā sūtīja pie sava tēvoča un sacīja: no tā vīra, kam šās lietas pieder, es esmu grūta; un tā sacīja: vai pazīsti jel, - kam tas aizspiežamais gredzens un šī virkne un šī niedre pieder?
Nang siya ay dinala palabas, nagpadala siya ng mensahe para sa kanyang biyenan na lalaki, “Dahil sa lalaking nagmamay-ari nito nabuntis ako.” Sabi niya, “Pakiusap alamin ninyo kung kaninong selyo, mga kordon at tungkod ito.”
26 Un Jūda tās pazina un sacīja: tā sieva ir taisnāka nekā es, tāpēc ka es viņu savam dēlam Šelum neesmu devis. Un viņš to vairs neatzina.
Nakilala ni Juda ang mga ito at sinabi, “Siya ay mas matuwid kaysa sa akin, dahil hindi ko siya ibinigay bilang isang asawa kay Selah, na aking anak na lalaki.” Siya ay hindi na muling sumiping sa kanya.
27 Un tai dzemdējot, redzi, tai bija dvīņi viņas miesās.
Nang siya ay manganganak na, masdan, kambal ang nasa kanyang sinapupunan.
28 Un kad tā dzemdēja, tad viens roku izbāza, un bērnu saņēmēja to ņēma un apsēja sarkanu pavedienu ap to roku un sacīja: šis nāks pirmais ārā.
Nang nanganganak na siya, may isang naglabas ng kamay, at kinuha ng komadrona ang isang pulang sinulid at itinali ito sa kanyang kamay at sinabi, “Ito ang unang lumabas.”
29 Un kad tas to roku ievilka, redzi, tad nāca viņa brālis ārā; un tā sacīja: kāpēc tu sev plēsumu esi plēsis? Un tā viņa vārdu nosauca Perec (plēsis).
nang inurong niya ang kanyang kamay, at masdan, ang kapatid niyang lalaki ay unang lumabas. Ang komandrona ay nagsabi, “Paano ka nakalabas!” At pinangalanan siyang Perez.
30 Un pēc tam viņa brālis nāca ārā, ap kā roku tas sarkanais pavediens bija, un tā viņa vārdu nosauca Zerus (atspīdums).
Pagkatapos ang kapatid niya ay lumabas, na mayroong pulang sinulid sa kanyang kamay, at Zera ang ipinangalan sa kanya.