< Piektā Mozus 8 >

1 Visus tos baušļus, ko es tev šodien pavēlu, tev būs turēt un tos darīt, lai jūs dzīvojat un topat vairoti un nākat un iemantojat to zemi, ko Tas Kungs jūsu tēviem zvērējis.
Dapat ninyong sundin ang lahat ng mga utos na ibibigay ko sa inyo ngayon, para mabuhay kayo at lumago, at pasukin at ariin ang lupain na ipinangako ni Yahweh sa inyong mga ama.
2 Un tev būs pieminēt visu to ceļu, pa kuru Tas Kungs, tavs Dievs, tevi tuksnesī vadījis šos četrdesmit gadus, ka Viņš tevi pazemotu un pārbaudītu, ka Viņš zinātu, kas ir tavā sirdī, vai tu Viņa baušļus turēsi, vai ne.
Isasa-isip ninyo ang lahat ng mga kaparaanan ni Yahweh na inyong Diyos na nagdala sa inyo ng apatnapung taon sa ilang, para kayo ay ibaba niya, para subukin niya kayo para malaman kung ano ang nasa inyong puso, kung susundin ninyo ang kaniyang mga utos o hindi.
3 Un Viņš tevi pazemoja un tev lika izsalkt un tevi ēdināja ar mannu, ko ne tu pazini, ne tavi tēvi nebija pazinuši, lai Viņš tev dotu atzīt, ka cilvēks nedzīvo no maizes vien, bet ka cilvēks dzīvo no visa, kas iziet no Tā Kunga mutes.
Ibinaba niya kayo, at ginutom, at pinakain kayo ng manna, na hindi ninyo alam kung ano, ni ng inyong mga ninuno, ni ng inyong mga ama. Ginawa niya ang mga iyon para malaman ninyo na ang mga tao ay hindi lamang nabubuhay sa tinapay, kung hindi, ito ay sa pamamagitan ng bawat salita na nagmumula sa bibig ni Yahweh kaya nabubuhay ang mga tao.
4 Tavas drēbes tavā mugurā nav nodilušas, un tava kāja nav uztūkusi šinīs četrdesmit gados.
Ang inyong kasuotan ay hindi naluluma sa inyo, at hindi namaga ang inyong mga paa sa loob ng apatnapung taong iyon.
5 Tad nu atzīsti savā sirdī, ka Tas Kungs, tavs Dievs, tevi pārmāca, itin kā kāds savu dēlu pārmāca.
Pag-isipan ninyo sa inyong puso, kung paano, bilang isang amang tinutuwid ang kaniyang anak, kaya tinutuwid kayo ni Yahweh na inyong Diyos.
6 Un turi Tā Kunga, sava Dieva, baušļus, staigādams pa Viņa ceļiem un bīsties Viņu.
Susundin ninyo ang mga utos ni Yahweh na inyong Diyos, para kayo ay lumakad sa kaniyang mga pamamaraan at parangalan siya.
7 Jo Tas Kungs, tavs Dievs, tevi, ved uz labu zemi, uz zemi, kur ir upes, avoti un ūdeņi, kas rodas ielejās un kalnos,
Dahil dadalhin kayo ni Yahweh na inyong Diyos sa mabuting lupain, isang lupain ng mga batis ng tubig, ng mga bukal at mga talon, na umaagos sa mga lambak at sa mga burol;
8 Uz zemi, kur ir kvieši un mieži un vīna koki un vīģes koki un granātu koki, uz zemi, kur ir eļļas koki un medus,
isang lupain ng trigo at sebada, ng mga puno ng ubas, mga puno ng igos, at mga granada; isang lupain ng mga punong olibo at pulot.
9 Uz zemi, kur maizi ēdīsi bez trūkuma, kur tev nekā netrūks, uz zemi, kur akmeņi ir dzelzs, no kuras kalniem tu izcirtīsi varu.
Ito ay isang lupain kung saan makakakain kayo ng tinapay nang hindi nagkukulang, at kung saan walang magkukulang sa inyo; isang lupain na ang mga bato ay gawa sa bakal, at mula sa kaniyang mga burol maaari kayong makahukay ng tanso.
10 Kad tu nu ēdīsi un būsi paēdis, tad tev būs teikt To Kungu, savu Dievu, par to labo zemi, ko Viņš tev devis.
Makakakain kayo at mabubusog, at pagpapalain ninyo si Yahweh na inyong Diyos dahil sa mabuting lupain na ibinigay niya sa inyo.
11 Sargies, ka tu neaizmirsti To Kungu, savu Dievu, bet turi Viņa baušļus un Viņa tiesas un Viņa likumus, ko es tev šodien pavēlu;
Maging maingat na hindi ninyo makalimutan si Yahweh na inyong Diyos, at para hindi ninyo ipagwalang bahala ang kaniyang mga utos, at kaniyang mga alituntunin, at kanyang mga batas na aking iniutos sa inyo ngayon.
12 Ka tu, kad būsi ēdis un paēdis un labus namus uztaisījis un iekš tiem dzīvosi,
Para hindi ito mangyari na, kapag kumain kayo at mabusog, at kapag magtatayo kayo ng maayos na mga bahay at manirahan dito,
13 Kad tavi vērši un sīkie lopi būs vairojušies un tavs sudrabs un zelts vairojies un viss, kas tev pieder, būs vairojies -
at kapag dumami ang inyong mga alagang hayop at mga kawan, at kapag dumami na ang inyong pilak at ginto, at kapag ang lahat ng nasa inyo ay dumami—
14 Ka tava sirds tad nelepojās, un tu neaizmirsti To Kungu, savu Dievu, kas tevi izvedis no Ēģiptes zemes, no tā vergu nama.
na pagkatapos ang inyong puso ay maaaring magmataas, at maaari ninyong makalimutan si Yahweh na inyong Diyos, na nagpalabas sa inyo mula sa lupain ng Ehipto, mula sa tahanan ng pagkakaalipin.
15 Kas tevi vadījis tai lielā un briesmīgā tuksnesī, kur bija dedzīgas čūskas un skorpioni un izkaltušas vietas bez ūdens, kas tev lika izvirst ūdenim no cietas klints,
Maaaring makalimutan ninyo siya na pumatnubay sa inyo sa malaki at kakila-kilabot na ilang, kung saan may nag-aapoy na mga ahas at mga alakdan, at sa uhaw na lupa na walang tubig; si Yahweh, na nagpalabas ng tubig sa batong pingkian para sa inyo;
16 Kas tuksnesī tevi ēdināja ar mannu, ko tavi tēvi nebija pazinuši, ka Viņš tevi pazemotu un pārbaudītu, un pēcgalā tev darītu labu.
si Yahweh, na nagpakain sa inyo ng manna sa ilang na hindi nakilala ng inyong mga ninuno, para kayo ay ibaba niya, at para kayo ay subukin niya, para gawan kayo ng kabutihan hanggang katapusan;
17 Tad nesaki savā sirdī: mans spēks un manas rokas stiprums man ir devis šo mantu.
kung hindi, maaari ninyong sabihin sa inyong puso, 'Sa aking kapangyarihan at sa lakas ng aking kamay natamo ko ang lahat ng kayamanang ito.'
18 Bet piemini To Kungu savu Dievu, ka Viņš ir Tas, kas tev dod spēku, mantu dabūt, gribēdams Savu derību apstiprināt, ko Viņš zvērējis taviem tēviem, kā tas šodien ir.
Pero isa-isip ninyo si Yahweh na inyong Diyos, dahil siya ang nagbibigay sa inyo ng kapangyarihan para makakuha ng kayamanan; para maitatag ang kaniyang tipan na kaniyang pinangako sa inyong mga ama, gaya sa araw na ito.
19 Bet ja tu aizmirsīsi To Kungu, savu Dievu, un dzīsies pakaļ citiem dieviem, un tiem kalposi un priekš tiem metīsies zemē, tad es šodien pret jums apliecināju, ka jūs nīcin iznīksiet.
Ito ay mangyayari na, kung inyong kalilimutan si Yahweh na inyong Diyos at sumunod sa ibang mga diyos, sambahin sila, at gagalangin sila, patutunayan ko laban sa inyo ngayon na kayo'y tunay na mapupuksa.
20 Kā tās tautas, ko Tas Kungs jūsu priekšā iznīcina, tāpat jūs iznīksiet, tāpēc ka jūs neesat klausījuši Tā Kunga, sava Dieva, balsij.
Tulad ng mga bansa na pinuksa ni Yahweh sa harapan ninyo, kaya magihihirap kayo, dahil hindi ninyo ninais makinig sa boses ni Yahweh na inyong Diyos.

< Piektā Mozus 8 >