< Jonas Propheta 4 >
1 et adflictus est Iona adflictione magna et iratus est
Ngunit naghinanakit si Jonas, at nagalit siya nang labis.
2 et oravit ad Dominum et dixit obsecro Domine numquid non hoc est verbum meum cum adhuc essem in terra mea propter hoc praeoccupavi ut fugerem in Tharsis scio enim quia tu Deus clemens et misericors es patiens et multae miserationis et ignoscens super malitia
Kaya nanalangin si Jonas kay Yahweh at sinabi, “A, Yahweh, hindi ba ito ang sinabi ko nang bumalik ako sa aking sariling bansa? Kaya nga kumilos muna ako at sinubukang tumakas papuntang Tarsis—dahil alam kong ikaw ay mapagbigay na Diyos, mahabagin, mabagal magalit, sagana sa katapatan, at naaawa kang magpadala ng kapahamakan.
3 et nunc Domine tolle quaeso animam meam a me quia melior est mihi mors quam vita
Kaya ngayon, Yahweh, nagmamakaawa ako, kunin mo ang aking buhay, dahil higit na mabuti para akin ang mamatay kaysa sa mabuhay.”
4 et dixit Dominus putasne bene irasceris tu
Sinabi ni Yahweh, “Mabuti bang ikaw ay lubos na magalit?”
5 et egressus est Iona de civitate et sedit contra orientem civitatis et fecit sibimet ibi umbraculum et sedebat subter eum in umbra donec videret quid accideret civitati
Pagkatapos lumabas si Jonas mula sa lungsod at umupo sa dakong silangang bahagi ng lungsod. Doon gumawa siya ng silungan at umupo sa ilalim nito sa lilim upang makita niya kung ano ang maaaring mangyari sa lungsod.
6 et praeparavit Dominus Deus hederam et ascendit super caput Ionae ut esset umbra super caput eius et protegeret eum laboraverat enim et laetatus est Iona super hedera laetitia magna
Naghanda ang Diyos na si Yahweh ng isang halaman at pinatubo niya ito sa ibabaw ng ulo ni Jonas para maging lilim sa ibabaw ng ulo niya para mapagaan ang kanyang pagkabalisa. Labis na natuwa si Jonas nang dahil sa halaman.
7 et paravit Deus vermem ascensu diluculo in crastinum et percussit hederam et exaruit
Ngunit kinabukasan sa pagsikat ng araw naghanda ang Diyos ng isang uod. Sinalakay nito ang halaman at nalanta ang halaman.
8 et cum ortus fuisset sol praecepit Dominus vento calido et urenti et percussit sol super caput Ionae et aestuabat et petivit animae suae ut moreretur et dixit melius est mihi mori quam vivere
Nangyari na nang sumikat ang araw ng sumunod na umaga, ang Diyos ay naghanda ng isang mainit na hangin mula sa silangan. At saka, tinamaan ng sinag ng araw ang ulo ni Jonas at naging maputla siya. Pagkatapos hinangad ni Jonas na mamatay siya. Sinabi ni Jonas sa kanyang sarili, “Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa mabuhay.
9 et dixit Dominus ad Ionam putasne bene irasceris tu super hederam et dixit bene irascor ego usque ad mortem
Pagkatapos sinabi ng Diyos kay Jonas, “Tama bang labis kang magalit dahil sa halaman? At sinabi ni Jonas, “Tama lang na magalit ako, kahit hanggang sa kamatayan.”
10 et dixit Dominus tu doles super hederam in qua non laborasti neque fecisti ut cresceret quae sub una nocte nata est et una nocte periit
Sinabi ni Yahweh, “Nagkaroon ka ng habag sa halaman, na hindi mo naman pinaghirapan, ni pinatubo ito. Tumubo ito sa isang gabi at namatay sa isang gabi.
11 et ego non parcam Nineve civitati magnae in qua sunt plus quam centum viginti milia hominum qui nesciunt quid sit inter dexteram et sinistram suam et iumenta multa
Kaya para sa akin, hindi ba dapat akong mahabag sa Ninive, ang malaking lungsod na iyon, kung saan may mas marami pa sa isandaan at dalawampung libong tao na hindi alam ang kaibahan sa pagitan ng kanilang kanang kamay at kaliwang kamay, at saka maraming rin baka?”