< Isaiæ 13 >

1 onus Babylonis quod vidit Isaias filius Amos
Isang pahayag tungkol sa Babilonia, na natanggap ni Isaias anak ni Amoz:
2 super montem caligosum levate signum exaltate vocem levate manum et ingrediantur portas duces
Sa kalbong bundok maglagay ka ng isang bandilang panghudyat, umiyak kayo ng malakas sa kanila, iwagayway ang inyong kamay para pumunta sila sa mga tarangkahan ng mga maharlika.
3 ego mandavi sanctificatis meis et vocavi fortes meos in ira mea exultantes in gloria mea
Inutusan ko ang aking mga banal, oo, tinawag ko ang malalakas kong mandirigma para isagawa ang aking galit, pati ang malalakas kong mandirigma ay matutuwa.
4 vox multitudinis in montibus quasi populorum frequentium vox sonitus regum gentium congregatarum Dominus exercituum praecepit militiae belli
Ang ingay ng karamihan sa mga bundok, ay gaya ng maraming tao! Ang ingay ng kaguluhan sa mga kaharian ay gaya ng maraming bansa na nagtipon-tipon! Tinitipon ni Yahweh ng mga hukbo ang mga kawal para sa labanan.
5 venientibus de terra procul a summitate caeli Dominus et vasa furoris eius ut disperdat omnem terram
Nanggaling sila mula sa malayong bansa na hindi na natatanaw. Si Yahweh ang wawasak ng buong lupain gamit ang kaniyang mga instrumento ng paghahatol.
6 ululate quia prope est dies Domini quasi vastitas a Domino veniet
Umungol kayo, dahil papalapit na ang araw ni Yahweh; darating ito nang may pagwasak mula sa Makapangyarihan.
7 propter hoc omnes manus dissolventur et omne cor hominis tabescet
Dahil dito, manlalambot ang lahat ng kamay at matutunaw ang bawat puso; Matatakot sila; matinding kirot at kalungkutan ang lulupig sa kanila, gaya ng isang babaeng nanganganak.
8 et conteretur tortiones et dolores tenebunt quasi parturiens dolebunt unusquisque ad proximum suum stupebit facies conbustae vultus eorum
Titingin sila ng may pagkamangha sa isa't-isa; mag-aalab ang kanilang mga mukha.
9 ecce dies Domini venit crudelis et indignationis plenus et irae furorisque ad ponendam terram in solitudine et peccatores eius conterendos de ea
Tingnan ninyo, dadating ang araw ni Yahweh nang may mabagsik na poot at nag-uumapaw na galit, para gawing malagim ang lupain at para wasakin ang mga makasalanan doon.
10 quoniam stellae caeli et splendor earum non expandent lumen suum obtenebratus est sol in ortu suo et luna non splendebit in lumine suo
Hindi ibibigay ng mga bituin sa langit at mga grupo ng bituin ang kanilang liwanag. Magdidilim ang araw kahit na bukang-liwayway, at hindi magniningning ang buwan.
11 et visitabo super orbis mala et contra impios iniquitatem eorum et quiescere faciam superbiam infidelium et arrogantiam fortium humiliabo
Parurusahan ko ang daigdig dahil sa kasamaan nito at dahil sa kanilang kasalanan. Tatapusin ko ang kayabangan ng mga mapagmataas at ibababa ko ang kayabangan ng mararahas.
12 pretiosior erit vir auro et homo mundo obrizo
Gagawin kong mas madalang ang mga tao kaysa sa pinong ginto at mas mahirap hanapin kaysa sa purong ginto ng Ofir.
13 super hoc caelum turbabo et movebitur terra de loco suo propter indignationem Domini exercituum et propter diem irae furoris eius
Dahil dito, papanginigin ko ang kalangitan, at yayanigin ang lupa sa kinalalagyan nito, sa pamamagitan ng matinding poot ni Yahweh ng mga hukbo, at sa araw ng kaniyang matinding galit.
14 et erit quasi dammula fugiens et quasi ovis et non erit qui congreget unusquisque ad populum suum convertetur et singuli ad terram suam fugient
Gaya ng isang hinahabol na gasel o gaya ng isang tupang walang pastol, babalik ang bawat tao sa kanilang sariling bayan at tatakas patungo sa sarili nilang lupain.
15 omnis qui inventus fuerit occidetur et omnis qui supervenerit cadet in gladio
Ang bawat taong matatagpuan ay papatayin, at ang bawat taong mahuhuli ay mamamatay sa pamamagitan ng espada.
16 infantes eorum adlident in oculis eorum diripientur domus eorum et uxores eorum violabuntur
Dudurugin din ng pira-piraso ang kanilang mga anak sa kanilang harapan. Nanakawan ang kanilang mga bahay at huhulihin ang kanilang mga asawa at sisipingan.
17 ecce ego suscitabo super eos Medos qui argentum non quaerant nec aurum velint
Tingnan ninyo, pupukawin ko ang Medes para lusubin sila, na hindi iisipin ang tungkol sa pilak, ni hindi matutuwa sa ginto.
18 sed sagittis parvulos interficiant et lactantibus uteri non misereantur et super filios non parcat oculus eorum
Tutusok ang mga palaso nila sa mga kabataan. Hindi sila maaawa sa mga sanggol at walang ititirang mga bata.
19 et erit Babylon illa gloriosa in regnis inclita in superbia Chaldeorum sicut subvertit Deus Sodomam et Gomorram
At Babilonia, ang pinakahinahangaan sa mga kaharian, ang pinagmamalaking kaluwalhatian ng Chaldea ay itatapon ng Diyos gaya ng Sodoma at Gomorra.
20 non habitabitur usque in finem et non fundabitur usque ad generationem et generationem nec ponet ibi tentoria Arabs nec pastores requiescent ibi
Hindi na ito matitirahan o pamumuhayan mula sa saling-lahi hanggang sa isa pang saling-lahi. Hindi na itatayo ng Arabo ang kaniyang tolda doon, ni pagpapahingahin ng pastol ang kawan ng tupa doon.
21 sed requiescent ibi bestiae et replebuntur domus eorum draconibus et habitabunt ibi strutiones et pilosi saltabunt ibi
Pero ang mga mababangis na hayop ng ilang ang hihiga doon. Mapupuno ang kanilang mga bahay ng mga kwago; at mga ostrich at mga ligaw na kambing ang magluluksuhan doon.
22 et respondebunt ibi ululae in aedibus eius et sirenae in delubris voluptatis
Aatungal ang hiyena sa kanilang mga kuta, at mga asong-gubat sa magagandang palasyo. Nalalapit na ang oras niya, at hindi na magtatagal ang kaniyang mga araw.

< Isaiæ 13 >