< Liber Numeri 3 >
1 haec sunt generationes Aaron et Mosi in die qua locutus est Dominus ad Mosen in monte Sinai
At ito ang mga lahi ni Aaron at ni Moises, nang araw na magsalita ang Panginoon kay Moises sa bundok ng Sinai.
2 et haec nomina filiorum Aaron primogenitus eius Nadab dein Abiu et Eleazar et Ithamar
At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron: si Nadab ang panganay, at si Abiu, si Eleazar, at si Ithamar.
3 haec nomina filiorum Aaron sacerdotum qui uncti sunt et quorum repletae et consecratae manus ut sacerdotio fungerentur
Ito ang mga pangalan ng mga anak ni Aaron, na mga saserdote na pinahiran ng langis, na itinalaga upang mangasiwa sa katungkulang saserdote.
4 mortui sunt Nadab et Abiu cum offerrent ignem alienum in conspectu Domini in deserto Sinai absque liberis functique sunt sacerdotio Eleazar et Ithamar coram Aaron patre suo
At si Nadab at si Abiu ay nangamatay sa harap ng Panginoon, nang sila'y maghandog ng ibang apoy sa harap ng Panginoon, sa ilang ng Sinai, at sila'y hindi nagkaanak: at si Eleazar at si Ithamar ay nangasiwa sa katungkulang saserdote sa harap ni Aaron na kanilang ama.
5 locutus est Dominus ad Mosen dicens
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
6 adplica tribum Levi et fac stare in conspectu Aaron sacerdotis ut ministrent ei et excubent
Ilapit mo ang lipi ni Levi, at ilagay mo sila sa harap ni Aaron na saserdote, upang pangasiwaan nila siya.
7 et observent quicquid ad cultum pertinet multitudinis coram tabernaculo testimonii
At kanilang gaganapin ang kaniyang katungkulan, at ang katungkulan ng buong kapisanan sa harap ng tabernakulo ng kapisanan upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
8 et custodiant vasa tabernaculi servientes in ministerio eius
At kanilang iingatan ang lahat ng kasangkapan ng tabernakulo ng kapisanan at ang katungkulan ng mga anak ni Israel upang isagawa ang paglilingkod sa tabernakulo.
At iyong ibibigay ang mga Levita kay Aaron at sa kaniyang mga anak: sila'y tunay na ibinigay sa kaniya sa ganang mga anak ni Israel.
10 Aaron et filiis eius quibus traditi sunt a filiis Israhel Aaron autem et filios eius constitues super cultum sacerdotii externus qui ad ministrandum accesserit morietur
At iyong ihahalal si Aaron at ang kaniyang mga anak, at kanilang gaganapin ang kanilang pagkasaserdote: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
11 locutusque est Dominus ad Mosen dicens
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
12 ego tuli Levitas a filiis Israhel pro omni primogenito qui aperit vulvam in filiis Israhel eruntque Levitae mei
At tungkol sa akin, narito, aking kinuha ang mga Levita sa gitna ng mga anak ni Israel sa halip ng mga panganay na nagbubukas ng bahay-bata sa mga anak ni Israel: at ang mga Levita ay magiging akin:
13 meum est enim omne primogenitum ex quo percussi primogenitos in terra Aegypti sanctificavi mihi quicquid primum nascitur in Israhel ab homine usque ad pecus mei sunt ego Dominus
Sapagka't lahat ng mga panganay ay sa akin; sapagka't nang araw na aking lipulin ang lahat ng mga panganay sa lupain ng Egipto ay aking pinapagingbanal sa akin, ang lahat ng mga panganay sa Israel, maging tao at maging hayop: sila'y magiging akin; ako ang Panginoon.
14 locutus est Dominus ad Mosen in deserto Sinai dicens
At sinalita ng Panginoon kay Moises sa ilang ng Sinai, na sinasabi,
15 numera filios Levi per domos patrum suorum et familias omnem masculum ab uno mense et supra
Bilangin mo ang mga anak ni Levi, ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang, ayon sa kanilang mga angkan: bawa't lalake na mula sa isang buwang gulang na patanda ay bibilangin mo.
16 numeravit Moses ut praeceperat Dominus
At sila'y binilang ni Moises ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos sa kaniya.
17 et inventi sunt filii Levi per nomina sua Gerson et Caath et Merari
At ito ang mga naging anak ni Levi ayon sa kanilang mga pangalan: si Gerson, at si Coath, at si Merari.
18 filii Gerson Lebni et Semei
At ito ang mga pangalan ng mga anak ni Gerson ayon sa kanilang mga angkan: si Libni at si Simei.
19 filii Caath Amram et Iessaar Hebron et Ozihel
At ang mga anak ni Coath ayon sa kanilang mga angkan, ay si Amram, at si Izhar, si Hebron, at si Uzziel.
20 filii Merari Mooli et Musi
At ang mga anak ni Merari ayon sa kanilang mga angkan; ay si Mahali at si Musi. Ito ang mga angkan ng mga Levita ayon sa mga sangbahayan ng kanilang mga magulang.
21 de Gerson fuere familiae duae lebnitica et semeitica
Kay Gerson galing ang angkan ng mga Libnita, at ang angkan ng mga Simeita: ito ang mga angkan ng mga Gersonita.
22 quarum numeratus est populus sexus masculini ab uno mense et supra septem milia quingentorum
Yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat ng mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay pitong libo at limang daan ang nangabilang sa kanila.
23 hii post tabernaculum metabuntur ad occidentem
Ang mga angkan ng mga Gersonita ay hahantong sa likuran ng tabernakulo sa dakong kalunuran.
24 sub principe Eliasaph filio Lahel
At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga Gersonita ay si Eliasaph na anak ni Lael.
25 et habebunt excubias in tabernaculo foederis
At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Gerson sa tabernakulo ng kapisanan ay ang tabernakulo, at ang Tolda, ang takip niyaon at ang tabing sa pintuan ng tabernakulo ng kapisanan,
26 ipsum tabernaculum et operimentum eius tentorium quod trahitur ante fores tecti foederis et cortinas atrii tentorium quoque quod adpenditur in introitu atrii tabernaculi et quicquid ad ritum altaris pertinet funes tabernaculi et omnia utensilia eius
At ang mga tabing ng looban at ang tabing sa pintuan ng looban na nasa palibot ng tabernakulo at sa palibot ng dambana, at ang mga tali niyaon na naukol sa buong paglilingkod doon.
27 cognatio Caath habebit populos Amramitas et Iessaaritas et Hebronitas et Ozihelitas hae sunt familiae Caathitarum recensitae per nomina sua
At kay Coath ang angkan ng mga Amramita at ang angkan ng mga Izharita, at ang angkan ng mga Hebronita, at ang angkan ng mga Uzzielita: ito ang mga angkan ng mga Coathita.
28 omnes generis masculini ab uno mense et supra octo milia sescenti habebunt excubias sanctuarii
Ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay may walong libo at anim na raang nangamamahala ng katungkulan sa santuario.
29 et castrametabuntur ad meridianam plagam
Ang mga angkan ng mga anak ni Coath ay magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo, sa dakong timugan.
30 princepsque eorum erit Elisaphan filius Ozihel
At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ng mga Coathita ay si Elisaphan na anak ni Uzziel.
31 et custodient arcam mensamque et candelabrum altaria et vasa sanctuarii in quibus ministratur et velum cunctamque huiuscemodi supellectilem
At ang magiging katungkulan nila ay ang kaban, at ang dulang, at ang kandelero, at ang mga dambana, at ang mga kasangkapan ng santuario na kanilang pinangangasiwaan, at ang tabing at ang lahat ng paglilingkod doon.
32 princeps autem principum Levitarum Eleazar filius Aaron sacerdotis erit super excubitores custodiae sanctuarii
At si Eleazar na anak ni Aaron na saserdote ay siyang magiging prinsipe ng mga prinsipe ng mga Levita at mamamahala sa mga may katungkulan sa santuario.
33 at vero de Merari erunt populi Moolitae et Musitae recensiti per nomina sua
Kay Merari ang angkan ng mga Mahalita at angkan ng mga Musita: ito ang mga angkan ni Merari.
34 omnes generis masculini ab uno mense et supra sex milia ducenti
At yaong nangabilang sa kanila, ayon sa bilang ng lahat na mga lalake, mula sa isang buwang gulang na patanda, ay anim na libo at dalawang daan.
35 princeps eorum Surihel filius Abiahihel in plaga septentrionali castrametabuntur
At ang magiging prinsipe sa sangbahayan ng mga magulang ng mga angkan ni Merari ay si Suriel na anak ni Abihail: sila'y magsisihantong sa tagiliran ng tabernakulo sa dakong hilagaan.
36 erunt sub custodia eorum tabulae tabernaculi et vectes et columnae ac bases earum et omnia quae ad cultum huiuscemodi pertinent
At ang magiging katungkulan ng mga anak ni Merari, ay ang mga tabla ng tabernakulo, at ang mga barakilan, at ang mga haligi, at ang mga tungtungan, at ang lahat ng kasangkapan, at lahat ng paglilingkod doon;
37 columnaeque atrii per circuitum cum basibus suis et paxilli cum funibus
At ang mga haligi sa palibot ng looban, at ang mga tungtungan, at ang mga tulos, at ang mga tali ng mga yaon.
38 castrametabuntur ante tabernaculum foederis id est ad orientalem plagam Moses et Aaron cum filiis suis habentes custodiam sanctuarii in medio filiorum Israhel quisquis alienus accesserit morietur
At yaong lahat na hahantong sa harap ng tabernakulo sa dakong silanganan, sa harap ng tabernakulo ng kapisanan, sa dakong sinisikatan ng araw, ay si Moises, at si Aaron, at ang kaniyang mga anak na mamamahala ng katungkulan sa santuario, upang ganapin ang pamamahala ng mga anak ni Israel: at ang taga ibang bayan na lumapit ay papatayin.
39 omnes Levitae quos numeraverunt Moses et Aaron iuxta praeceptum Domini per familias suas in genere masculino a mense uno et supra fuerunt viginti duo milia
Yaong lahat na nangabilang sa mga Levita na binilang ni Moises at ni Aaron sa utos ng Panginoon ayon sa kanilang mga angkan, lahat ng lalake mula sa isang buwang gulang na patanda, ay dalawang pu't dalawang libo.
40 et ait Dominus ad Mosen numera primogenitos sexus masculini de filiis Israhel a mense uno et supra et habebis summam eorum
At sinabi ng Panginoon kay Moises, Bilangin mo ang lahat ng mga lalaking panganay sa mga anak ni Israel mula sa isang buwang gulang na patanda, at iguhit mo ang bilang ng kanilang mga pangalan.
41 tollesque Levitas mihi pro omni primogenito filiorum Israhel ego sum Dominus et pecora eorum pro universis primogenitis pecoris filiorum Israhel
At iuukol mo sa akin ang mga Levita (ako ang Panginoon) sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel; at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng lahat ng mga panganay sa mga hayop ng mga anak ni Israel.
42 recensuit Moses sicut praeceperat Dominus primogenitos filiorum Israhel
At binilang ni Moises, gaya ng iniutos sa kaniya ng Panginoon, ang lahat ng mga panganay sa mga anak ni Israel.
43 et fuerunt masculi per nomina sua a mense uno et supra viginti duo milia ducenti septuaginta tres
At lahat ng mga panganay na lalake ayon sa bilang ng mga pangalan, mula sa isang buwang gulang na patanda, doon sa nangabilang sa kanila, ay dalawang pu't dalawang libo at dalawang daan at pitong pu't tatlo.
44 locutusque est Dominus ad Mosen
At sinalita ng Panginoon kay Moises, na sinasabi,
45 tolle Levitas pro primogenitis filiorum Israhel et pecora Levitarum pro pecoribus eorum eruntque Levitae mei ego sum Dominus
Kunin mo ang mga Levita sa halip ng lahat na mga panganay sa mga anak ni Israel, at ang mga hayop ng mga Levita sa halip ng kanilang mga hayop: at ang mga Levita ay magiging akin; ako ang Panginoon.
46 in pretio autem ducentorum septuaginta trium qui excedunt numerum Levitarum de primogenitis filiorum Israhel
At sa ikatutubos sa dalawang daan at pitong pu't tatlong panganay ng mga anak ni Israel na higit sa bilang ng mga Levita,
47 accipies quinque siclos per singula capita ad mensuram sanctuarii siclus habet obolos viginti
Ay kukuha ka ng limang siklo sa bawa't isa ayon sa ulo; ayon sa siklo ng santuario kukunin mo (isang siklo ay dalawang pung gera):
48 dabisque pecuniam Aaron et filiis eius pretium eorum qui supra sunt
At ibibigay mo kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping ikatutubos na humigit sa bilang nila.
49 tulit igitur Moses pecuniam eorum qui fuerant amplius et quos redemerant a Levitis
At kinuha ni Moises ang salaping pangtubos sa mga labis na humigit sa mga natubos ng mga Levita:
50 pro primogenitis filiorum Israhel mille trecentorum sexaginta quinque siclorum iuxta pondus sanctuarii
Mula sa mga panganay ng mga anak ni Israel kinuha niya ang salapi; isang libo at tatlong daan at anim na pu't limang siklo, ayon sa siklo ng santuario:
51 et dedit eam Aaroni et filiis eius iuxta verbum quod praeceperat sibi Dominus
At ibinigay ni Moises kay Aaron at sa kaniyang mga anak ang salaping pangtubos ayon sa salita ng Panginoon, gaya ng iniutos ng Panginoon kay Moises.