< Otra Ķēniņu 1 >
1 Un Moabs atkāpās no Israēla, kad Ahabs bija nomiris.
Nang namatay si Ahab, nagrebelde ang Moab laban sa Israel.
2 Un Ahazija nokrita caur savas augšistabas treliņiem Samarijā, un sasitās un sūtīja vēstnešus un tiem sacīja: ejat un vaicājiet BaālZebubu, Ekronas dievu, vai es palikšu vesels?
Pagkatapos, nahulog si Ahazias sa balkonahe sa taas ng kaniyang tulugan sa Samaria, at nagkaroon ng malubhang karamdaman. Kaya nagpadala siya ng mga mensahero at sinabi sa kanila, “Pumunta kayo at tanungin si Baal-zebub, ang diyos ng Ekron, kung gagaling pa ako sa karamdamang ito.”
3 Bet Tā Kunga eņģelis runāja uz Eliju no Tizbes: celies, ej pretī Samarijas ķēniņa vēstnešiem un runā uz tiem: vai tad Dieva nav iekš Israēla, ka jūs ejat, vaicāt BaālZebubu, Ekronas dievu?
Pero sinabi ng anghel ni Yahweh kay Elias ang taga-Tisbe, “Tumayo ka at puntahan ang mga mensahero ng hari ng Samaria, at tanungin mo sila, 'Dahil ba walang Diyos sa Israel kaya kayo pupunta para sumangguni kay Baal-zebub ang diyos ng Ekron?
4 Tāpēc Tas Kungs tā saka: tu necelsies no tās gultas, kur tu guli, bet tev jāmirst. Un Elija aizgāja.
Dahil dito, ito ang sabi ni Yahweh, “Hindi ka na makakabangon sa higaan kung saan ka bumabangon; sa halip, tiyak kang mamamatay.” Pagkatapos umalis si Elias.
5 Tā tie vēstneši nāca atpakaļ pie viņa, un viņš uz tiem sacīja: kāpēc jūs nākat atpakaļ?
Nang bumalik ang mga mensahero kay Ahazias, sinabi niya sa kanila, “Bakit kayo bumalik?”
6 Un tie uz viņu sacīja: viens vīrs mums nāca pretī un uz mums sacīja: ejat, griežaties atpakaļ pie ķēniņa, kas jūs sūtījis, un sakāt tam: tā saka Tas Kungs: vai tad nav Dieva iekš Israēla, ka tu sūti, vaicāt BaālZebubu, Ekronas dievu? Tāpēc tu necelsies no tās gultas, kur tu guli, bet tev jāmirst.
Sinabi nila sa kaniya, “Isang lalaki ang lumapit sa amin na nagsabi, 'Bumalik kayo sa haring nagpadala sa inyo, at sabihin sa kaniya, “Sinabi ito ni Yahweh: 'Dahil ba walang Diyos sa Israel kaya kayo pupunta para sumangguni kay Baal-zebub ang diyos ng Ekron? Dahil dito, hindi ka na makakabangon sa hingaan kung saan ka bumabangon; sa halip, tiyak kang mamamatay.”
7 Un viņš uz tiem sacīja: kādu izskatu tas vīrs bija, kas jums pretī nāca un šos vārdus uz jums runāja?
Sinabi ni Ahazias sa kaniyang mga mensahero, “Anong klaseng tao siya, ang taong lumapit sa inyo at sinabi ang mga salitang ito?
8 Un tie uz viņu sacīja: tas bija vīrs spalvas drēbēs un ar ādas jostu apjozies ap saviem gurniem. Tad viņš sacīja: tas ir Elija no Tizbes.
Sumagot sila sa kaniya, “Nakasuot siya ng damit na gawa sa buhok at mayroong balat na sinturon na nakasuot sa kaniyang baywang.” Kaya sumagot ang hari, “Si Elias iyon na taga-Tisbe.”
9 Un viņš pie tā sūtīja virsnieku pār piecdesmit un tos piecdesmit, kas tam bija. Un kad tas pie viņa nonāca, redzi, tad viņš sēdēja kalna galā, un tas uz viņu sacīja: tu Dieva vīrs, ķēniņš tev liek sacīt: nāc lejā.
Pagkatapos nagpadala ang hari ng kapitan kasama ang limampung sundalo para kay Elias. Nagpunta ang kapitan kay Elias kung saan nakaupo siya sa tuktok ng burol. Nagsalita ang kapitan sa kaniya, ikaw na lingkod ng Diyos, sinabi ng hari, 'Bumaba ka.'”
10 Bet Elija atbildēja un sacīja uz to virsnieku pār tiem piecdesmit: ja es esmu Dieva vīrs, tad lai uguns krīt no debesīm un aprij tevi ar taviem piecdesmit. Tad uguns krita no debesīm un aprija to un viņa piecdesmit.
Sumagot si Elias at sinabi sa kapitan, “kung ako ay lingkod ng Diyos, bumaba sana ang apoy mula sa kalangitan at sunugin ka at ang limampung sundalo mo.” Pagkatapos bumaba ang apoy mula sa kalangitan at sinunog siya at kaniyang limampung sundalo.
11 Bet viņš pie tā sūtīja vēl otru virsnieku pār piecdesmit un tos piecdesmit, kas tam bija, un tas bildināja un uz to sacīja: tu Dieva vīrs, tā ķēniņš saka: nāc tūdaļ lejā.
Muling nagpadala si Haring Ahazias ng isa pang kapitan na may kasamang limampung sundalo para kay Elias. Sinabi ng kapitan kay Elias, “Ikaw na lingkod ng Diyos, sabi ng hari, 'Magmadali kang bumaba.'”
12 Bet Elija atbildēja un uz tiem sacīja: ja es esmu Dieva vīrs, tad lai uguns krīt no debesīm, un aprij tevi ar taviem piecdesmit. Tad Dieva uguns nokrita no debesīm un aprija to un viņa piecdesmit.
Sumagot si Elias at sinabi sa kanila, “Kung ako ay lingkod ng Diyos, bumaba sana ang apoy mula sa kalangitan at sunugin ka at iyong limampung sundalo.” Muli, bumaba ang apoy ng Diyos mula sa kalangitan at sinunog siya at kaniyang limampung sundalo.
13 Bet viņš sūtīja atkal trešo reiz virsnieku pār piecdesmit un tos piecdesmit, kas tam bija. Un tas trešais virsnieks pār piecdesmit nāca augšām un piegāja un metās ceļos priekš Elijas, to lūdza un uz to sacīja: tu Dieva vīrs, lai jel mana dvēsele un šo tavu piecdesmit kalpu dvēseles atrod žēlastību tavās acīs.
Ganun pa man, nagpadala muli ang hari ng ikatlong grupo ng limampung mandirigma. Umakyat ang kapitan, lumuhod sa harap ni Elias, at nagmakaawa sa kaniya at sinabi, “Ikaw na lingkod ng Diyos, nagmamakaawa ako na ang buhay ko at buhay ng limampung alipin mo ay maging mahalaga sa iyong paningin.
14 Redzi, uguns ir kritis no debesīm un aprijis tos divus pirmos virsniekus pār piecdesmit līdz ar viņu piecdesmitiem, bet nu lai jel mana dvēsele ir dārga tavās acīs.
Tunay nga na bumaba ang apoy mula sa kalangitan at sinunog ang unang dalawang kapitan kasama ng kanilang mga tauhan, pero ngayon hayaan mo sana na maging mahalaga ang buhay ko sa iyong paningin.”
15 Un Tā Kunga eņģelis sacīja uz Eliju: noej ar viņu un nebīsties no viņa. Tad viņš cēlās un ar to nogāja pie ķēniņa,
Kaya nagsabi ang anghel ni Yahweh kay Elias, “Bumaba ka kasama niya. Huwag kang matakot sa kaniya.” Kaya tumayo si Elias at bumaba kasama niya papunta sa hari.
16 Un sacīja uz to: tā saka Tas Kungs: tāpēc ka tu vēstnešus esi sūtījis, vaicāt BaālZebubu, Ekronas dievu, kā kad nebūtu Dieva iekš Israēla, kura vārdu varētu vaicāt tāpēc tu necelsies no tās gultas, kur tu guli, bet tev jāmirst.
Pagkatapos, sinabi ni Elias kay Ahazias, “Ito ang sinabi ni Yahweh, 'Nagpadala ka ng mga mensahero para sumangguni kay Baal-zebub ang diyos ng Ekron? Dahil ba walang Diyos sa Israel na maaari mong tanungan ng kaalaman? Kaya ngayon, hindi ka na makakabangon sa hingaan kung saan ka bumabangon; sa halip, tiyak kang mamamatay.”
17 Tā viņš nomira pēc Tā Kunga vārda, ko Elija bija runājis, un Jorams palika par ķēniņu viņa vietā, Jehorama, Jehošafata dēla, Juda ķēniņa, otrā gadā, jo viņam nebija dēla.
Kaya namatay si Haring Ahazias ayon sa mga salita ni Yahweh na binanggit ni Elias. Nagsimulang maghari si Joram kapalit niya, sa ikalawang taon, si Jehoram anak ni Jehoshafat ang naging hari ng Juda, dahil walang anak si Ahazias.
18 Un kas vēl stāstāms par Ahaziju, ko viņš darījis, tas viss rakstīts Israēla ķēniņu laiku grāmatā.
Para sa ibang mga bagay na tungkol kay Ahazias, hindi ba sila nakasulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa buhay ng mga Hari ng Israel?