< Proverbiorum 13 >

1 filius sapiens doctrina patris qui autem inlusor est non audit cum arguitur
Ang matalinong anak ay nakikinig sa tagubilin ngunit ang manunuya ay hindi makikinig sa pagtutuwid.
2 de fructu oris homo saturabitur bonis anima autem praevaricatorum iniqua
Mula sa bunga ng kaniyang bibig, sa mga mabubuting bagay ang isang tao ay nasisiyahan, pero ang gana ng taksil ay para sa karahasan.
3 qui custodit os suum custodit animam suam qui autem inconsideratus est ad loquendum sentiet mala
Ang binabantayan ang kaniyang bibig ay pinapangalagaan ang kaniyang buhay, pero sisirain ang sarili nang nagbubukas ng labi ng maluwang.
4 vult et non vult piger anima autem operantium inpinguabitur
Ang gana ng taong tamad ay nananabik nang labis pero walang makukuha, pero ang gana ng mga taong masisipag ay masisiyahan nang masagana.
5 verbum mendax iustus detestabitur impius confundit et confundetur
Napopoot sa mga kasinungalingan ang siyang gumagawa ng tama, pero ang isang masamang tao ay ginagawang kamuhi-muhi ang sarili, at ginagawa niya kung ano ang kahiya-hiya.
6 iustitia custodit innocentis viam impietas vero peccato subplantat
Silang walang kapintasan sa kanilang landas ay ipinagtatanggol ng katuwiran, ngunit ang kasamaan ay inililigaw ang mga gumagawa ng kasalanan.
7 est quasi dives cum nihil habeat et est quasi pauper cum in multis divitiis sit
May isang tao na pinayayaman ang sarili, pero halos walang-wala, at may isang tao na pinamimigay ang lahat ng bagay, pero siyang tunay na masagana.
8 redemptio animae viri divitiae suae qui autem pauper est increpationem non sustinet
Ang taong mayaman ay maaaring tubusin ang kaniyang buhay sa pamamagitan ng kaniyang mga ari-arian, pero ang taong mahirap ay hindi makatatanggap ng ganiyang uri ng pagbabanta kailanman.
9 lux iustorum laetificat lucerna autem impiorum extinguetur
Ang ilaw nang gumagawa ng matuwid ay nagsasaya, pero papatayin ang lampara ng masama.
10 inter superbos semper iurgia sunt qui autem agunt cuncta consilio reguntur sapientia
Ang pagmamataas ay nagbubunga lamang ng pag-aaway-away, pero mayroong karunungan para sa mga nakikinig ng mabuting payo.
11 substantia festinata minuetur quae autem paulatim colligitur manu multiplicabitur
Ang kayamanan ay nauubos kapag mayroong labis na kalayawan, pero ang siyang kumikita ng salapi sa pamamagitan ng pagtatrabaho gamit ang kaniyang kamay ay mapapalago ang kaniyang salapi.
12 spes quae differtur adfligit animam lignum vitae desiderium veniens
Kapag ang pag-asa ay ipinagpaliban, dinudurog nito ang puso, pero ang isang natupad na pananabik ay isang puno ng buhay.
13 qui detrahit alicui rei ipse se in futurum obligat qui autem timet praeceptum in pace versabitur
Ang nagsasawalang-bahala ng tagubilin ay magiging sakop pa rin nito, pero ang nagpaparangal sa utos ay gagantimpalaan.
14 lex sapientis fons vitae ut declinet a ruina mortis
Ang katuruan ng isang matalinong tao ay bukal ng buhay, ilalayo ka mula sa patibong ng kamatayan.
15 doctrina bona dabit gratiam in itinere contemptorum vorago
Kagandahang-loob ang tinatamo ng mabuting pananaw, pero ang daan ng taksil ay walang katapusan.
16 astutus omnia agit cum consilio qui autem fatuus est aperit stultitiam
Ang taong marunong ay kumikilos sa bawat pagpapasya mula sa kaalaman, pero pinapangalandakan ng isang mangmang ang kaniyang kamangmangan.
17 nuntius impii cadet in malum legatus fidelis sanitas
Ang isang masamang tagapagbalita ay nahuhulog sa gulo, pero ang isang tapat na sugo ay nagdadala ng pagkakasundo.
18 egestas et ignominia ei qui deserit disciplinam qui autem adquiescit arguenti glorificabitur
Magkakaroon ng kahirapan at kahihiyan ang hindi pumapansin sa disiplina, pero karangalan ang darating sa kaniya na natututo mula sa pagtutuwid.
19 desiderium si conpleatur delectat animam detestantur stulti eos qui fugiunt mala
Ang pananabik na nakamit ay matamis sa gana ng panlasa, pero ang mangmang ay nasusuklam na tumalikod mula sa masama.
20 qui cum sapientibus graditur sapiens erit amicus stultorum efficietur similis
Lumakad kasama ang mga matatalinong tao at ikaw ay magiging matalino, pero ang kasamahan ng mga mangmang ay magdurusa ng kapamahakan.
21 peccatores persequetur malum et iustis retribuentur bona
Sakuna ang humahabol sa mga makasalanan, pero silang mga gumagawa ng tama ay gagantimpalaan ng kabutihan.
22 bonus relinquet heredes filios et nepotes et custoditur iusto substantia peccatoris
Nag-iiwan ng mana para sa kaniyang mga apo ang taong mabuti, pero ang kayamanan ng makasalanan ay inipon para sa gumagawa ng matuwid.
23 multi cibi in novalibus patrum et alii congregantur absque iudicio
Ang hindi pa nabubungkal na bukirin na pag-aari ng mahirap ay maaaring magbunga ng maraming pagkain, pero ito ay natangay dahil sa kawalan ng katarungan.
24 qui parcit virgae suae odit filium suum qui autem diligit illum instanter erudit
Ang hindi dinidisiplina ang kaniyang anak ay napopoot dito, pero ang nagmamahal sa kaniyang anak ay maingat na disiplinahin ito.
25 iustus comedit et replet animam suam venter autem impiorum insaturabilis
Ang gumagawa ng tama ay kumakain hanggang masiyahan ang kaniyang gana, pero laging nagugutom ang tiyan ng masama.

< Proverbiorum 13 >