< Psalmorum 9 >
1 in finem pro occultis filii psalmus David confitebor tibi Domine in toto corde meo narrabo omnia mirabilia tua
Ako'y magpapasalamat sa Panginoon ng aking buong puso; aking ipakikilala ang lahat na iyong kagilagilalas na mga gawa.
2 laetabor et exultabo in te psallam nomini tuo Altissime
Ako'y magpapakasaya at magpapakagalak sa iyo: ako'y aawit ng pagpuri sa iyong pangalan, Oh ikaw na kataastaasan.
3 in convertendo inimicum meum retrorsum infirmabuntur et peribunt a facie tua
Pagka ang aking mga kaaway ay magsisibalik, sila'y matitisod at malilipol sa iyong harapan.
4 quoniam fecisti iudicium meum et causam meam sedisti super thronum qui iudicas iustitiam
Sapagka't iyong inalalayan ang aking matuwid at ang aking usap; ikaw ay nauupo sa luklukan na humahatol na may katuwiran.
5 increpasti gentes et periit impius nomen eorum delisti in aeternum et in saeculum saeculi
Iyong sinaway ang mga bansa, iyong nilipol ang masama, iyong pinawi ang kanilang pangalan magpakailan man.
6 inimici defecerunt frameae in finem et civitates destruxisti periit memoria eorum cum sonitu
Ang kaaway ay dumating sa wakas, sila'y lipol magpakailan man; at ang mga siyudad na iyong dinaig, ang tanging alaala sa kanila ay napawi.
7 et Dominus in aeternum permanet paravit in iudicio thronum suum
Nguni't ang Panginoon ay nauupong hari magpakailan man: inihanda niya ang kaniyang luklukan para sa kahatulan.
8 et ipse iudicabit orbem terrae in aequitate iudicabit populos in iustitia
At hahatulan niya sa katuwiran ang sanglibutan, siya'y mangangasiwa ng karampatang kahatulan sa mga tao.
9 et factus est Dominus refugium pauperi adiutor in oportunitatibus in tribulatione
Ang Panginoon naman ay magiging matayog na moog sa napipighati, matayog na moog sa mga panahon ng kabagabagan;
10 et sperent in te qui noverunt nomen tuum quoniam non dereliquisti quaerentes te Domine
At silang nangakakaalam ng iyong pangalan ay maglalagak ng kanilang tiwala sa iyo; sapagka't ikaw, Panginoon, ay hindi mo pinabayaan (sila) na nagsisihanap sa iyo.
11 psallite Domino qui habitat in Sion adnuntiate inter gentes studia eius
Magsiawit kayo ng mga pagpuri sa Panginoon, na nagsisitahan sa Sion: ipahayag ninyo sa gitna ng bayan ang kaniyang mga gawa.
12 quoniam requirens sanguinem eorum recordatus est non est oblitus clamorem pauperum
Sapagka't siyang nagsisiyasat ng dugo ay umaalaala sa kanila: hindi niya kinalilimutan ang daing ng dukha.
13 miserere mei Domine vide humilitatem meam de inimicis meis
Maawa ka sa akin, Oh Panginoon; masdan mo ang kadalamhatian na aking tinitiis sa kanila na mangagtatanim sa akin, ikaw na nagtataas sa akin mula sa mga pintuan ng kamatayan;
14 qui exaltas me de portis mortis ut adnuntiem omnes laudationes tuas in portis filiae Sion
Upang aking maipakilala ang iyong buong kapurihan: sa mga pintuang-bayan ng anak na babae ng Sion, ako'y magagalak sa iyong pagliligtas.
15 exultabo in salutari tuo infixae sunt gentes in interitu quem fecerunt in laqueo isto quem absconderunt conprehensus est pes eorum
Ang mga bansa ay nangahulog sa balon na kanilang ginawa: sa silo na kanilang ikinubli ay kanilang sariling paa ang nahuli.
16 cognoscitur Dominus iudicia faciens in operibus manuum suarum conprehensus est peccator canticum diapsalmatis
Ang Panginoon ay napakilala, siya'y naglapat ng kahatulan: ang masama ay nasilo sa mga gawa ng kaniyang sariling mga kamay. (Higgaion, Selah)
17 convertantur peccatores in infernum omnes gentes quae obliviscuntur Deum (Sheol )
Ang masama ay mauuwi sa Sheol, pati ng lahat ng mga bansa na nagsisilimot sa Dios. (Sheol )
18 quoniam non in finem oblivio erit pauperis patientia pauperum non peribit in finem
Sapagka't ang mapagkailangan ay hindi laging malilimutan, ni ang pagasa ng dukha ay mapapawi magpakailan man.
19 exsurge Domine non confortetur homo iudicentur gentes in conspectu tuo
Bumangon ka, Oh Panginoon; huwag manaig ang tao: mahatulan ang mga bansa sa iyong paningin.
20 constitue Domine legislatorem super eos sciant gentes quoniam homines sunt diapsalma
Ilagay mo (sila) sa katakutan Oh, Panginoon: ipakilala mo sa mga bansa na sila'y mga tao lamang. (Selah)