< Otra Ķēniņu 25 >
1 Un notikās viņa valdības devītajā gadā desmitā mēnesi, desmitā mēneša dienā, tad Nebukadnecars, Bābeles ķēniņš, nāca ar visu savu karaspēku pret Jeruzālemi un apmeta lēģeri pret to un uztaisīja valni ap to.
Nangyari ito na sa ika-siyam na taon ng paghahari ni Haring Zedekias, sa ika-sampung buwan, at sa ika- sampung araw ng buwan, dumating si Nebucadnezar hari ng Babilonia kasama ng lahat ng kaniyang hukbo laban sa Jerusalem. Nagkampo siya sa harap nito, at nagtambak ng lupa sa paligid ng mga pader.
2 Un tā pilsēta palika apstāta līdz ķēniņa Cedeķijas vienpadsmitam gadam.
Kaya kinubkob nila ang lungsod hanggang sa ika-labing isang taon ng paghahari ni Haring Zedekias.
3 Un (ceturtā) mēneša devītā (dienā), kad bads pilsētu pārvarēja un iedzīvotājiem vairs nebija maizes,
Sa ika-siyam na araw ng ika-apat na buwan ng taong iyon, napakatindi ng taggutom sa lungsod kung kaya't walang pagkain para sa mga mamamayan ng lupain.
4 Tad ielauzās pilsētā, un visi karavīri bēga naktī pa vārtu ceļu starp abiem mūriem pie ķēniņa dārza, (bet Kaldeji bija pilsētai visapkārt) un ķēniņš bēga pa klajuma ceļu.
Pagkatapos pinasok ang lungsod, at kinagabihan tumakas ang lahat ng mga lumalaban na kalalakihan sa gabi sa pamamagitan ng tarangkahan sa pagitan ng dalawang pader, sa may hardin ng hari, kahit na nasa buong paligid ng lungsod ang mga Caldean. Pumunta ang hari patungo sa Araba.
5 Un Kaldeju spēks ķēniņam dzinās pakaļ un to panāca Jērikus klajumā, un viss viņa spēks no viņa izklīda.
Pero hinabol ng hukbo ng mga Caldean si Haring Zedekias at inabutan siya sa mga kapatagan ng lambak ng Ilog Jordan malapit sa Jerico. Lahat ng kaniyang hukbo ay nagkaniya-kaniyang takas palayo mula sa kaniya.
6 Un tie sagrāba ķēniņu un to noveda pie Bābeles ķēniņa uz Riblatu, un turēja tiesu pār viņu.
Binihag nila ang hari at dinala siya sa hari ng Babilonia sa Ribla, kung saan hinatulan siya nila.
7 Un tie nokāva Cedeķijas dēlus priekš viņa acīm un izdūra Cedeķijam acis un to saistīja ar divām vara ķēdēm un to noveda uz Bābeli.
Tungkol sa mga anak na lalaki ni Zedekias, pinatay nila sila sa harap ng kaniyang paningin. Pagkatapos dinukot niya ang kaniyang mga mata, ginapos sa mga tansong tanikala, at dinala siya sa Babilonia.
8 Un piektā mēneša septītā dienā (tas bija ķēniņa Nebukadnecara, Bābeles ķēniņa, deviņpadsmitais gads, ) NebuzarAdans, pils karavīru virsnieks, Bābeles ķēniņa kalps, nāca uz Jeruzālemi
Ngayon sa ika-limang buwan, sa ika-pitong araw ng buwan, na nasa ika-labing siyam na taon ng paghahari ni Nebucadnezar hari ng Babilonia at pinuno ng kaniyang mga tanod, dumating sa Jerusalem si Nebuzaradan, isang lingkod ng hari ng Babilonia.
9 Un sadedzināja Tā Kunga namu un ķēniņa namu un visus Jeruzālemes namus, visus lielos namus viņš sadedzināja ar uguni.
Sinunog niya ang tahanan ni Yahweh, ang palasyo ng hari, at ang lahat ng mga bahay sa Jerusalem; sinunog din niya ang bawat mahalagang gusali sa lungsod.
10 Un viss Kaldeju spēks, kas bija pie pils karavīru virsnieka, noplēsa Jeruzālemes mūrus visapkārt.
Tungkol sa lahat ng mga pader na nakapaligid sa Jerusalem, winasak ang mga iyon ng lahat ng hukbo ng mga taga-Babilonia na nasa ilalim ng pinuno ng mga tanod.
11 Un tos atlikušos ļaudis, kas bija atlikuši pilsētā, un tos bēgļus, kas bija aizbēguši pie Bābeles ķēniņa, un tautas atlikumu NebuzarAdans, pils karavīru virsnieks, aizveda.
Tungkol sa nalalabing mga tao na naiwan sa lungsod, ang mga sumuko sa hari ng Babilonia, at ang nalalabi sa populasyon - itinapon sila ni Nebuzaradan, ang pinuno ng tanod.
12 Bet no zemniekiem pils karavīru virsnieks citus atlicināja par vīna dārzniekiem un arājiem.
Pero iniwan ng pinuno ng tanod ang ilan sa pinakamahihirap ng bayan para gumawa sa mga ubasan at mga bukirin.
13 Un Kaldeji salauzīja tos vara stabus Tā Kunga namā un tos krēslus un to vara jūru Tā Kunga nama, un noveda to varu uz Bābeli.
Tungkol sa mga haliging tanso na nasa tahanan ni Yahweh, at ang mga patungan at ang tansong dagat na nasa tahanan ni Yahweh, pinagpira-piraso ang mga iyon ng mga Caldean at dinala ang tanso sa Babilonia.
14 Tie paņēma arī tos podus un tās lāpstas un dakšas un kausus un visus vara rīkus pie Dieva nama kalpošanas.
Ang mga palayok, pala, lalagyan ng abo, kutsara, at lahat ng mga kagamitang tanso na ginamit ng mga pari para maglingkod sa templo - tinangay rin ng mga Caldean lahat ng mga iyon.
15 Un pils karavīru virsnieks paņēma tos ogļu traukus un tās bļodas, kas bija tīra zelta un tīra sudraba,
Ang mga palayok para alisin ang mga abo at ang mga hugasan na gawa sa ginto, at ang mga gawa sa pilak - kinuha rin ang mga iyon ng kapitan ng bantay ng hari.
16 Tos divus stabus, to vienu jūru un tos krēslus, ko Salamans bija taisījis Tā Kunga namam. Visu šo trauku varš bija nesverams.
Ang dalawang haligi, ang dagat, at ang mga patungan na ginawa ni Solomon para sa tahanan ni Yahweh ay naglalaman ng tanso na higit pa kaysa kayang timbangin.
17 Astoņpadsmit olektis augsts bija viens stabs un uz tā vara kronis un tas kronis bija trīs olektis augsts, un tīkli un granātāboli apkārt kronim bija visi no vara. Un tāpat bija arī tas otrs stabs ar tiem tīkliem.
Ang taas ng isang haligi ay labing walong siko, at isang tansong kapitel sa ibabaw nito. Ang kapitel ay tatlong siko ang taas, na may mga sala-salang palamuti at mga granada sa paligid ng kapitel - lahat gawa sa tanso. Ang ikalawang haligi at ang sala-salang palamuti nito ay kapareho ng una.
18 Un pils karavīru virsnieks paņēma augsto priesteri Seraju un otru priesteri Cefaniju un trīs sliekšņa sargus.
Binihag ng pinuno ng tanod si Seraya, ang punong pari, kasama ni Zefanias, ang ikalawang pari, at ang tatlong bantay ng tarangkahan.
19 Un no pilsētas viņš paņēma vienu kambarjunkuri, kas bija pār karavīriem, un piecus vīrus no tiem, kas vienmēr bija ķēniņa priekšā un kas pilsētā atradās, un karavirsnieka skrīveri, kas zemes ļaudis rīkoja uz karu, un sešdesmit vīrus no zemes ļaudīm, kas pilsētā atradās.
Mula sa lungsod, binihag niya ang isang opisyal na tagapamahala ng mga sundalo, at limang lalaki sa mga tagapayo ng hari, na nasa lungsod pa. Binihag niya rin ang opisyal ng hukbo ng hari na namamahala sa pangangalap ng mga lalaking papasok sa hukbo, kasama ang animnapung mahahalagang lalaki mula sa lupain na nasa lungsod.
20 Un NebuzarAdans, pils karavīru virsnieks, tos ņēmis noveda pie Bābeles ķēniņa uz Riblatu.
Pagkatapos kinuha sila at dinala ni Nebuzaradan, ang pinuno ng tanod, sa hari ng Babilonia sa Ribla.
21 Un Bābeles ķēniņš tos kāva un nokāva Riblatā Hamatas zemē. Tā Jūda tapa aizvests no savas zemes.
Ipinapatay sila ng hari ng Babilonia sa Ribla sa lupain ng Hamat. Sa ganitong paraan, naitinapon ang Juda mula sa lupain nito.
22 Bet pār tiem ļaudīm, kas bija atlikuši Jūda zemē, ko Nebukadnecars, Bābeles ķēniņš, bija atlicinājis, viņš iecēla Ģedaliju, Aikama dēlu, Safana dēla dēlu.
Tungkol sa mga natirang mamamayan sa lupain ng Juda, ang mga iniwan ni Nebucadnezar hari ng Babilonia, itinalaga niya si Gedalias na anak ni Ahikam na anak ni Safan, para mamahala sa kanila.
23 Kad nu visi kara virsnieki ar saviem vīriem dzirdēja, ka Bābeles ķēniņš Ģedaliju bija iecēlis par valdnieku, tad tie nāca pie Ģedalijas uz Micpu, ar vārdu: Ismaēls, Netanijas dēls, un Johanans, Kareūs dēls, un Seraja, Tanumeta dēls, no Netofas, un Jaēzanija, Maēkata dēls, ar saviem vīriem.
Ngayon nang marinig ng mga pinuno ng mga kawal, sila at ang kanilang mga tauhan, na ginawang gobernador ng hari ng Babilonia si Gedalias, pumunta sila kay Gedalias sa Mizpa. Ang mga lalaking ito ay sina Ismael na anak ni Netanias, Johanan na anak ni Karea, Seraias na anak ni Tanhumet ang Netofatita at Jaazanias na anak ng Maacateo - sila at ang kanilang mga tauhan.
24 Un Ģedalija tiem un viņu vīriem zvērēja un uz tiem sacīja: nebīstaties no Kaldeju kalpiem, paliekat zemē un kalpojiet Bābeles ķēniņam, tad jums labi klāsies.
Nanumpa si Gedalias sa kanila at sa kanilang mga tauhan, at sinabi sa kanila, “Huwag kayong matakot sa mga opisyal na Caldean. Mamuhay kayo sa lupain at paglingkuran ang hari ng Babilonia, at mapapabuti kayo.”
25 Bet septītā mēnesī nāca Ismaēls, Netanijas dēls, Elišama dēla dēls, no ķēniņa dzimuma, un desmit vīri ar viņu, un tie kāva Ģedaliju, ka tas nomira, līdz ar tiem Jūdiem un Kaldejiem, kas pie viņa bija Micpā.
Pero nangyari ito nang sa ika-pitong buwan dumating si Ismael na anak ni Netanias na anak ni Elisama, mula sa maharlikang pamilya, na may kasamang sampung lalaki, at nilusob si Gedalias. Namatay si Gedalias, pati na ang mga kalalakihan ng Juda at ang mga taga-Babilonia na kasama niya sa Mizpa.
26 Tad visi ļaudis cēlās, ir mazi, ir lieli līdz ar kara virsniekiem, un gāja uz Ēģipti; jo tie bijās no Kaldejiem. -
Pagkatapos lahat ng mga tao, mula sa pinakaaba hanggang sa pinakadakila, at ang mga pinuno ng mga kawal, ay tumakas patungong Ehipto, dahil takot sila sa mga taga-Babilonia.
27 Un trīsdesmit septītā gadā pēc tam, kad Jojaķins, Jūda ķēniņš, bija aizvests, divpadsmitā mēnesī, divdesmit septītā mēneša dienā, Evil-Merodaks, Bābeles ķēniņš, tai gadā, kad palika par ķēniņu, paaugstināja Jojaķina, Jūda ķēniņa, galvu no cietuma nama.
Kinalaunan nang ika-tatlumpu't pitong taon ng pagkapatapon ni Jehoiakin hari ng Juda, sa ika-labing dalawang buwan, sa ika-dalawampu't pitong araw ng buwan, na pinalaya ni Evil Merodac hari ng Babilonia si Jehoiakin hari ng Juda mula sa bilangguan. Nangyari ito sa taon na nagsimulang maghari si Evil Merodac.
28 Un viņš runāja laipnīgi ar to un lika viņa krēslu pār visiem ķēniņu krēsliem, kas pie viņa bija Bābelē.
Maayos siyang nakipag-usap sa kaniya at binigyan siya ng isang puwesto na mas marangal kaysa sa ibang mga hari na kasama niya sa Babilonia.
29 Un viņš pārmija viņa cietuma drēbes, un tas ēda vienmēr viņa priekšā, kamēr dzīvoja.
Hinubad ni Evil Merodac ang mga damit pang bilangguan ni Jehoiakin, at regular na kasalo sa hapag kainan ng hari si Jehoiakin habang siya ay nabubuhay.
30 Un viņš tam nosprieda uzturam dienišķu daļu, ko tas ikdienas dabūja no ķēniņa, kamēr dzīvoja.
At araw-araw binigyan siya ng regular na rasyon ng pagkain para sa nalalabing bahagi ng kaniyang buhay.