< Isaiæ 39 >

1 in tempore illo misit Marodach Baladan filius Baladan rex Babylonis libros et munera ad Ezechiam audierat enim quod aegrotasset et convaluisset
Sa mga oras na iyon si Merodac Baladan anak ni Baladan, hari ng Babylonia, ay nagpadala ng mga liham at regalo kay Hezekias; dahil narinig niya na nagkasakit si Hezekias at gumaling.
2 laetatus est autem super eis Ezechias et ostendit eis cellam aromatum et argenti et auri et odoramentorum et unguenti optimi et omnes apothecas supellectilis suae et universa quae inventa sunt in thesauris eius non fuit verbum quod non ostenderet eis Ezechias in domo sua et in omni potestate sua
Si Hezekias ay nagalak sa mga bagay na ito; ipinakita niya sa mensahero ang kanyang imbakan ng mga mahahalagang bagay - ang pilak, ang ginto, ang pabango at mamahaling langis. ang imbakan ng kanyang mga sandata, at lahat ng matatagpuan sa kaniyang mga imbakan. Wala siyang hindi ipinakita sa kanila, sa kaniyang tahanan, ni sa kaniyang kaharian.
3 introiit autem Isaias propheta ad regem Ezechiam et dixit ei quid dixerunt viri isti et unde venerunt ad te et dixit Ezechias de terra longinqua venerunt ad me de Babylone
Pagkatapos lumapit si Isaias ang propeta kay Haring Hezekias at tinanong siya, “Ano ang sinabi sa iyo ng mga taong ito? Saan sila nagmula?” Sumagot si Hezekias, “Naparito sila sa akin mula sa malayong bansa ng Babilonia.”
4 et dixit quid viderunt in domo tua et dixit Ezechias omnia quae in domo mea sunt viderunt non fuit res quam non ostenderim eis in thesauris meis
Tinanong ni Isaias, “Ano ang nakita nila sa tahanan mo?” Sagot ni Hezekias, “Nakita nilang ang lahat sa tahanan ko. Walang mahalagang bagay ang hindi ko ipinakita sa kanila.”
5 et dixit Isaias ad Ezechiam audi verbum Domini exercituum
Pagkatapos sinabi ni Isaias kay Hezekias, “Makinig ka sa salita ni Yahweh ng mga hukbo:
6 ecce dies venient et auferentur omnia quae in domo tua sunt et quae thesaurizaverunt patres tui usque ad diem hanc in Babylonem non relinquetur quicquam dicit Dominus
'Masdan mo, darating ang araw na ang lahat sa iyong kaharian, mga bagay na itinabi ng iyong ninuno hanggang sa mga panahong ito, ay dadalahin sa Babilonia. Walang matitira, sabi ni Yahweh.
7 et de filiis tuis qui exibunt de te quos genueris tollent et erunt eunuchi in palatio regis Babylonis
At ang mga lalaking nagmula sa iyo, na ikaw mismo ang ama - sila ay kukunin palayo, at sila ay magiging mga eunuko sa palasyo ng hari ng Babilonia.”'
8 et dixit Ezechias ad Isaiam bonum verbum Domini quod locutus est et dixit fiat tantum pax et veritas in diebus meis
Pagkatapos sinabi ni Hezekias kay Isaias, “Ang sinabi ni Yahweh na iyong binanggit ay mabuti.” Dahil kanyang inakala, “Magkakaroon ng kapayapaan at tatatag ang aking mga araw.”

< Isaiæ 39 >