< Iohannem 10 >
1 amen amen dico vobis qui non intrat per ostium in ovile ovium sed ascendit aliunde ille fur est et latro
“Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, ang hindi pumasok sa pamamagitan ng pinto papasok sa kulungan ng tupa, subalit umaakyat sa ibang daanan, ang taong iyon ay isang magnanakaw at isang tulisan.
2 qui autem intrat per ostium pastor est ovium
Ang pumapasok sa pamamagitan ng pinto ay ang tagapag-alaga ng tupa.
3 huic ostiarius aperit et oves vocem eius audiunt et proprias oves vocat nominatim et educit eas
Binubuksan siya ng tagapagbantay ng tarangkahan. Pinapakinggan ng mga tupa ang kaniyang boses, at tinatawag niya ang sarili niyang tupa sa kani-kanilang pangalan at pinangungunahan silang palabas.
4 et cum proprias oves emiserit ante eas vadit et oves illum sequuntur quia sciunt vocem eius
Kapag nailabas na niya ang lahat nang sariling kaniya, pinangungunahan niya sila, at sumusunod sa kaniya ang mga tupa sapagkat kilala nila ang kaniyang boses.
5 alienum autem non sequuntur sed fugient ab eo quia non noverunt vocem alienorum
Hindi sila susunod sa isang estranghero ngunit sa halip ay iiwasan ito, sapagkat hindi nila kilala ang boses ng mga estranghero.”
6 hoc proverbium dixit eis Iesus illi autem non cognoverunt quid loqueretur eis
Sinabi ni Jesus sa kanila ang talinghagang ito, ngunit hindi nila naintindihan kung ano ang mga bagay na ito na sinasabi niya sa kanila.
7 dixit ergo eis iterum Iesus amen amen dico vobis quia ego sum ostium ovium
Pagkatapos muling sinabi ni Jesus sa kanila, “Tunay nga, sinasabi ko sa inyo, ako ang pinto ng mga tupa.
8 omnes quotquot venerunt fures sunt et latrones sed non audierunt eos oves
Lahat nang naunang dumating sa akin ay mga magnanakaw at mga tulisan, ngunit ang mga tupa ay hindi nakinig sa kanila.
9 ego sum ostium per me si quis introierit salvabitur et ingredietur et egredietur et pascua inveniet
Ako ang tarangkahan. Kung sinumang pumapasok sa pamamagitan ko, siya ay maliligtas; siya ay papasok at lalabas at makakahanap ng pastulan.
10 fur non venit nisi ut furetur et mactet et perdat ego veni ut vitam habeant et abundantius habeant
Ang magnanakaw ay hindi pumarito maliban sa pagnanakaw, pagpatay, at pagwasak. Ako ay pumarito upang sila ay magkaroon ng buhay at magkaroon ng kasaganaan nito.
11 ego sum pastor bonus bonus pastor animam suam dat pro ovibus
Ako ang mabuting pastol. Inialay ng mabuting pastol ang kaniyang buhay para sa mga tupa.
12 mercennarius et qui non est pastor cuius non sunt oves propriae videt lupum venientem et dimittit oves et fugit et lupus rapit et dispergit oves
Ang isang bayarang-lingkod, na hindi isang pastol, na hindi nagmamay-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo at pinababayaan ang mga tupa at tumatakas. Tinatangay ng lobo ang mga ito at pinangangalat ang mga ito.
13 mercennarius autem fugit quia mercennarius est et non pertinet ad eum de ovibus
Siya ay tatakbo dahil siya ay isang bayarang-lingkod at hindi nagmamalasakit sa mga tupa.
14 ego sum pastor bonus et cognosco meas et cognoscunt me meae
Ako ang mabuting pastol, at kilala ko ang sa akin, at ang sa akin ay nakikilala ako.
15 sicut novit me Pater et ego agnosco Patrem et animam meam pono pro ovibus
Kilala ako ng Ama, at kilala ko ang Ama, at ibinigay ko ang aking buhay para sa mga tupa.
16 et alias oves habeo quae non sunt ex hoc ovili et illas oportet me adducere et vocem meam audient et fiet unum ovile unus pastor
Mayroon akong iba pang mga tupa na wala sa tupahang ito. Sila din, kailangan kong dalhin, at makikinig sila sa aking boses upang magkaroon lamang ng isang kawan at isang pastol.
17 propterea me Pater diligit quia ego pono animam meam ut iterum sumam eam
Ito ang dahilan kung bakit ako iniibig ng Ama: Ibibigay ko ang aking buhay upang muli kong kunin.
18 nemo tollit eam a me sed ego pono eam a me ipso potestatem habeo ponendi eam et potestatem habeo iterum sumendi eam hoc mandatum accepi a Patre meo
Walang sinumang kukuha nito sa akin, kundi kusa ko itong ibibigay. Ako'y mayroong kapangyarihang ibigay ito, at mayroon din akong kapangyarihan na ito ay kunin muli. Natanggap ko ang utos na ito mula sa Ama.”
19 dissensio iterum facta est inter Iudaeos propter sermones hos
Isang pagkakabaha-bahagi ang muling nangyari sa gitna ng mga Judio dahil sa mga salitang ito.
20 dicebant autem multi ex ipsis daemonium habet et insanit quid eum auditis
Sinabi ng marami sa kanila, “Mayroon siyang demonyo at nababaliw. Bakit kayo nakikinig sa kaniya?”
21 alii dicebant haec verba non sunt daemonium habentis numquid daemonium potest caecorum oculos aperire
Sinabi ng iba, “Hindi ito ang mga pahayag ng isang inaalihan ng isang demonyo. Kaya ba ng isang demonyo na makapagpadilat ng mga mata ng isang bulag?”
22 facta sunt autem encenia in Hierosolymis et hiemps erat
At dumating ang Kapistahan ng Pagtatalaga sa Jerusalem.
23 et ambulabat Iesus in templo in porticu Salomonis
Taglamig noon, at naglalakad si Jesus sa templo sa portiko ni Solomon.
24 circumdederunt ergo eum Iudaei et dicebant ei quousque animam nostram tollis si tu es Christus dic nobis palam
At pinaligiran siya ng mga Judio at sinabi sa kaniya, “Hanggang kailan mo kami pananatilihing bitin? Kung ikaw ang Cristo, sabihin mo nang maliwanag.”
25 respondit eis Iesus loquor vobis et non creditis opera quae ego facio in nomine Patris mei haec testimonium perhibent de me
Sumagot si Jesus sa kanila, “Sinabihan ko kayo, ngunit hindi kayo naniwala. Ang mga gawain na aking ginawa sa ngalan ng aking Ama, ang mga ito ang magpapatotoo patungkol sa akin.
26 sed vos non creditis quia non estis ex ovibus meis
Gayunman hindi kayo naniwala dahil hindi ko kayo mga tupa.
27 oves meae vocem meam audiunt et ego cognosco eas et sequuntur me
Naririnig ng aking tupa ang aking boses; kilala ko sila, at sila ay sumusunod sa akin.
28 et ego vitam aeternam do eis et non peribunt in aeternum et non rapiet eas quisquam de manu mea (aiōn , aiōnios )
Ibinigay ko sa kanila ang buhay na walang hanggang; hindi sila malilipol, at walang sinumang makaaagaw sa kanila sa aking kamay. (aiōn , aiōnios )
29 Pater meus quod dedit mihi maius omnibus est et nemo potest rapere de manu Patris mei
Ang aking Ama na siyang nagbigay sa kanila sa akin, ay dakila kaysa sa lahat, at walang sinuman na kayang umagaw sa kanila sa kamay ng Ama.
30 ego et Pater unum sumus
“Ako at ang Ama ay iisa.”
31 sustulerunt lapides Iudaei ut lapidarent eum
Pagkatapos ay kumuhang muli ng mga bato ang mga Judio upang batuhin siya.
32 respondit eis Iesus multa opera bona ostendi vobis ex Patre meo propter quod eorum opus me lapidatis
Sinagot sila ni Jesus, “Ipinakita ko sa inyo ang maraming mabubuting gawain mula sa Ama. Alin sa mga gawaing ito ang dahilan na pagbabatuhin ninyo ako?”
33 responderunt ei Iudaei de bono opere non lapidamus te sed de blasphemia et quia tu homo cum sis facis te ipsum Deum
Sumagot ang mga Judio sa kaniya, “Hindi ka namin binabato dahil sa anumang mabuting gawain, kundi dahil sa paglapastangan, dahil ikaw na isang tao, ginagawa mong Diyos ang iyong sarili.”
34 respondit eis Iesus nonne scriptum est in lege vestra quia ego dixi dii estis
Sumagot si Jesus sa kanila, “Hindi ba nasusulat sa inyong batas, 'Sinabi ko, “kayo ay mga diyos?'”
35 si illos dixit deos ad quos sermo Dei factus est et non potest solvi scriptura
Kung tinatawag niyang mga diyos sila na dinatnan ng salita ng Diyos (at ang kasulatan ay hindi maaaring sirain),
36 quem Pater sanctificavit et misit in mundum vos dicitis quia blasphemas quia dixi Filius Dei sum
sinasabi ba ninyo ang tungkol sa kaniya na siyang itinalaga ng Ama at isinugo sa mundo, 'Ikaw ay naglalapastangan,' dahil sinabi kong, 'Ako ang Anak ng Diyos'?
37 si non facio opera Patris mei nolite credere mihi
Kung hindi ko ginagawa ang gawain ng aking Ama, huwag kayong manampalataya sa akin.
38 si autem facio et si mihi non vultis credere operibus credite ut cognoscatis et credatis quia in me est Pater et ego in Patre
“Subalit, kung ginagawa ko ang mga iyon, kahit na hindi kayo manampalataya sa akin, maniwala kayo sa mga gawain upang malaman ninyo at maunawaan na ang Ama ay nasa sa akin at ako ay nasa sa Ama.”
39 quaerebant ergo eum prendere et exivit de manibus eorum
Sinubukan muli nilang lupigin si Jesus, ngunit siya ay umalis sa kanilang mga kamay.
40 et abiit iterum trans Iordanen in eum locum ubi erat Iohannes baptizans primum et mansit illic
Umalis muli si Jesus patungo sa ibayo ng Jordan sa lugar nang una'y pinagbabautismuhan ni Juan, at siya ay nanatili doon.
41 et multi venerunt ad eum et dicebant quia Iohannes quidem signum fecit nullum
Maraming tao ang lumapit kay Jesus. Patuloy nilang sinasabi, “Sa katunayan walang ginawang mga tanda si Juan, ngunit lahat ng mga bagay na sinabi ni Juan tungkol sa taong ito ay totoo.”
42 omnia autem quaecumque dixit Iohannes de hoc vera erant et multi crediderunt in eum
Doon ay maraming sumampalataya kay Jesus.