< Liber Numeri 22 >
1 profectique castrametati sunt in campestribus Moab ubi trans Iordanem Hierichus sita est
Nagpatuloy sa paglalakbay ang mga tao ng Israel hanggang sa magkampo sila sa mga kapatagan ng Moab malapit sa Jerico, sa ibayo ng Ilog Jordan mula sa lungsod.
2 videns autem Balac filius Sepphor omnia quae fecerat Israhel Amorreo
Nakita ni Balak na lalaking anak ni Zippor ang lahat ng ginawa ng Israel sa mga Amoreo.
3 et quod pertimuissent eum Moabitae et impetum eius ferre non possent
Labis na natakot si Moab sa mga tao dahil sila ay marami, at matindi ang takot ni Moab sa mga tao ng Israel.
4 dixit ad maiores natu Madian ita delebit hic populus omnes qui in nostris finibus commorantur quomodo solet bos herbas usque ad radices carpere ipse erat eo tempore rex in Moab
Sinabi ng hari ng Moab sa nakakatanda ng Midian, “Kakainin nitong napakaraming ang lahat ng nakapaligid sa atin gaya ng panginginain ng isang kapong baka sa mga damo sa isang bukirin.” Ngayon si Balak na lalaking anak ni Zippor ang hari ng Moab sa panahong iyon.
5 misit ergo nuntios ad Balaam filium Beor ariolum qui habitabat super flumen terrae filiorum Ammon ut vocarent eum et dicerent ecce egressus est populus ex Aegypto qui operuit superficiem terrae sedens contra me
Nagpadala siya ng mga mensahero kay Balaam na lalaking anak ni Beor, sa Petor na nasa tabi ng Ilog Eufrates, sa lupain ng kaniyang bansa at kaniyang mga tao. Tinawag niya siya at sinabi, “Tingnan mo, isang bansa ang dumating dito mula sa Ehipto. Kanilang sinakop ang buong lupain at sila ay narito na malapit sa akin.
6 veni igitur et maledic populo huic quia fortior me est si quo modo possim percutere et eicere eum de terra mea novi enim quod benedictus sit cui benedixeris et maledictus in quem maledicta congesseris
Kaya pakiusap pumunta ka na ngayon at isumpa ang bayang ito para sa akin, dahil sila ay napakalakas para sa akin. Marahil kung gayon, maaari ko na silang salakayin at palayasin palabas sa lupain. Alam ko na ang sinumang pinagpapala mo ay pagpapalain, at ang sinumang isusumpa mo ay susumpain.”
7 perrexerunt seniores Moab et maiores natu Madian habentes divinationis pretium in manibus cumque venissent ad Balaam et narrassent ei omnia verba Balac
Kaya umalis ang mga nakakatanda ng Moab at ng Midian, dala nila ang pambayad para sa panghuhula. Nagpunta sila kay Balaam at sinabi sa kaniya ang mga salita ni Balak.
8 ille respondit manete hic nocte et respondebo quicquid mihi dixerit Dominus manentibus illis apud Balaam venit Deus et ait ad eum
Sinabi ni Balaam sa kanila, “Mamalagi kayo rito ngayong gabi. Sasabihin ko sa inyo kung ano ang sasabihin sa akin ni Yahweh.” Kaya nanatili ang mga pinuno ng Moab kay Balaam sa gabing iyon.
9 quid sibi volunt homines isti apud te
Nagpunta ang Diyos kay Balaam, at sinabi, “Sino ang mga lalaking ito na nagpunta sa iyo?”
10 respondit Balac filius Sepphor rex Moabitarum misit ad me
Sumagot si Balaam, “Ipinadala sila sa akin ni Balak na lalaking anak ni Zippor, hari ng Moab. Sinabi niya,
11 dicens ecce populus qui egressus est de Aegypto operuit superficiem terrae veni et maledic ei si quo modo possim pugnans abicere eum
'Tingnan mo, ang mga taong nanggaling mula sa Ehipto ay sinakop ang aking lupain. Ngayon, pumarito ka at sumpain sila para sa akin. Marahil, maaari ko na silang kalabanin at palayasin.”'
12 dixitque Deus ad Balaam noli ire cum eis neque maledicas populo quia benedictus est
Tumugon ang Diyos kay Balaam, “Hindi ka dapat sumama sa mga lalaking iyon. Hindi mo dapat isumpa ang mga tao ng Israel dahil pinagpala sila.”
13 qui mane consurgens dixit ad principes ite in terram vestram quia prohibuit me Deus venire vobiscum
Kinaumagahan tumayo si Balaam at sinabi sa mga pinuno ni Balak, “Bumalik na kayo sa inyong lupain dahil hindi ako pinayagan ni Yahweh na sumama sa inyo.”
14 reversi principes dixerunt ad Balac noluit Balaam venire nobiscum
Kaya umalis ang mga pinuno ng Moab at bumalik kay Balak. Sinabi nila, “Tumanggi si Balaam na sumama sa amin.”
15 rursum ille multo plures et nobiliores quam ante miserat misit
Muling nagpadala si Balak ng mas maraming pinuno na mas iginagalang kaysa sa mga naunang grupo.
16 qui cum venissent ad Balaam dixerunt sic dicit Balac filius Sepphor ne cuncteris venire ad me
Nagpunta sila kay Balaam at sinabi sa kaniya, “Ito ang sinasabi ni Balak na anak ni Zippor, 'Pakiusap, wala nawang anumang bagay na hahadlang sa iyo sa pagparito sa akin,
17 paratum honorare te et quicquid volueris dare veni et maledic populo isti
dahil babayaran pa kita nang labis at bibigyan kita ng dakilang karangalan, at gagawin ko anuman ang sasabihin mong gawin ko. Kaya pakiusap pumunta ka at isumpa mo ang mga taong ito para sa akin.”'
18 respondit Balaam si dederit mihi Balac plenam domum suam argenti et auri non potero inmutare verbum Domini Dei mei ut vel plus vel minus loquar
Sumagot si Balaam at sinabi sa mga tauhan ni Balak, “Kahit na ibibigay sa akin ni Balak ang kaniyang palasyong puno ng pilak at ginto, hindi ako pwedeng sumuway sa mga salita ni Yahweh, ang aking Diyos, at gawin nang walang labis o walang kulang kung ano ang sinabi niya sa akin.
19 obsecro ut hic maneatis etiam hac nocte et scire queam quid mihi rursum respondeat Dominus
Kung gayon, pakiusap manatili rin kayo rito ngayong gabi, upang pag-isipan kong mabuti ang anumang sinasabi ni Yahweh sa akin.”
20 venit ergo Deus ad Balaam nocte et ait ei si vocare te venerunt homines isti surge et vade cum eis ita dumtaxat ut quod tibi praecepero facias
Pinuntahan ng Diyos si Balaam sa gabi at sinabi sa kaniya, “Yamang nagpunta ang mga lalaking ito para ipatawag ka, tumayo ka at sumama sa kanila. Ngunit gagawin mo lamang kung ano ang aking sinabing gagawin mo.”
21 surrexit Balaam mane et strata asina profectus est cum eis
Kinaumagahan tumayo si Balaam, nilagyan niya ng upuan ang kaniyang asno at sumama sa mga pinuno ng Moab.
22 et iratus est Deus stetitque angelus Domini in via contra Balaam qui sedebat asinae et duos pueros habebat secum
Ngunit dahil sumama siya, ang galit ni Yahweh ay sumiklab. Inilagay ng anghel ni Yahweh ang kaniyang sarili sa daanan bilang isang taong hadlang kay Balaam, na nakasakay sa kaniyang asno. Ang dalawang alipin ni Balaam ay kasama din niya.
23 cernens asina angelum stantem in via evaginato gladio avertit se de itinere et ibat per agrum quam cum verberaret Balaam et vellet ad semitam reducere
Nakita ng asno ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa daraanan na hawak niya ang kaniyang nakalabas na tabak. Lumihis ang asno sa kalsada at pumunta sa loob ng isang bukirin. Hinampas ni Balaam ang asno upang ipaharap sa kalsada.
24 stetit angelus in angustiis duarum maceriarum quibus vineae cingebantur
At tumayo ang anghel ni Yahweh sa isang makipot na bahagi ng kalsada sa pagitan ng ilang ubasan, na mayroong isang pader sa kaniyang kanang bahagi at isa pang pader sa kaniyang kaliwang bahagi.
25 quem videns asina iunxit se parieti et adtrivit sedentis pedem at ille iterum verberabat
Nakita muli ng asno ang anghel ni Yahweh. Sumiksik siya sa pader at naipit ang paa ni Balaam laban dito. Muli siyang hinampas ni Balaam.
26 et nihilominus angelus ad locum angustum transiens ubi nec ad dextram nec ad sinistram poterat deviari obvius stetit
Pumunta sa mas malayo ang anghel ni Yahweh at tumayo sa isa pang makipot na lugar kung saan ay walang paraan para makaiwas sa kahit sa anumang bahagi.
27 cumque vidisset asina stantem angelum concidit sub pedibus sedentis qui iratus vehementius caedebat fuste latera
Nakita ng asno ang anghel ni Yahweh, at humiga siya sa ilalim ni Balaam. Sumiklab ang galit ni Balaam at kaniyang hinampas ng baston ang kaniyang asno.
28 aperuitque Dominus os asinae et locuta est quid feci tibi cur percutis me ecce iam tertio
Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang bibig ng asno para magsalita siya. Sinabi niya kay Balaam, “Ano ang aking ginawa sa iyo na nag-udyok sa iyo na hampasin ako nitong makaikatlo beses?”
29 respondit Balaam quia commeruisti et inlusisti mihi utinam haberem gladium ut te percuterem
Sumagot si Balaam, “Dahil ikaw ay kumilos nang may kahangalan sa akin. Sana ay mayroong isang espada sa aking kamay. Kung mayroon, sa ngayon pinatay na kita.”
30 dixit asina nonne animal tuum sum cui semper sedere consuesti usque in praesentem diem dic quid simile umquam fecerim tibi at ille ait numquam
Sinabi ng asno kay Balaam, “Hindi ba ako ang iyong asno na sinasakyan mo sa buong buhay mo hanggang sa mga araw na ito? Ugali ko bang gawin ang mga ganitong bagay sa iyo dati?” Sinabi ni Balaam, “Hindi.”
31 protinus aperuit Dominus oculos Balaam et vidit angelum stantem in via evaginato gladio adoravitque eum pronus in terram
Pagkatapos, binuksan ni Yahweh ang mga mata ni Balaam, at nakita niya ang anghel ni Yahweh na nakatayo sa daraanan na nakalabas ang kaniyang espadang nasa kaniyang kamay. Iniyuko ni Balaam ang kaniyang ulo at nagpatirapa.
32 cui angelus cur inquit tertio verberas asinam tuam ego veni ut adversarer tibi quia perversa est via tua mihique contraria
Sinabi ng anghel ni Yahweh sa kaniya, “Bakit mo hinampas nitong tatlong beses ang iyong asno? Tingnan mo, naparito ako bilang isang taong galit sa iyo dahil masama ang mga ikinikilos mo sa harapan ko.
33 et nisi asina declinasset de via dans locum resistenti te occidissem et illa viveret
Nakita ako ng iyong asno at iniwasan niya ako ng tatlong beses. Kung hindi siya umiwas sa akin, siguradong napatay kita at nailigtas ko ang buhay niya.”
34 dixit Balaam peccavi nesciens quod tu stares contra me et nunc si displicet tibi ut vadam revertar
Sinabi ni Balaam sa anghel ni Yahweh, “Nagkasala ako. Hindi ko alam na nakatayo ka sa kalsada laban sa akin. Ngayon kung ganoon, kung hindi katanggap-tanggap sa iyo ang paglalakbay na ito, babalik ako sa aking pinanggalingan.”
35 ait angelus vade cum istis et cave ne aliud quam praecepero tibi loquaris ivit igitur cum principibus
Ngunit sinabi ng anghel ni Yahweh kay Balaam, “Magpatuloy ka kasama ng mga lalaki. Ngunit dapat sabihin mo lamang ang mga salita na sinabi ko sa iyo.” Kaya sumama si Balaam sa mga pinuno ni Balak.
36 quod cum audisset Balac egressus est in occursum eius in oppido Moabitarum quod situm est in extremis finibus Arnon
Nang marinig ni Balak na dumating na si Balaam, lumabas siya upang salubungin siya sa isang lungsod ng Moab sa Arnon, na nasa hangganan.
37 dixitque ad Balaam misi nuntios ut vocarent te cur non statim venisti ad me an quia mercedem adventui tuo reddere nequeo
Sinabi ni Balak kay Balaam, “Hindi ba ako nagpadala ng mga tauhan upang ipatawag ka? Bakit hindi ka pumunta sa akin? Wala ba akong kakayahan na bigyan ka ng karangalan?”
38 cui ille respondit ecce adsum numquid loqui potero aliud nisi quod Deus posuerit in ore meo
At sumagot si Balaam, “Tingnan mo, naparito na ako para sa iyo. Mayroon na ba akong karapatang magsabi ng anumang bagay? Sasabihin ko lamang ang mga salita ni Yahweh na ilagay niya sa aking bibig.”
39 perrexerunt ergo simul et venerunt in urbem quae in extremis regni eius finibus erat
Sumama si Balaam kay Balak, at nakarating sila sa Kiriat Husot.
40 cumque occidisset Balac boves et oves misit ad Balaam et principes qui cum eo erant munera
At inialay ni Balak ang mga kapong baka at tupa at binigyan niya ng kaunting karne si Balaam at ang mga pinunong kasama niya.
41 mane autem facto duxit eum ad excelsa Baal et intuitus est extremam partem populi
Kinaumagahan, dinala ni Balak si Balaam sa itaas sa mga dambana ni Baal. Mula roon makikita lamang ni Balaam ang maliit na bahagi ng mga Israelita sa kanilang kampo.