< Titum 1 >

1 Paulus servus Dei apostolus autem Iesu Christi secundum fidem electorum Dei et agnitionem veritatis quae secundum pietatem est
Pablo, isang lingkod ng Diyos at isang apostol ni Jesu- Cristo, para sa pananalig ng mga pinili ng Diyos at sa kaalaman ng katotohanang naaayon sa kabanalan.
2 in spem vitae aeternae quam promisit qui non mentitur Deus ante tempora saecularia (aiōnios g166)
Ang mga ito ay nasa pagtitiwala sa buhay na walang hanggan na ang Diyos, siyang walang pagsisinungaling, ay ipinangako bago ang lahat ng panahon. (aiōnios g166)
3 manifestavit autem temporibus suis verbum suum in praedicatione quae credita est mihi secundum praeceptum salvatoris nostri Dei
At sa takdang panahon, ipinahayag niya ang kanyang salita sa mensahe na ipinagkatiwala sa akin upang isalaysay. Ginawa ko ito dahil sa utos ng Diyos na ating tagapagligtas.
4 Tito dilecto filio secundum communem fidem gratia et pax a Deo Patre et Christo Iesu salvatore nostro
Kay Tito, isang tunay na anak sa ating pangkalahatang pananampalataya. Biyaya, awa at kapayapaan mula sa Diyos Ama at tagapagligtas na si Cristo Jesus.
5 huius rei gratia reliqui te Cretae ut ea quae desunt corrigas et constituas per civitates presbyteros sicut ego tibi disposui
Para sa ganitong layunin iniwan kita sa Creta, upang ikaw ang maaaring mag-ayos ng mga bagay na hindi pa natapos at magtalaga ng mga nakatatanda sa bawat lungsod gaya ng iniutos ko sa iyo.
6 si quis sine crimine est unius uxoris vir filios habens fideles non in accusatione luxuriae aut non subditos
Ang isang nakatatanda ay dapat walang kapintasan, may iisang asawa, mayroong masunurin na mga anak hindi naparatangan ng pagiging masama o matigas ang ulo.
7 oportet enim episcopum sine crimine esse sicut Dei dispensatorem non superbum non iracundum non vinolentum non percussorem non turpilucri cupidum
Kinakailangan para sa tagapangasiwa, bilang tagapamahala ng sambahayan ng Diyos, ay walang kapintasan. Hindi dapat matabil at walang pagpipigil sa sarili. Hindi madaling magalit, hindi lulon sa alak, hindi isang palaaway, at hindi isang taong sakim.
8 sed hospitalem benignum sobrium iustum sanctum continentem
Subalit dapat bukas ang kaniyang tahanan sa mga panauhin at isang kaibigan ng mabuti. Dapat siya ay matino, matuwid, makadiyos, at may pagpipigil sa sarili.
9 amplectentem eum qui secundum doctrinam est fidelem sermonem ut potens sit et exhortari in doctrina sana et eos qui contradicunt arguere
Dapat siya ay matibay na nananangan sa naiturong mapakakatiwalaang mensahe, upang yaon siya ay maaaring magpalakas sa mga iba pa sa pamamagitan ng mabuting katuruan, at maituwid yaong mga sumasalungat sa kanya.
10 sunt enim multi et inoboedientes vaniloqui et seductores maxime qui de circumcisione sunt
Dahil marami ang taong naghihimagsik, lalo na sa yaong mga tuli. Walang silbi ang kanilang mga salita. Nililinlang nila at pinamumunuan ang mga tao sa maling dako.
11 quos oportet redargui qui universas domos subvertunt docentes quae non oportet turpis lucri gratia
Kinakailangan pigilan ang kanilang mga labi. Sila ay nagtuturo ng hindi dapat ituro para sa kahiya-hiyang kapakinabangan at winawasak ang mga pamilya.
12 dixit quidam ex illis proprius ipsorum propheta Cretenses semper mendaces malae bestiae ventres pigri
Isa sa kanila, isang matalinong tao mula sa kanila, ang nagsabi “Ang mga Creto ay walang tigil sa pagsisinungaling, masama at mapanganib na mga hayop, tamad ang mga sikmura.”
13 testimonium hoc verum est quam ob causam increpa illos dure ut sani sint in fide
Ang pahayag na ito ay totoo, kaya mahigpit mo silang iwasto sa gayon sila ay maaaring maayos sa pananampalataya.
14 non intendentes iudaicis fabulis et mandatis hominum aversantium se a veritate
Huwag paglaanan ng pansin ang mga kathang isip ng Judio o sa mga kautusan ng mga taong tumalikod sa katotohan.
15 omnia munda mundis coinquinatis autem et infidelibus nihil mundum sed inquinatae sunt eorum et mens et conscientia
Sa yaong mga dalisay, lahat ng mga bagay ay dalisay. Ngunit sa yaong mga marumi at hindi naniniwala ay walang kadalisayan. Sapagkat ang kanilang mga pag-iisip at mga budhi ay madumi.
16 confitentur se nosse Deum factis autem negant cum sunt abominati et incredibiles et ad omne opus bonum reprobi
Sinasabi nila na kilala ang Diyos, ngunit kanilang itinatatwa siya sa pamamagitan ng kanilang mga gawa. Sila ay kasuklam-suklam at masuwayin. Sila ay tumututol sa anumang mabuting gawa.

< Titum 1 >