< Job 29 >
1 addidit quoque Iob adsumens parabolam suam et dixit
Muling nagsalita si Job at sinabi,
2 quis mihi tribuat ut sim iuxta menses pristinos secundum dies quibus Deus custodiebat me
“O, na ako ay parang noong mga nakalipas na mga buwan nang pinapangalagaan ako ng Diyos,
3 quando splendebat lucerna eius super caput meum et ad lumen eius ambulabam in tenebris
nang lumiwanag ang kaniyang ilawan sa aking ulo, at nang lumakad ako sa kadilimang ginagabayan ng kaniyang liwanag.
4 sicut fui in diebus adulescentiae meae quando secreto Deus erat in tabernaculo meo
O, kung katulad lang sana ako noong nasa kahinugan pa ng aking mga araw nang ang pagkakaibigan ng Diyos ay nasa aking tolda,
5 quando erat Omnipotens mecum et in circuitu meo pueri mei
nang kapiling ko pa ang Makapangyarihan, at ang aking mga anak ay nakapaligid sa akin,
6 quando lavabam pedes meos butyro et petra fundebat mihi rivos olei
nang ang aking landas ay umaapaw sa gatas, at ibinubuhos sa akin ng bato ang mga batis ng langis!
7 quando procedebam ad portam civitatis et in platea parabant cathedram mihi
Nang lumabas ako patungo sa tarangkahan ng lungsod, nang naupo ako sa aking lugar sa plasa,
8 videbant me iuvenes et abscondebantur et senes adsurgentes stabant
natanaw ako ng mga kabataang lalaki at pinanatili ang kanilang distansya mula sa akin bilang tanda ng paggalang, at ang mga matatanda ay tumindig at tumayo para sa akin.
9 principes cessabant loqui et digitum superponebant ori suo
Dati ay itinitigil ng mga prinsipe ang kanilang usapan kapag dumadating ako; tinatakpan nila ng kanilang kamay ang kanilang mga bibig.
10 vocem suam cohibebant duces et lingua eorum gutturi suo adherebat
Tumahimik ang mga boses ng mga maharlilka, at kumapit ang kanilang dila sa bubong ng kanilang mga bibig.
11 auris audiens beatificabat me et oculus videns testimonium reddebat mihi
Dahil matapos akong marinig ng kanilang mga tainga, pagpapalain nila ako; matapos akong makita ng kanilang mga mata, nagpapatotoo sila at sumasang-ayon sa akin
12 quod liberassem pauperem vociferantem et pupillum cui non esset adiutor
dahil dati ay sinasagip ko ang taong mahirap na sumisigaw, pati na ang lahat ng mga walang ama, na walang sinumang tutulong sa kaniya.
13 benedictio perituri super me veniebat et cor viduae consolatus sum
Ang pagpapala ng taong malapit nang masawi ay dumarating sa akin; dinulot kong kumanta ang puso ng biyuda dahil sa kagalakan.
14 iustitia indutus sum et vestivit me sicut vestimento et diademate iudicio meo
Sinuot ko ang katuwiran, at dinamitan ako nito; ang katarungan ko ay tulad ng isang kasuotan at isang turban.
15 oculus fui caeco et pes claudo
Naging mga mata ako ng mga bulag; naging mga paa ako ng mga pilay.
16 pater eram pauperum et causam quam nesciebam diligentissime investigabam
Naging isang ama ako ng mga nangangailangan; sinusuri ko ang kaso kahit na ng isang hindi ko kilala.
17 conterebam molas iniqui et de dentibus illius auferebam praedam
Binasag ko ang mga panga ng masama; hinalbot ko ang biktima mula sa pagitan ng kaniyang mga ngipin.
18 dicebamque in nidulo meo moriar et sicut palma multiplicabo dies
Pagkatapos sinabi ko, “Mamamatay ako sa aking pugad; pararamihin ko ang aking mga araw tulad ng mga butil ng buhangin.
19 radix mea aperta est secus aquas et ros morabitur in messione mea
Umaabot ang aking mga ugat sa mga tubig, at nasa mga sanga ko ang hamog buong gabi.
20 gloria mea semper innovabitur et arcus meus in manu mea instaurabitur
Ang parangal sa akin ay laging sariwa, at ang pana ng aking kalakasan ay laging bago sa aking kamay;
21 qui me audiebant expectabant sententiam et intenti tacebant ad consilium meum
Sa akin nakinig ang mga tao; hinintay nila ako; nanatili silang tahimik para marinig ang aking payo.
22 verbis meis addere nihil audebant et super illos stillabat eloquium meum
Matapos kong sabihin ang aking mga salita, hindi na sila muling nagsalita; ang aking pananalita ay pumatak sa kanila tulad ng tubig.
23 expectabant me sicut pluviam et os suum aperiebant quasi ad imbrem serotinum
Lagi nila akong hinihintay na parang paghintay nila sa ulan; ibinuka nila nang malaki ang kanilang bibig para inumin ang aking mga salita, gaya ng ginagawa nila para sa ulan sa panahon ng tag-araw.
24 si quando ridebam ad eos non credebant et lux vultus mei non cadebat in terram
Ngumiti ako sa kanila nang hindi nila ito inasahan; hindi nila tinanggihan ang liwanag ng aking mukha.
25 si voluissem ire ad eos sedebam primus cumque sederem quasi rex circumstante exercitu eram tamen maerentium consolator
Pinili ko ang kanilang landas at umupo bilang kanilang hepe; namuhay akong tulad ng isang hari sa kaniyang hukbo, tulad ng isang umaaliw sa mga taong nagdadalamhati sa isang libing.