< Isaiæ 1 >
1 visio Isaiae filii Amos quam vidit super Iudam et Hierusalem in diebus Oziae Ioatham Ahaz Ezechiae regum Iuda
Ang pangitain ni Isaias, anak ni Amos, na kaniyang nakita patungkol sa Judah at Jerusalem, sa mga araw ni Uzias, Jotam, Ahaz at Hezekias, ang mga hari ng Juda.
2 audite caeli et auribus percipe terra quoniam Dominus locutus est filios enutrivi et exaltavi ipsi autem spreverunt me
Makinig kayong mga langit, at pakinggan mo ako lupa; dahil nagsalita si Yahweh: “Nag-alaga at nag-aruga ako ng mga bata pero nagrebelde sila sa akin.
3 cognovit bos possessorem suum et asinus praesepe domini sui Israhel non cognovit populus meus non intellexit
Kilala ng baka ang nagmamay-ari sa kaniya, at alam din ng asno ang pakainan ng kaniyang amo, pero ang Israel hindi, hindi nakauunawa ang Israel.
4 vae genti peccatrici populo gravi iniquitate semini nequam filiis sceleratis dereliquerunt Dominum blasphemaverunt Sanctum Israhel abalienati sunt retrorsum
Nakalulungkot —ang mga bansa, mga makasalanan, mga taong lubog sa kasalanan, mga anak ng mga mapaggawa ng masama, mga anak ng tiwali! Iniwan nila si Yahweh, kinasuklaman nila ang Banal ng Israel, lumayo sila mula sa kaniya.
5 super quo percutiam vos ultra addentes praevaricationem omne caput languidum et omne cor maerens
Bakit pa kayo nasasaktan? Bakit pa kayo nagrerebelde nang paulit-ulit? May sakit ang inyong buong ulo, nanghihina ang buong puso niyo.
6 a planta pedis usque ad verticem non est in eo sanitas vulnus et livor et plaga tumens non est circumligata nec curata medicamine neque fota oleo
Mula talampakan hanggang sa ulo, walang bahagi na katawan niyo ang walang pinsala; mga gasgas, at pasa at mga sariwang sugat; hindi sila nagsara, ni nilinisan, ni ginamot o nilagyan ng langis.
7 terra vestra deserta civitates vestrae succensae igni regionem vestram coram vobis alieni devorant et desolabitur sicut in vastitate hostili
Wasak ang bansa niyo; sinunog ang mga lungsod niyo; sa harapan niyo, sinisira ng mga dayuhan ang lupain niyo; iniwan nila itong wasak at sira-sira, pinabagsak ng mga dayuhan.
8 et derelinquetur filia Sion ut umbraculum in vinea et sicut tugurium in cucumerario sicut civitas quae vastatur
Ang anak na babae ng Sion, iniwan na parang kubo sa ubasan, gaya ng isang silong sa hardin ng pipino, gaya ng isang lungsod na sinakop.
9 nisi Dominus exercituum reliquisset nobis semen quasi Sodoma fuissemus et quasi Gomorra similes essemus
Kung hindi nag-iwan si Yahweh ng mga hukbo ng ilan sa ating mga kababayan, naging tulad na sana tayo ng Sodoma, naging gaya tayo ng Gomorra.
10 audite verbum Domini principes Sodomorum percipite auribus legem Dei nostri populus Gomorrae
Dinggin niyo ang salita ni Yahweh, kayong mga tagapamahala ng Sodoma; makinig kayo sa batas ng ating Diyos, kayong bayan ng Gomorra:
11 quo mihi multitudinem victimarum vestrarum dicit Dominus plenus sum holocausta arietum et adipem pinguium et sanguinem vitulorum et agnorum et hircorum nolui
“Ano ang silbi ng marami ninyong mga alay sa akin?” sabi ni Yahweh. “Sawa na ako sa mga tupa, at taba ng mga hayop na sinunog niyo para ihandog; at sa dugo ng toro, tupa at kambing, hindi ako nalulugod.
12 cum veneritis ante conspectum meum quis quaesivit haec de manibus vestris ut ambularetis in atriis meis
Sa tuwing lalapit kayo sa harapan ko, sinong nagsabi sa inyo na maaari niyong yurakan ang aking mga patyo?
13 ne adferatis ultra sacrificium frustra incensum abominatio est mihi neomeniam et sabbatum et festivitates alias non feram iniqui sunt coetus vestri
Huwag na kayong magdala ng mga handog na walang halaga; kasuklam-suklam sa akin ang insenso; ang mga pagtitipon niyo tuwing bagong buwan at araw ng pamamahinga —hindi ko na matiis ang lahat ng makasalanan niyong mga pagtitipon.
14 kalendas vestras et sollemnitates vestras odivit anima mea facta sunt mihi molesta laboravi sustinens
Namumuhi ako sa mga bagong buwan at mga pista ninyo; pabigat sila sa akin; pagod na akong tiisin sila.
15 et cum extenderitis manus vestras avertam oculos meos a vobis et cum multiplicaveritis orationem non audiam manus vestrae sanguine plenae sunt
Kaya sa tuwing itinataas ninyo ang mga kamay ninyo, tinatago ko ang mga mata ko sa inyo; kahit na nag-alay kayo ng maraming panalangin, hindi ako makikinig; puno ng dugo ang mga kamay ninyo.
16 lavamini mundi estote auferte malum cogitationum vestrarum ab oculis meis quiescite agere perverse
Maghugas kayo, linisin ninyo ang mga sarili niyo; alisin ninyo ang kasamaan sa mga gawain ninyo sa paningin ko; tigilan ninyo na ang pagiging masama;
17 discite benefacere quaerite iudicium subvenite oppresso iudicate pupillo defendite viduam
alamin ninyo paano maging mabuti; isulong ninyo ang katarungan, tulungan niyo ang mga inaapi, bigyan ninyo ng katarungan ang mga walang ama, protektahan ninyo ang mga balo.”
18 et venite et arguite me dicit Dominus si fuerint peccata vestra ut coccinum quasi nix dealbabuntur et si fuerint rubra quasi vermiculus velut lana erunt
“Halika at pag-usapan natin ito,” sabi ni Yahweh; “bagaman ang mga kasalanan ninyo ay tulad ng iskarlata, magiging kasing-puti ng bulak ang mga ito; bagaman pula sila tulad ng krimson, magiging tulad sila ng lana.
19 si volueritis et audieritis bona terrae comedetis
Kung handa kayo at susunod, kakainin ninyo ang maiinam na bunga ng lupain.
20 quod si nolueritis et me provocaveritis ad iracundiam gladius devorabit vos quia os Domini locutum est
Pero kung magmamatigas kayo at magrerebelde, lalamunin kayo ng espada dahil ang bibig ni Yahweh ay nagsalita.”
21 quomodo facta est meretrix civitas fidelis plena iudicii iustitia habitavit in ea nunc autem homicidae
Naging babaeng bayaran ang tapat na lungsod! Siya na dating puno ng katarungan ay puno ng katuwiran, pero ngayon puno siya ng mamamatay-tao.
22 argentum tuum versum est in scoriam vinum tuum mixtum est aqua
Naging marumi ang mga pilak ninyo, at ang alak ninyo hinaluan ng tubig.
23 principes tui infideles socii furum omnes diligunt munera sequuntur retributiones pupillo non iudicant et causa viduae non ingreditur ad eos
Mga rebelde at kasama ng mga magnanakaw ang mga prinsipe niyo; ang bawat isa, nagnanais ng suhol at naghahabol ng bayad. Hindi nila pinoprotektahan ang mga ulila, maging ang mga hinaing pang-legal ng mga balo sa kanilang harapan.
24 propter hoc ait Dominus exercituum Fortis Israhel heu consolabor super hostibus meis et vindicabor de inimicis meis
Kaya, ito ang pahayag ng Diyos, si Yahweh ng mga hukbo, ang Magiting ng Israel: “Kaawa-awa sila! Maghihiganti ako laban sa mga kaaway ko, at ipaghihiganti ko ang aking sarili laban sa mga kalaban ko;
25 et convertam manum meam ad te et excoquam ad purum scoriam tuam et auferam omne stagnum tuum
itutuon ko sa inyo ang kamay ko para alisin ang kalawang sa inyo at para tanggalin ang lahat ng karumihan ninyo.
26 et restituam iudices tuos ut fuerunt prius et consiliarios tuos sicut antiquitus post haec vocaberis civitas iusti urbs fidelis
Ibabalik ko ang mga hukom ninyo gaya noon, at ang mga taga-payo ninyo gaya noong simula; matapos nito, tatawagin kayong lungsod ng katuwiran, isang tapat na bayan.
27 Sion in iudicio redimetur et reducent eam in iustitia
Mababawi ang Sion sa pamamagitan ng katarungan, maging ang mga nagsisisi sa pamamagitan ng katuwiran.
28 et conteret scelestos et peccatores simul et qui dereliquerunt Dominum consumentur
Parehong madudurog ang mga rebelde at mga makasalanan, at ang mga tumalikod kay Yahweh ay maglalaho.
29 confundentur enim ab idolis quibus sacrificaverunt et erubescetis super hortis quos elegeratis
Dahil ikahihiya ninyo ang banal na mga punong owk na ninais ninyo, at ipapahiya kayo ng mga hardin na pinili ninyo.
30 cum fueritis velut quercus defluentibus foliis et velut hortus absque aqua
Dahil magiging tulad kayo ng mga owk, na ang mga dahon ay nalalanta, at tulad ng isang hardin na walang tubig.
31 et erit fortitudo vestra ut favilla stuppae et opus vestrum quasi scintilla et succendetur utrumque simul et non erit qui extinguat
Ang malakas ay magiging tulad kusot, at ang ginagawa nila ay magiging tulad ng kislap; magkasama silang masusunog at walang aapula sa mga ito.”