< Esdræ 9 >

1 postquam autem haec conpleta sunt accesserunt ad me principes dicentes non est separatus populus Israhel et sacerdotes et Levitae a populis terrarum et de abominationibus eorum Chananei videlicet et Hetthei et Ferezei et Iebusei et Ammanitarum et Moabitarum et Aegyptiorum et Amorreorum
“Nang matapos na ang mga bagay na ito, nilapitan ako ng mga opisyal at sinabi, 'Hindi pa inihihiwalay ng mga tao ng Israel, mga pari at mga Levita ang kanilang mga sarili mula sa mga bayan ng iba pang lupain at sa mga karumal-dumal na gawain: sa mga Cananeo, mga Heteo, mga Perezeo, mga Jebuseo, mga Amonita, mga Moabita, mga taga-Ehipto at mga Amoreo.
2 tulerunt enim de filiabus eorum sibi et filiis suis et commiscuerunt semen sanctum cum populis terrarum manus etiam principum et magistratuum fuit in transgressione hac prima
Dinala nila ang ilan sa kanilang mga anak na babae at anak na lalaki, at pinagsama nila ang mga taong banal sa mga mamamayan ng ibang mga lupain. At ang mga opisyal at mga pinuno ang nanguna sa kawalan ng pananampalatayang ito.
3 cumque audissem sermonem istum scidi pallium meum et tunicam et evelli capillos capitis mei et barbae et sedi maerens
Nang marinig ko ito, pinunit ko ang aking damit at balabal at ginupit ko ang aking buhok at balbas. At umupo ako na hiyang-hiya.
4 convenerunt autem ad me omnes qui timebant verbum Dei Israhel pro transgressione eorum qui de captivitate venerant et ego sedebam tristis usque ad sacrificium vespertinum
Ang lahat ng mga nanginig sa salita ng Diyos ng Israel tungkol sa kawalang pananampalatayang ito ay lumapit sa akin habang ako ay nakaupong hiyang-hiya hanggang sa gabi ng pag-aalay.
5 et in sacrificio vespertino surrexi de adflictione mea et scisso pallio et tunica curvavi genua mea et expandi manus meas ad Dominum Deum meum
Ngunit sa gabi ng pag-aalay tumayo ako mula sa aking kahiya-hiyang kinalalagyan na suot ang aking mga gulagulanit na mga damit at balabal, lumuhod ako at itinaas ko ang aking mga kamay kay Yahweh na aking Diyos.
6 et dixi Deus meus confundor et erubesco levare Deus meus faciem meam ad te quoniam iniquitates nostrae multiplicatae sunt super caput et delicta nostra creverunt usque in caelum
Sinabi ko, 'Aking Diyos, hiyang-hiya ako at nasa lubos na kahihiyan upang itingala ang aking mukha sa iyo, sapagkat ang aming mga kasamaan ay lumagpas na sa aming mga ulo at umabot na ang aming kasalanan sa kalangitan.
7 a diebus patrum nostrorum sed et nos ipsi peccavimus granditer usque ad diem hanc et in iniquitatibus nostris traditi sumus ipsi et reges nostri et sacerdotes nostri in manum regum terrarum in gladium in captivitatem in rapinam et in confusionem vultus sicut et die hac
Simula noong panahon ng aming mga ninuno hanggang ngayon kami ay nasa matinding pagkakasala. Sa aming mga kasamaan, kami, ang aming mga hari, at mga pari ay ipinasakamay mo sa mga hari ng mundong ito, sa espada, sa pagkabihag, at pagpagnanakaw at sa mga mukhang hiyang-hiya, tulad namin ngayon.
8 et nunc quasi parum et ad momentum facta est deprecatio nostra apud Dominum Deum nostrum ut dimitterentur nobis reliquiae et daretur paxillus in loco sancto eius et inluminaret oculos nostros Deus noster et daret nobis vitam modicam in servitute nostra
Subalit ngayon sa maikling panahon, dumating ang habag mula kay Yahweh na aming Diyos upang mag-iwan sa amin ng ilang mga nakaligtas at bigyan kami ng bahagi sa kaniyang dakong banal. Ito ay upang paliwanagin ng aming Diyos ang aming mga mata at bigyan kami ng kaunting ginhawa sa aming pagkakaalipin.
9 quia servi sumus et in servitute nostra non dereliquit nos Deus noster et inclinavit super nos misericordiam coram rege Persarum ut daret nobis vitam et sublimaret domum Dei nostri et extrueret solitudines eius et daret nobis sepem in Iuda et in Hierusalem
Sapagkat kami ay mga alipin, ngunit hindi kami kinalimutan ng aming Diyos bagkus hinabaan niya ang kaniyang tipan ng katapatan sa amin. Ginawa niya ito sa harap ng hari ng Persia upang bigyan niya kami ng kalakasan, upang muli naming maitayo ang tahanan ng Diyos at buuin ang mga nawasak. Ginawa niya ito upang mabigyan niya kami ng isang pader ng kaligtasan sa Juda at Jerusalem.
10 et nunc quid dicemus Deus noster post haec quia dereliquimus mandata tua
Subalit ngayon, aming Diyos, ano ang masasabi namin pagkatapos nito? Kinalimutan namin ang iyong mga utos,
11 quae praecepisti in manu servorum tuorum prophetarum dicens terram ad quam vos ingredimini ut possideatis eam terra inmunda est iuxta inmunditiam populorum ceterarumque terrarum abominationibus eorum qui repleverunt eam ab ore usque ad os in coinquinatione sua
ang mga utos na ibinigay mo sa iyong mga lingkod na mga propeta, nang sabihin mo, “Ang lupaing ito na inyong papasukin upang ariin ay isang maruming lupain. Dinumihan ito ng mga tao sa mga lupain sa pamamagitan ng kanilang mga kasuklam-suklam na mga gawain. Pinuno nila ito ng kanilang karumihan hanggang sa magkabilang dulo.
12 nunc ergo filias vestras ne detis filiis eorum et filias eorum non accipiatis filiis vestris et non quaeratis pacem eorum et prosperitatem eorum usque in aeternum ut confortemini et comedatis quae bona sunt terrae et heredes habeatis filios vestros usque in saeculum
Kaya ngayon, huwag ninyong ibigay ang inyong mga anak na babae sa kanilang mga anak; at huwag ninyong kunin ang kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak, at huwag ninyong asamin ang kanilang kasalukayang kapayapaan at mabuting kalalagayan, upang manatili kayong malakas at makakain ang bunga ng lupain, upang dulutan ninyo ang inyong mga anak na magmay-ari nito sa lahat ng panahon.”
13 et post omnia quae venerunt super nos in operibus nostris pessimis et in delicto nostro magno quia tu Deus noster liberasti nos de iniquitate nostra et dedisti nobis salutem sicut est hodie
Subalit matapos ang lahat ng dumating sa amin dahil sa aming mga masasamang gawain at aming matinding kasalanan—yamang ikaw, aming Diyos, pinigilan mo ang nararapat sa aming mga kasalanan at iniwanan kaming mga nakaligtas—
14 ut non converteremur et irrita faceremus mandata tua neque matrimonia iungeremus cum populis abominationum istarum numquid iratus es nobis usque ad consummationem ne dimitteres nobis reliquias et salutem
susuwayin ba namin muli ang iyong mga kautusan at makikipag-asawa sa mga kasuklam-suklam na taong ito? Hindi ka ba magagalit at pupuksain kami upang wala ni isa ang matira, ni makatakas?
15 Domine Deus Israhel iustus tu quoniam derelicti sumus qui salvaremur sicut die hac ecce coram te sumus in delicto nostro non enim stari potest coram te super hoc
Yahweh, Diyos ng Israel, ikaw ay matuwid, sapagkat nanatili kaming ilan na makaligtas sa araw na ito. Tingnan mo! Kami ay nasa iyong harapan sa aming mga kasalanan, sapagkat walang sinuman ang makakatayo sa iyong harapan dahil dito.”

< Esdræ 9 >