< Isaiæ 27 >

1 in die illo visitabit Dominus in gladio suo duro et grandi et forti super Leviathan serpentem vectem et super Leviathan serpentem tortuosum et occidet cetum qui in mari est
Sa araw na iyon si Yahweh at ang kaniyang matigas, malaki at mabalasik na espada ay parurusahan ang Leviatan, ang madulas na ahas, ang Leviatan na namamaluktot na ahas, at papatayin niya ang halimaw na nasa dagat.
2 in die illa vinea meri cantabit ei
Sa araw na iyon: Isang ubasan ng alak, aawit nito.
3 ego Dominus qui servo eam repente propinabo ei ne forte visitetur contra eam nocte et die servo eam
“Ako si Yahweh, ang tagapag-ingat nito; dinidiligan ko ito bawat sandali; para walang manakit dito, binabantayan ko ito sa gabi at araw.
4 indignatio non est mihi quis dabit me spinam et veprem in proelio gradiar super eam succendam eam pariter
Hindi ako galit, dahil mayroon mga dawag at tinik! Sa digmaan nagmamartsa ako laban sa kanila; susunugin ko silang lahat ng magkakasama;
5 an potius tenebit fortitudinem meam faciet pacem mihi pacem faciet mihi
kung hahawakan nila ng maiigi ang aking pag-iingat at makipag kasundo sa akin; hayaan silang makipag kasundo sa akin.
6 qui egrediuntur impetu ad Iacob florebit et germinabit Israhel et implebunt faciem orbis semine
Sa darating na araw, lalalim ang ugat ni Jacob; at ang Israel ay mamumulaklak at uusbong; at pupunuin nila ng bunga ang ibabaw ng lupa.”
7 numquid iuxta plagam percutientis se percussit eum aut sicut occidit interfectos eius sic occisus est
Nilusob ba ni Yahweh si Jacob at Israel gaya ng pagsugod niya sa mga bansa? Si Jacob ba at Israel ay pinatay gaya ng pagpatay sa bayan na kanilang pinatay?
8 in mensura contra mensuram cum abiecta fuerit iudicabis eam meditata est in spiritu suo duro per diem aestus
Sa wastong panukat ikaw ay nakipaglaban, itinaboy si Jacob at ang Israel palayo; hinayaan mo silang matangay palayo sa pamamagitan ng iyong matinding hangin, sa araw ng hanging silanganan.
9 idcirco super hoc dimittetur iniquitas domui Iacob et iste omnis fructus ut auferatur peccatum eius cum posuerit omnes lapides altaris sicut lapides cineris adlisos non stabunt luci et delubra
Sa ganitong paraan, ang matinding kasalanan ni Jacob ay mapapawalang sala, dahil ito ang magiging buong bunga sa pagtalikod niya sa kaniyang kasalanan: Gagawin niyang tisa at ginawang pulbos ang lahat ng altar na bato at walang mga poste ni Asera o mga altar ng insenso ang mananatiling nakatayo.
10 civitas enim munita desolata erit speciosa relinquetur et dimittetur quasi desertum ibi pascetur vitulus et ibi accubabit et consumet summitates eius
Dahil winasak ang matibay na lungsod, ang tahanan ay iniwanan at pinabayaan tulad ng ilang. Doon isang guya ang nanginginain, at doon siya nagpahinga at kinain ang mga sanga nito.
11 in siccitate messis illius conterentur mulieres venientes et docentes eam non est enim populus sapiens propterea non miserebitur eius qui fecit eum et qui formavit eum non parcet ei
Kapag nalanta ang mga sanga, sila ay puputulin. Dadating ang mga babae at gagawa ng apoy sa pamamagitan ng mga ito, dahil ang mga ito ay mga taong walang pang-unawa. Sa gayon ang kanilang manlilikha ay hindi mahahabag sa kanila, at siyang gumawa sa kanila ay hindi maaawa sa kanila.
12 et erit in die illa percutiet Dominus ab alveo Fluminis usque ad torrentem Aegypti et vos congregabimini unus et unus filii Israhel
Mangyayari sa araw na iyon na ihihiwalay ni Yahweh ang dumadaloy na agos ng Ilog ng Eufrates, hanggang sa batis ng Ehipto, at isa-isa kayong titipunin, bayan ng Israel.
13 et erit in die illa clangetur in tuba magna et venient qui perditi fuerant de terra Assyriorum et qui eiecti erant in terra Aegypti et adorabunt Dominum in monte sancto in Hierusalem
Sa araw na iyon hihipan ang malaking trumpeta; at ang mga nawasak mula sa lupain ng Asirya ay dadating, at ang mga itinakwil sa lupain ng Ehipto, sila ay sasamba kay Yahweh sa banal na bundok ng Jerusalem.

< Isaiæ 27 >