< Isaiæ 52 >
1 consurge consurge induere fortitudine tua Sion induere vestimentis gloriae tuae Hierusalem civitas sancti quia non adiciet ultra ut pertranseat per te incircumcisus et inmundus
Gumising ka, gumising ka, Sion; isuot mo ang iyong kalakasan, Isuot mo ang iyong magagandang kasuotan, Jerusalem, banal na lungsod; dahil hindi na muling makakapasok sa iyo ang mga hindi tuli o ang mga marurumi.
2 excutere de pulvere consurge sede Hierusalem solve vincula colli tui captiva filia Sion
Pagpagin mo ang mga alikabok mula sa iyong sarili; bumangon ka at umupo, Jerusalem; tanggalin mo ang kadena mula sa iyong leeg, bihag, na anak na babae ng Sion.
3 quia haec dicit Dominus gratis venundati estis et sine argento redimemini
Dahil ito ang sinasabi ni Yahweh, “Kayo ay ipinagbili ng walang bayad, at kayo ay tutubusin ng walang salapi.”
4 quia haec dicit Dominus Deus in Aegyptum descendit populus meus in principio ut colonus esset ibi et Assur absque ulla causa calumniatus est eum
Dahil ito ang sinasabi ng Panginoon na si Yahweh, “Sa panimula ang bayan ko ay bumaba sa Ehipto para mamuhay doon pansamantala; kamakalailan lamang ay inapi sila ng Asiria.
5 et nunc quid mihi est hic dicit Dominus quoniam ablatus est populus meus gratis dominatores eius inique agunt dicit Dominus et iugiter tota die nomen meum blasphematur
Ngayon, ano ang mayroon ako dito—ito ang pahayag ni Yahweh— nakikita ko ang aking bayan na inilalayo ng walang dahilan? Humahagulgol ang mga namumuno sa kanila—ito ang pahayag ni Yahweh—ang aking pangalan ay patuloy na sinisiraan buong araw.
6 propter hoc sciet populus meus nomen meum in die illa quia ego ipse qui loquebar ecce adsum
Kaya makikilala ng aking bayan ang pangalan ko; malalaman nila sa araw na iyon na ako nga ang siyang nagsabi nito. Oo, ako nga ito!”
7 quam pulchri super montes pedes adnuntiantis et praedicantis pacem adnuntiantis bonum praedicantis salutem dicentis Sion regnavit Deus tuus
Kay ganda sa mga kabundukan ang mga paa ng mensahero na nagdadala ng mabuting balita, na siyang nagpapahayag ng kapayapaan, na nagdadala ng mga mabuting balita, na nagpapahayag ng kaligtasan, na sinasabi sa Sion, “Ang Diyos ninyo ay naghahari!”
8 vox speculatorum tuorum levaverunt vocem simul laudabunt quia oculum ad oculum videbunt cum converterit Dominus Sion
Makinig kayo, ang inyong mga bantay ay nilalakasan ang kanilang mga tinig, sabay sabay silang sumisigaw sa kagalakan, dahil makikita nila, sa kanilang bawat mata ang pagbabalik ni Yahweh sa Sion.
9 gaudete et laudate simul deserta Hierusalem quia consolatus est Dominus populum suum redemit Hierusalem
Magsimula kayong umawit ng sabay-sabay ng may kagalakan; kayong mga guho ng Jerusalem, dahil inaliw ni Yahweh ang kanyang bayan: tinubos niya ang Jerusalem.
10 paravit Dominus brachium sanctum suum in oculis omnium gentium et videbunt omnes fines terrae salutare Dei nostri
Inilantad ni Yahweh ang kanyang makapangyarihang kamay sa paningin ng lahat ng mga bansa; makikita ng buong daigdig ang pagliligtas ng ating Diyos.
11 recedite recedite exite inde pollutum nolite tangere exite de medio eius mundamini qui fertis vasa Domini
Umalis kayo, umalis kayo, lumabas kayo roon; huwag kayong humipo ng kahit anong maruruming bagay; umalis kayo sa kaniyang kalagitnaan; dalisayin ninyo ang inyong mga sarili, kayong mga nagdadala ng mga sisidlan ni Yahweh.
12 quoniam non in tumultu exibitis nec in fuga properabitis praecedet enim vos Dominus et congregabit vos Deus Israhel
Dahil hindi kayo magmamadaling lumabas, ni aalis kayo nang may pagkatakot; dahil si Yahweh ang mangunguna sa inyo; at ang Diyos ng Israel ang magiging bantay sa inyong likuran.
13 ecce intelleget servus meus exaltabitur et elevabitur et sublimis erit valde
Masdan, ang aking lingkod ay makikipagkasundo ng may karunungan at katagumpayan: siya ay itataas at dadakilain; siya ay magiging kapuri-puri.
14 sicut obstipuerunt super te multi sic inglorius erit inter viros aspectus eius et forma eius inter filios hominum
Gaya nang maraming nasisindak sa iyo—ang kanyang anyo ay pinapangit, kaya ang kanyang hitsura ay malayo sa anumang anyo ng tao—
15 iste asperget gentes multas super ipsum continebunt reges os suum quia quibus non est narratum de eo viderunt et qui non audierunt contemplati sunt
kaya gugulatin niya ang maraming bansa; ititikom ng mga hari ang kanilang mga bibig dahil sa kanya. Na kung saan sila hindi nasabihan, makikita nila, na kung saan sila hindi narinig, ay mauunawaan nila.