< Job 36 >
1 addens quoque Heliu haec locutus est
Nagpatuloy si Elihu at sinabi,
2 sustine me paululum et indicabo tibi adhuc enim habeo quod pro Deo loquar
“Hayaan mong magsalita ako nang kaunti pa, at ipakikita ko sa iyo ang ilang mga bagay dahil may konti pa akong sasabihin para ipagtanggol ang Diyos.
3 repetam scientiam meam a principio et operatorem meum probabo iustum
Marami akong nakuhang karunungan mula sa malayo; kinilala ko ang katuwiran ng aking Manlilikha.
4 vere enim absque mendacio sermones mei et perfecta scientia probabitur tibi
Sigurado, hindi kasinungalingan ang aking mga sasabihin; kasama mo ang isang taong matalino.
5 Deus potentes non abicit cum et ipse sit potens
Tingnan mo, ang Diyos ay makapangyarihan, at hindi namumuhi kaninuman; siya ay makapangyarihan sa lawak ng kaunawaan.
6 sed non salvat impios et iudicium pauperibus tribuit
Hindi niya pananatilihin ang buhay ng masasamang tao sa halip gagawin niya ang nararapat para sa mga nagdurusa.
7 non aufert a iusto oculos suos et reges in solio conlocat in perpetuum et illi eriguntur
Hindi niya inaalis ang kaniyang mga mata sa mga matutuwid na tao sa halip inihahanda sila sa mga trono gaya ng mga hari, at naitaas sila.
8 et si fuerint in catenis et vinciantur funibus paupertatis
Gayunman kapag nakagapos sila sa kadena, at kung nahuli sila ng mga lubid ng paghihirap,
9 indicabit eis opera eorum et scelera eorum quia violenti fuerint
saka niya ipakikita sa kanila ang kanilang ginawa - ang kanilang mga kasalanan at kung paano sila kumilos nang may pagmamataas.
10 revelabit quoque aurem eorum ut corripiat et loquetur ut revertantur ab iniquitate
Binubuksan din niya ang kanilang mga tainga para sa kaniyang tagubilin, at inutusan niya sila na tumalikod mula sa kasalanan.
11 si audierint et observaverint conplebunt dies suos in bono et annos suos in gloria
Kung makikinig sila sa kaniya at sasamba sa kaniya, ilalaan nila ang kanilang mga araw sa kasaganahan, ang kanilang mga taon sa kaligayahan.
12 si autem non audierint transibunt per gladium et consumentur in stultitia
Gayon pa man, kung hindi sila makikinig, mamamatay sila sa pamamagitan ng espada; mamamatay sila dahil wala silang alam.
13 simulatores et callidi provocant iram Dei neque clamabunt cum vincti fuerint
Ang mga hindi maka-diyos ay nagkikimkim ng galit sa kanilang puso; hindi sila humihingi ng tulong kahit na tinatali na sila ng Diyos.
14 morietur in tempestate anima eorum et vita eorum inter effeminatos
Mamamatay sila sa kanilang kabataan; magtatapos ang kanilang buhay kasama ang kababaihang sumasamba sa diyus-diyosan.
15 eripiet pauperem de angustia sua et revelabit in tribulatione aurem eius
Inililigtas ng Diyos ang mga taong naghihirap sa pamamagitan ng kahirapan; binubuksan niya ang kanilang mga tainga sa pamamagitan ng pang-aapi sa kanila.
16 igitur salvabit te de ore angusto latissime et non habentis fundamentum subter se requies autem mensae tuae erit plena pinguedine
Tunay nga na gusto niyang tanggalin ka mula sa pagkabalisa tungo sa malawak na lugar kung saan walang paghihirap at kung saan nakahanda ang iyong hapag na puno ng pagkain na maraming taba.
17 causa tua quasi impii iudicata est causam iudiciumque recipies
Pero puno ka ng paghatol sa mamasamang tao; hatol at katarungan ang ginawad sa iyo.
18 non te ergo superet ira ut aliquem opprimas nec multitudo donorum inclinet te
Huwag mong hayaan na maakit ka ng kayamanan sa pandaraya; huwag mong hayaan na malihis ka mula sa katarungan dahil sa malaking suhol.
19 depone magnitudinem tuam absque tribulatione et omnes robustos fortitudine
May pakinabang ba ang kayaman sa iyo, para hindi ka na mabalisa, o kaya ba ng buong lakas mo na tulungan ka?
20 ne protrahas noctem ut ascendant populi pro eis
Huwag mong naisin ang gabi, para gumawa ng kasalanan laban sa iba, kapag nawala na ang mga tao sa kanilang kinalalagyan.
21 cave ne declines ad iniquitatem hanc enim coepisti sequi post miseriam
Mag-ingat ka na hindi ka magkasala dahil sinusubukan ka sa pamamagitan ng pagdurusa kaya manatili kang malayo mula sa pagkakasala.
22 ecce Deus excelsus in fortitudine sua et nullus ei similis in legislatoribus
Tingnan mo, dakila ang kapangyarihan ng Diyos; sinong tagapagturo ang katulad niya?
23 quis poterit scrutari vias eius aut quis ei dicere operatus es iniquitatem
Sino ang minsang nagturo tungkol sa kaniyang pamumuhay? Sino ang makapagsasabi sa kaniya, “Nakagawa ka ng kasamaan?'
24 memento quod ignores opus eius de quo cecinerunt viri
Alalahanin mo na purihin ang kaniyang mga ginawa, na kinanta ng mga tao.
25 omnes homines vident eum unusquisque intuetur procul
Tumingin ang lahat ng tao sa mga ginawa niya, pero nakita lang nila ang mga gawang ito mula sa malayo.
26 ecce Deus magnus vincens scientiam nostram numerus annorum eius inaestimabilis
Tingnan mo, dakila ang Diyos, pero hindi namin siya lubos na maintindihan; hindi mabilang ang kaniyang mga taon.
27 qui aufert stillas pluviae et effundit imbres ad instar gurgitum
Dahil kinukuha niya ang mga singaw mula sa mga patak ng tubig para gawing ulan,
28 qui de nubibus fluunt quae praetexunt cuncta desuper
na binubuhos ng mga ulap at bumabagsak nang masagana sa sangkatauhan.
29 si voluerit extendere nubes quasi tentorium suum
Tunay nga, mayroon bang makauunawa ng paggalaw ng mga ulap at kidlat mula sa kaniyang tolda?
30 et fulgurare lumine suo desuper cardines quoque maris operiet
Tingnan mo, kinalat niya ang kaniyang kidlat sa paligid niya; binalot niya ng kadiliman ang dagat.
31 per haec enim iudicat populos et dat escas multis mortalibus
Sa pamamagitan nito, pinakain niya ang mga tao at binigyan sila ng masaganang pagkain.
32 in manibus abscondit lucem et praecipit ei ut rursus adveniat
Binalot niya ang kaniyang kamay ng kidlat hanggang sa inutusan sila na patayin ang kanilang mga target.
33 adnuntiat de ea amico suo quod possessio eius sit et ad eam possit ascendere
Ang kanilang ingay ay naghuhudyat sa mga tao na paparating na ang bagyo; alam din ng mga baka ang pagdating nito.