< Job 33 >
1 audi igitur Iob eloquia mea et omnes sermones meos ausculta
Kaya ngayon Job, nagmamakaawa ako sa iyo, pakinggan ang aking sasabihin; makinig ka sa lahat ng aking mga salita.
2 ecce aperui os meum loquatur lingua mea in faucibus meis
Tingnan mo ngayon, binuksan ko ang aking bibig; nagsalita na ang aking dila sa aking bibig.
3 simplici corde meo sermones mei et sententiam labia mea puram loquentur
Mga salita ko'y magsasabi ng pagkamatapat ng aking puso; kung ano ang alam ng aking mga labi, matapat silang magsasabi sa iyo.
4 spiritus Dei fecit me et spiraculum Omnipotentis vivificavit me
Ang Espiritu ng Diyos ang gumawa sa akin; ang hininga ng Makapangyarihan ang nagbigay buhay sa akin.
5 si potes responde mihi et adversus faciem meam consiste
Kung kaya mo, sagutin mo ako; ihanda mo ang iyong sasabihin sa harap ko at tumayo ka.
6 ecce et me sicut et te fecit Deus et de eodem luto ego quoque formatus sum
Tingnan mo, matuwid din ako tulad mo sa paningin ng Diyos; hinulma din ako mula sa luwad.
7 verumtamen miraculum meum non te terreat et eloquentia mea non sit tibi gravis
Tingnan mo, hindi ka matatakot sa akin; maging ang aking presensya ay hindi rin magiging mabigat sa iyo.
8 dixisti ergo in auribus meis et vocem verborum audivi
Sa aking pandinig tiyak kang nagsalita; narinig ko ang tunog ng iyong mga salita na nagsasabi,
9 mundus sum ego absque delicto inmaculatus et non est iniquitas in me
“Malinis ako at walang pagkakasala; ako ay inosente, at ako ay walang kasalanan.
10 quia querellas in me repperit ideo arbitratus est me inimicum sibi
Tingnan mo, naghanap ng pagkakataon ang Diyos na lusubin ako; tinuring niya akong kaaway.
11 posuit in nervo pedes meos custodivit omnes semitas meas
Ginapos niya ang aking mga paa sa mga kahoy na posas; tinitingnan niya lahat ng aking daraanan.
12 hoc est ergo in quo non es iustificatus respondebo tibi quia maior sit Deus homine
Tingnan mo, sasagutin kita; nagkakamali ka sa pagsasabi nito, dahil ang Diyos ay mas higit kaysa sa tao.
13 adversum eum contendis quod non ad omnia verba responderit tibi
Bakit ka nakikibaka sa kaniya? Hindi niya kailangan ipaliwanag ang lahat ng kaniyang mga ginagawa.
14 semel loquitur Deus et secundo id ipsum non repetit
Minsan nang nagsalita ang Diyos - oo, dalawang beses, bagama't hindi ito napapansin ng tao.
15 per somnium in visione nocturna quando inruit sopor super homines et dormiunt in lectulo
Sa panaginip, sa pangitain sa gabi, kapag mahimbing na natulog ang mga tao ay dumating, sa pagkakatulog sa higaan -
16 tunc aperit aures virorum et erudiens eos instruit disciplinam
pagkatapos binubuksan ng Diyos ang mga tainga ng tao, at tatakutin sila ng mga banta,
17 ut avertat hominem ab his quae facit et liberet eum de superbia
para hilahin sila mula sa kaniyang makasalanang mga layunin, at ilayo ang kayabangan sa kaniya.
18 eruens animam eius a corruptione et vitam illius ut non transeat in gladium
Nilalayo ng Diyos ang buhay ng tao mula sa hukay, ang buhay niya mula sa pagtawid sa kamatayan.
19 increpat quoque per dolorem in lectulo et omnia ossa eius marcescere facit
Pinarurusahan din ang tao ng may kirot sa kaniyang higaan, na may patuloy na paghihirap sa kaniyang mga buto,
20 abominabilis ei fit in vita sua panis et animae illius cibus ante desiderabilis
para mapoot ang kaniyang buhay sa pagkain, at mapoot ang kaniyang kaluluwa sa masasarap na pagkain.
21 tabescet caro eius et ossa quae tecta fuerant nudabuntur
Inubos ang kaniyang laman para hindi na ito makita; ang kaniyang mga buto na minsan ay hindi na nakikita, ngayon ay nakalitaw na.
22 adpropinquabit corruptioni anima eius et vita illius mortiferis
Sa katunayan, nalalapit na sa hukay ang kaniyang kaluluwa, ang kaniyang buhay sa mga humihiling na wasakin ito.
23 si fuerit pro eo angelus loquens unum de milibus ut adnuntiet hominis aequitatem
Pero kung mayroong lamang na anghel na maaaring mamagitan para sa kaniya, isang tagapamagitan mula sa libi-libong mga anghel, para ipakita kung ano ang tamang gawin,
24 miserebitur eius et dicet libera eum et non descendat in corruptionem inveni in quo ei propitier
at kung ang anghel ay mabait sa kaniya at sasabihin sa Diyos na, “Iligtas mo ang taong ito mula sa pagbaba sa hukay; nakahanap ako ng pangtubos para sa kaniya,
25 consumpta est caro eius a suppliciis revertatur ad dies adulescentiae suae
pagkatapos ang kaniyang laman ay magiging mas sariwa kaysa sa isang bata; babalik siya sa mga araw ng kalakasan ng kaniyang kabataan.
26 deprecabitur Deum et placabilis ei erit et videbit faciem eius in iubilo et reddet homini iustitiam suam
Mananalangin siya, at magiging mabait ang Diyos sa kaniya, para makita niya ang mukha ng Diyos nang may kasiyahan at bibigyan siya ng tagumpay.
27 respiciet homines et dicet peccavi et vere deliqui et ut eram dignus non recepi
Pagkatapos aawit ang taong iyon sa harap ng mga tao at sasabihin, “Nagkasala ako at binaluktot kung alin ang tama, pero hindi pinarusahan ang aking kasalanan.
28 liberavit animam suam ne pergeret in interitum sed vivens lucem videret
Iniligtas ng Diyos ang aking kaluluwa mula sa pagpunta sa hukay; patuloy na makikita ng aking buhay ang liwanag.'
29 ecce haec omnia operatur Deus tribus vicibus per singulos
Tingnan mo, ginawang lahat ito ng Diyos sa isang tao, dalawang beses, oo, kahit tatlong beses pa,
30 ut revocet animas eorum a corruptione et inluminet luce viventium
para makuha ang kaniyang kaluluwa mula sa hukay, kaya maliliwanagan siya nang liwanag ng buhay.
31 adtende Iob et audi me et tace dum ego loquar
Bigyang-pansin mo ito Job, at makinig ka sa akin; tumahimik ka at magsasalita ako.
32 si autem habes quod loquaris responde mihi loquere volo enim te apparere iustum
Kung may sasabihin ka, sagutin mo ako; magsalita ka, dahil hiling ko na mapatunayan na ikaw ay nasa tama.
33 quod si non habes audi me tace et docebo te sapientiam
Kung hindi, makinig ka sa akin; manatili kang tahimik, at tuturuan kita ng karunungan.”