< Psalmorum 35 >
1 huic David iudica Domine nocentes me expugna expugnantes me
Awayin mo, Oh Panginoon, silang nagsisiaway sa akin: lumaban ka sa kanila na nagsisilaban sa akin.
2 adprehende arma et scutum et exsurge in adiutorium mihi
Humawak ka ng kalasag at ng longki, at tumayo ka na pinaka tulong sa akin.
3 effunde frameam et conclude adversus eos qui persequuntur me dic animae meae salus tua ego sum
Kumuha ka rin naman ng sibat, at tumigil ka sa daan laban sa kanila na nagsisihabol sa akin: sabihin mo sa aking kaluluwa, Ako'y iyong kaligtasan.
4 confundantur et revereantur quaerentes animam meam avertantur retrorsum et confundantur cogitantes mihi mala
Mangahiya nawa (sila) at madala sa kasiraang puri ang nagsisiusig sa aking kaluluwa: mangapabalik (sila) at mangalito silang nagsisikatha ng aking kapahamakan.
5 fiant tamquam pulvis ante faciem venti et angelus Domini coartans eos
Maging gaya nawa (sila) ng ipa sa unahan ng hangin, at itaboy (sila) ng anghel ng Panginoon.
6 fiat via illorum tenebrae et lubricum et angelus Domini persequens eos
Maging madilim nawa, at madulas ang kanilang daan, at habulin (sila) ng anghel ng Panginoon.
7 quoniam gratis absconderunt mihi interitum laquei sui supervacue exprobraverunt animam meam
Sapagka't walang kadahilanan ay ipinagkubli nila ako ng kanilang silo sa hukay, walang kadahilanan ay nagsihukay (sila) para sa aking kaluluwa.
8 veniat illi laqueus quem ignorat et captio quam abscondit conprehendat eum et in laqueo cadat in ipso
Dumating nawa sa kaniya ng walang anoano ang pagkapahamak; at hulihin nawa siya ng kaniyang silo na kaniyang ikinubli: mahulog nawa siya sa ikapapahamak niya.
9 anima autem mea exultabit in Domino delectabitur super salutari suo
At ang aking kaluluwa ay magagalak sa Panginoon: magagalak na mainam sa kaniyang pagliligtas.
10 omnia ossa mea dicent Domine quis similis tui eripiens inopem de manu fortiorum eius egenum et pauperem a diripientibus eum
Lahat ng aking mga buto ay magsasabi, Panginoon, sino ang gaya mo, na inililigtas ang dukha doon sa totoong malakas kay sa kaniya, Oo, ang dukha at ang mapagkailangan sa sumasamsam sa kaniya?
11 surgentes testes iniqui quae ignorabam interrogabant me
Mga saksing masasama ay nagsisitayo; sila'y nangagtatanong sa akin ng mga bagay na di ko nalalaman.
12 retribuebant mihi mala pro bonis sterilitatem animae meae
Iginaganti nila sa akin ay kasamaan sa mabuti, sa pagpapaulila ng aking kaluluwa.
13 ego autem cum mihi molesti essent induebar cilicio humiliabam in ieiunio animam meam et oratio mea in sinum meum convertetur
Nguni't tungkol sa akin, nang sila'y may sakit, ang aking suot ay magaspang na kayo: aking pinagdalamhati ang aking kaluluwa ng pagaayuno; at ang aking dalangin ay nagbabalik sa aking sariling sinapupunan.
14 quasi proximum quasi fratrem nostrum sic conplacebam quasi lugens et contristatus sic humiliabar
Ako'y nagasal na tila aking kaibigan o aking kapatid: ako'y yumuyukong tumatangis na tila iniiyakan ang kaniyang ina.
15 et adversum me laetati sunt et convenerunt congregata sunt super me flagella et ignoravi
Nguni't pagka ako'y natisod sila'y nangagagalak, at nagpipisan: ang mga uslak ay nagpipisan laban sa akin, at hindi ko nalaman;
16 dissipati sunt nec conpuncti temptaverunt me subsannaverunt me subsannatione frenduerunt super me dentibus suis
Gaya ng mga nanunuyang suwail sa mga kapistahan, kanilang pinagngangalit sa akin ang kanilang mga ngipin.
17 Domine quando respicies restitue animam meam a malignitate eorum a leonibus unicam meam
Panginoon, hanggang kailan titingin ka? Iligtas mo ang aking kaluluwa sa kanilang mga pagsira, ang aking sinta mula sa mga leon.
18 confitebor tibi in ecclesia magna in populo gravi laudabo te
Ako'y magpapasalamat sa iyo sa dakilang kapisanan: aking pupurihin ka sa gitna ng maraming tao.
19 non supergaudeant mihi qui adversantur mihi inique qui oderunt me gratis et annuunt oculis
Huwag magalak sa akin na may kamalian ang aking mga kaaway; ni magkindat man ng mata ang nangagtatanim sa akin ng walang kadahilanan.
20 quoniam mihi quidem pacifice loquebantur et in iracundia terrae loquentes; dolos cogitabant
Sapagka't sila'y hindi nangagsasalita ng kapayapaan: kundi sila'y nagsisikatha ng mga magdarayang salita laban sa mga tahimik sa lupain.
21 et dilataverunt super me os suum dixerunt euge euge viderunt oculi nostri
Oo, kanilang ibinuka ng maluwang ang kanilang bibig laban sa akin; kanilang sinasabi: Aha, aha, nakita ng aming mata.
22 vidisti Domine ne sileas Domine ne discedas a me
Iyong nakita ito, Oh Panginoon; huwag kang tumahimik, Oh Panginoon, huwag kang lumayo sa akin.
23 exsurge et intende iudicio meo Deus meus et Dominus meus in causam meam
Kumilos ka, at ikaw ay gumising upang gawan ako ng kahatulan, sa aking usap, Dios ko at Panginoon ko.
24 iudica me secundum iustitiam tuam Domine Deus meus et non supergaudeant mihi
Hatulan mo ako, Oh Panginoon kong Dios, ayon sa iyong katuwiran; at huwag mo silang pagalakin sa akin.
25 non dicant in cordibus suis euge euge animae nostrae nec dicant devoravimus eum
Huwag silang magsabi sa kanilang sarili: Aha, nasa namin: huwag silang magsabi: Aming sinakmal siya.
26 erubescant et revereantur simul qui gratulantur malis meis induantur confusione et reverentia qui magna loquuntur super me
Mangapahiya nawa (sila) at mangalito na magkakasama ang mga nangagalak sa aking pagkapahamak: manganamit nawa ng kahihiyan at kasiraang puri ang nangagmamalaki laban sa akin.
27 exultent et laetentur qui volunt iustitiam meam et dicant semper magnificetur Dominus qui volunt pacem servi eius
Magsihiyaw nawa ng kagalakan, at mangasayahan, ang nagsisilingap ng aking katuwiran: Oo, mangagsabi nawa silang palagi: Dakilain ang Panginoon, na nalulugod sa kaginhawahan ng kaniyang lingkod.
28 et lingua mea meditabitur iustitiam tuam tota die laudem tuam
At ang aking dila ay mangungusap ng iyong katuwiran, at ng pagpuri sa iyo sa buong araw.