< Jeremiæ 24 >
1 ostendit mihi Dominus et ecce duo calathi pleni ficis positi ante templum Domini postquam transtulit Nabuchodonosor rex Babylonis Iechoniam filium Ioachim regem Iuda et principes eius et fabrum et inclusorem de Hierusalem et adduxit eos in Babylonem
Nagpakita si Yahweh ng isang bagay sa akin. Masdan, dalawang basket ng igos ang nakalagay sa harapan ng templo ni Yahweh. (Ang pangitain na ito ay nangyari pagkatapos dalhin ni Nebucadnezar, na hari ng Babilonia, sa pagkakabihag si Jeconias na anak ni Jehoiakim, na hari ng Juda, ang mga pinuno ng Juda, mga mang-uukit at mga manggagawa ng bakal mula sa Jerusalem at dinala sila sa Babilonia.)
2 calathus unus ficus bonas habebat nimis ut solent ficus esse primi temporis et calathus unus ficus habebat malas nimis quae comedi non poterant eo quod essent malae
Ang isang basket ng igos ay napakaganda, tulad ng mga unang nahinog na igos, ngunit ang ibang mga basket ng igos ay napakasama na hindi maaring kainin.
3 et dixit Dominus ad me quid tu vides Hieremia et dixi ficus ficus bonas bonas valde et malas malas valde quae comedi non possunt eo quod sint malae
Sinabi ni Yahweh sa akin, “Ano ang nakikita mo, Jeremias?” sinabi ko, “Mga igos. Mga igos na napakaganda at igos na napakasama na hindi ito maaaring kainin.”
4 et factum est verbum Domini ad me dicens
Pagkatapos, ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
5 haec dicit Dominus Deus Israhel sicut ficus hae bonae sic cognoscam transmigrationem Iuda quam emisi de loco isto in terram Chaldeorum in bonum
“Sinasabi ito ni Yahweh, ang Diyos ng Israel: Titingnan ko ang pagkakabihag ng Juda para sa kanilang kapakinabangan, tulad ng mabubuting igos na ito, ang mga bihag na aking ipinadala mula sa lugar sa lupain ng Caldeo.
6 et ponam oculos meos super eos ad placandum et reducam eos in terram hanc et aedificabo eos et non destruam et plantabo eos et non evellam
Ibabaling ko ang aking mga mata sa kanila para sa kabutihan at muli silang ibabalik sa lupaing ito. Itatayo ko sila at hindi ibabagsak. Itatanim ko sila, at hindi bubunutin.
7 et dabo eis cor ut sciant me quia ego sum Dominus et erunt mihi in populum et ego ero eis in Deum quia revertentur ad me in toto corde suo
At bibigyan ko sila ng isang puso upang kilalanin ako, sapagkat ako si Yahweh. Sila ay magiging aking mga tao at ako ay magiging kanilang Diyos, kaya babalik sila sa akin nang buong puso.
8 et sicut ficus pessimae quae comedi non possunt eo quod sint malae haec dicit Dominus sic dabo Sedeciam regem Iuda et principes eius et reliquos de Hierusalem qui remanserunt in urbe hac et qui habitant in terra Aegypti
Ngunit tulad ng masamang igos na hindi maaaring kainin—ito ang sinasabi ni Yahweh—gagawin ko ang paraang ito kina Zedekias, na hari ng Juda, kasama ang kaniyang mga opisyal, at ang ilan pa sa mga taga-Jerusalem na nananatili sa lupaing ito o pupunta upang manatili sa lupain ng Egipto.
9 et dabo eos in vexationem adflictionemque omnibus regnis terrae in obprobrium et in parabolam et in proverbium et in maledictionem in universis locis ad quos eieci eos
Ibabaling ko sila sa isang nakakatakot na bagay, isang sakuna, sa paningin ng lahat ng kaharian sa lupa, isang kahihiyan at isang sentro ng mga salawikain, mga paghamak, at mga sumpa sa lahat ng lugar kung saan ko sila dinala.
10 et mittam in eis gladium et famem et pestem donec consumantur de terra quam dedi eis et patribus eorum
Magpapadala ako ng espada, taggutom, at salot laban sa kanila, lubos silang mauubos mula sa lupain na aking ibinigay sa kanila at sa kanilang mga ninuno.”