< Liber Numeri 18 >
1 dixitque Dominus ad Aaron tu et filii tui et domus patris tui tecum portabitis iniquitatem sanctuarii et tu et filii tui simul sustinebitis peccata sacerdotii vestri
Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Ikaw at ang iyong mga anak na lalaki, at ang mga angkan ng iyong mga ninuno ang may pananagutan sa lahat ng kasalanang kanilang nagawa laban sa santuwaryo. Ngunitt ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaking kasama mo ang may pananagutan sa lahat ng mga kasalanang nagawa ng sinuman sa pagkapari.
2 sed et fratres tuos de tribu Levi et sceptro patris tui sume tecum praestoque sint et ministrent tibi tu autem et filii tui ministrabitis in tabernaculo testimonii
Para sa kapwa mo miyembro ng tribu ni Levi, tribu ng iyong ninuno, dapat mo silang isama upang makasali sila sa iyo at tulungan ka kapag naglilingkod ka at ng iyong mga anak na lalaki sa harap ng toldang tipanan.
3 excubabuntque Levitae ad praecepta tua et ad cuncta opera tabernaculi ita dumtaxat ut ad vasa sanctuarii et altare non accedant ne et illi moriantur et vos pereatis simul
Dapat silang maglingkod sa iyo at sa buong tolda. Gayunpaman, hindi sila dapat lumapit sa anumang bagay sa banal na lugar o may kaugnayan sa altar, o sila at ikaw rin ay mamamatay.
4 sint autem tecum et excubent in custodiis tabernaculi et in omnibus caerimoniis eius alienigena non miscebitur vobis
Dapat silang sumali sa inyo at pangalagaan ang tolda ng pagpupulong, sa lahat ng gawain na may kaugnayan sa tolda. Hindi dapat lumapit sa inyo ang isang dayuhan.
5 excubate in custodia sanctuarii et in ministerio altaris ne oriatur indignatio super filios Israhel
Dapat ninyong kunin ang tungkulin na ito nang sa gayon, hindi muling dumating ang aking galit sa mga tao ng Israel.
6 ego dedi vobis fratres vestros Levitas de medio filiorum Israhel et tradidi donum Domino ut serviant in ministeriis tabernaculi eius
Tingnan ninyo, ako mismo ang pumili sa inyong kapwa miyembro ng mga Levita mula sa mga kaapu-apuhan ng Israel. Sila ay isang regalo sa inyo, ibinigay sa akin para gawin ang gawaing may kaugnayan para sa tolda ng pagpupulong.
7 tu autem et filii tui custodite sacerdotium vestrum et omnia quae ad cultum altaris pertinent et intra velum sunt per sacerdotes administrabuntur si quis externus accesserit occidetur
Subalit ikaw lamang at ang iyong mga anak na lalaki ang maaaring gumanap ng pagkapari tungkol sa bawat bagay na may kaugnayan sa altar at sa bawat bagay na nasa loob ng kurtina. Ikaw mismo ang dapat gumawa sa mga tungkuling iyon. Ibinibigay ko sa iyo ang pagkapari bilang isang regalo. Bawat dayuhan na lalapit ay dapat malagay sa kamatayan.”
8 locutus est Dominus ad Aaron ecce dedi tibi custodiam primitiarum mearum omnia quae sanctificantur a filiis Israhel tibi tradidi et filiis tuis pro officio sacerdotali legitima sempiterna
Pagkatapos, sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Tingnan mo, ibinigay ko sa iyo ang tungkulin sa pag-iingat ng mga handog na itinaas sa akin, at lahat ng mga banal na handog na ibinigay sa akin ng mga tao ng Israel. Ibinigay ko ang mga handog na ito sa iyo, at sa iyong mga anak na lalaki bilang iyong patuloy na bahagi.
9 haec ergo accipies de his quae sanctificantur et oblata sunt Domino omnis oblatio et sacrificium et quicquid pro peccato atque delicto redditur mihi et cedet in sancta sanctorum tuum erit et filiorum tuorum
Ang mga bagay na ito mula sa mga ganap na inialay na handog kay Yahweh, subalit ang hindi ganap na nasunog ay magiging sa iyo. Bawat alay na dinadala ng mga tao, kalakip ng bawat handog na butil, bawat handog para sa kasalanan, at bawat handog na pambayad para sa kasalanan—lahat nitong mga napakabanal na handog—na inilaan nila para sa akin at dinala sa akin ay magiging para sa iyo at para sa iyong mga anak na lalaki.
10 in sanctuario comedes illud mares tantum edent ex eo quia consecratum est tibi
Ito ay ganap na inilaan para sa akin, na dapat mong kainin ang mga handog na ito. Bawat lalaking kasama mo ay dapat kumain ng mga handog na ito. Dapat mo silang isaalang-alang bilang inilaan para sa akin.
11 primitias autem quas voverint et obtulerint filii Israhel tibi dedi et filiis ac filiabus tuis iure perpetuo qui mundus est in domo tua vescetur eis
Ito ang mga handog na mapapabilang sa iyo: kanilang mga regalo na itinabi mula sa lahat ng itinaas na mga handog ng mga tao ng Israel, mga handog na tinaas nang mataas sa harap ko at dinala sa akin. Ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, at sa iyong mga anak na babae, bilang iyong patuloy na bahagi. Bawat isang malinis sa pamamagitan ng ritwal sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng kahit ano mula sa mga handog na ito.
12 omnem medullam olei et vini ac frumenti quicquid offerunt primitiarum Domino tibi dedi
Lahat ng mainam na langis, lahat ng mainam na bagong alak at butil, ang unang mga prutas na ibinigay ng mga tao sa akin—lahat ng mga ito ay ibinibigay ko sa inyo.
13 universa frugum initia quas gignit humus et Domino deportantur cedent in usus tuos qui mundus est in domo tua vescetur eis
Ang lahat ng bungang unang hinog na nasa kanilang lupain, na dinala nila sa akin ay magiging sa inyo. Bawat isang malinis sa iyong pamilya ay maaaring kumain ng mga bagay na ito.
14 omne quod ex voto reddiderint filii Israhel tuum erit
Bawat bagay na inilaan sa Israel ay magiging sa iyo.
15 quicquid primum erumpet e vulva cunctae carnis quam offerunt Domino sive ex hominibus sive de pecoribus fuerit tui iuris erit ita dumtaxat ut pro hominis primogenito pretium accipias et omne animal quod inmundum est redimi facias
Bawat bagay na nagpapabukas ng sinapupunan, lahat ng panganay na hinandog ng mga tao kay Yahweh, kapwa tao at hayop, magiging sa iyo. Gayunpaman, dapat tiyak na bilhin muli ng mga tao ang bawat panganay na anak na lalaki, at dapat nilang bilhin muli ang panganay na lalaki ng maruming mga hayop.
16 cuius redemptio erit post unum mensem siclis argenti quinque pondere sanctuarii siclus viginti obolos habet
Iyong mga dapat bibilhin muli ng mga tao ay dapat bilhin muli pagkatapos na maging isang buwang gulang. Pagkatapos ay maaari na silang bilhin muli ng mga tao, sa halagang limang siklo, ayon sa pamantayang timbang na siklo ng santuwaryo, na kapantay ng dalawampung gera.
17 primogenitum autem bovis et ovis et caprae non facies redimi quia sanctificata sunt Domino sanguinem tantum eorum fundes super altare et adipes adolebis in suavissimum odorem Domino
Subalit ang panganay ng isang baka, o ang panganay ng isang tupa, o ang panganay ng isang kambing ay hindi mo dapat bilhin muli ang mga hayop na ito; sila ay inilaan sa akin. Dapat mong isaboy ang dugo nito sa altar at sunugin ang kanilang taba bilang isang alay na pinaraan sa apoy, upang magdulot ng mabangong halimuyak para sa akin.
18 carnes vero in usum tuum cedent sicut pectusculum consecratum et armus dexter tua erunt
Magiging sa iyo ang karne ng mga ito. Gaya ng itinaas na dibdib at kanang hita, magiging sa iyo ang karne ng mga ito.
19 omnes primitias sanctuarii quas offerunt filii Israhel Domino tibi dedi et filiis ac filiabus tuis iure perpetuo pactum salis est sempiternum coram Domino tibi ac filiis tuis
Lahat ng dinalang handog ng banal na mga bagay na inalay ng mga tao ng Israel sa akin ay ibinibigay ko ang mga ito sa iyo, sa iyong mga anak na lalaki, sa iyong mga anak na babae bilang patuloy na bahagi. Tumatayo sila para sa isang tipan ng asin, isang umiiral na tipan magpakailanman, sa harap ko kasama mo at ng iyong mga kaapu-apuhan.”
20 dixitque Dominus ad Aaron in terra eorum nihil possidebitis nec habebitis partem inter eos ego pars et hereditas tua in medio filiorum Israhel
Sinabi ni Yahweh kay Aaron, “Hindi ka dapat magkaroon ng mana sa lupain ng mga tao, ni dapat magkaroon ng bahagi sa mga ari-arian ng mga tao. Ako ang iyong magiging bahagi at mana sa piling ng mga tao ng Israel.
21 filiis autem Levi dedi omnes decimas Israhelis in possessionem pro ministerio quo serviunt mihi in tabernaculo foederis
Sa mga kaapu-apuhan ni Levi, tingnan mo, ibinigay ko ang lahat ng mga ikapu bilang kanilang mana kapalit ng kanilang paninilbihan na kanilang ibinibigay sa pagtatrabaho sa tolda ng pagpupulong.
22 ut non accedant ultra filii Israhel ad tabernaculum nec committant peccatum mortiferum
Simula ngayon hindi dapat lumapit ang mga tao ng Israel sa tolda ng pagpupulong, o sila ay magkakaroon ng pananagutan sa kasalanang ito at mamatay.
23 solis filiis Levi mihi in tabernaculo servientibus et portantibus peccata populi legitimum sempiternum erit in generationibus vestris nihil aliud possidebunt
Dapat gawin ng mga Levita ang mga gawain na may kaugnayan sa tolda ng pagpupulong. Sila ang may pananagutan para sa anumang kasalanan tungkol dito. Ito ang magiging isang palagiang batas sa lahat ng salinlahi ng iyong mga tao. At hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.
24 decimarum oblatione contenti quas in usus eorum et necessaria separavi
Sapagkat ang mga ikapu ng mga tao ng Israel, na kanilang inialay bilang handog para sa akin—ito ang mga ibinibigay ko sa mga Levita bilang kanilang mana. Ito ang dahilan kung bakit sinabi ko sa kanila, 'Hindi sila dapat magkaroon ng mana sa piling ng mga tao ng Israel.'”
25 locutusque est Dominus ad Mosen dicens
Nagsalita si Yahweh kay Moises at sinabi,
26 praecipe Levitis atque denuntia cum acceperitis a filiis Israhel decimas quas dedi vobis primitias earum offerte Domino id est decimam partem decimae
“Dapat mong kausapin ang mga Levita at sabihin sa kanila, 'Kapag matanggap mo mula sa mga tao ng Israel ang ikasampu na ibinibigay ni Yahweh sa iyo bilang iyong mana ay dapat mong ihandog ang isang inalay na handog mula sa ikasampung iyon sa kaniya, ang ikasampu mula sa ikapu.
27 ut reputetur vobis in oblationem primitivorum tam de areis quam de torcularibus
Dapat mong isaalang-alang ang iyong inalay na handog na para itong ikasampu ng butil mula sa giikang palapag o produkto mula sa pigaan ng ubas.
28 et universis quorum accipitis primitias offerte Domino et date Aaron sacerdoti
Kaya dapat ka ring mag-alay ng handog kay Yahweh mula sa ikapu na iyong natanggap mula sa mga tao ng Israel. Dapat mong ibigay mula sa kanila ang kaniyang inalay na handog kay Aaron na pari.
29 omnia quae offertis ex decimis et in donaria Domini separatis optima et electa erunt
Mula sa lahat ng mga inalay na iyong natanggap, dapat kang maghandog ng bawat inalay na handog kay Yahweh. Dapat mong gawin ito mula sa lahat ng mainam at pinaka-banal na mga bagay na ibinigay sa iyo.'
30 dicesque ad eos si praeclara et meliora quaeque obtuleritis ex decimis reputabitur vobis quasi de area et torculari dederitis primitias
Kaya dapat mong sabihin sa kanila, 'Kapag mag-alay kayo ng mainam ng kahit ano sa inyong tinanggap ay dapat itong isaalang-alang ng mga Levita gaya ng nailabas mula sa giikang palapag at sa pigaan ng ubas.
31 et comedetis eas in omnibus locis vestris tam vos quam familiae vestrae quia pretium est pro ministerio quo servitis in tabernaculo testimonii
Maaari ninyong kainin ang natirang mga regalo sa alinmang lugar, kayo at ang inyong mga pamilya, dahil ito ay inyong kabayaran kapalit ng inyong pagtatrabaho sa tolda ng pagpupulong.
32 et non peccabitis super hoc egregia vobis et pinguia reservantes ne polluatis oblationes filiorum Israhel et moriamini
Hindi kayo magkakasala sa pagkain at pag-inom nito, kapag inyong ialay kay Yahweh ang pinakamainam ng kahit anong inyong tinanggap. Subalit hindi ninyo dapat lapastanganin ang banal na mga handog ng mga tao ng Israel, o kayo ay mamamatay.”