< Hiezechielis Prophetæ 29 >

1 in anno decimo in decimo mense undecima mensis factum est verbum Domini ad me dicens
Sa ika-sampung taon, sa ika-siyam na buwan at ika-labing dalawang araw ng buwan, nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi,
2 fili hominis pone faciem tuam contra Pharaonem regem Aegypti et prophetabis de eo et de Aegypto universa
“Anak ng tao, ihanda mo ang iyong sarili laban sa Paraon, ang hari ng Egipto; magpahayag ka laban sa kaniya at laban sa lahat ng taga Egipto!
3 loquere et dices haec dicit Dominus Deus ecce ego ad te Pharao rex Aegypti draco magne qui cubas in medio fluminum tuorum et dicis meus est fluvius et ego feci memet ipsum
Ipahayag mo at sabihin, 'Ang Panginoong Yahweh ang nagsabi nito: Masdan! Laban ako sa iyo, Paraon, hari ng Egipto! Ikaw, ang dambuhalang nilalang sa dagat na nakahiga sa ilalim ng ilog, na nagsasabi sa akin, “Pinagawa ko ang ilog para sa sarili ko!”
4 et ponam frenum in maxillis tuis et adglutinabo pisces fluminum tuorum squamis tuis et extraham te de medio fluminum tuorum et universi pisces tui squamis tuis adherebunt
Dahil maglalagay ako ng pangawil sa iyong panga at ang mga isda ng iyong Nilo ay kakapit sa iyong mga kaliskis; iaangat kita paitaas mula sa gitna ng iyong ilog kasama ang lahat ng isda sa ilog na kumapit sa iyong kaliskis.
5 et proiciam te in desertum et omnes pisces fluminis tui super faciem terrae cades non colligeris neque congregaberis bestiis terrae et volatilibus caeli dedi te ad devorandum
Itatapon kita pababa sa ilang, ikaw at ang lahat ng isda mula sa iyong ilog. Malalaglag ka sa ibabaw ng parang, hindi ka pupulutin ni itataas. Ibibigay kita bilang pagkain ng mga nabubuhay na mga bagay sa mundong ito at mga ibon sa mga kalawakan!
6 et scient omnes habitatores Aegypti quia ego Dominus pro eo quod fuisti baculus harundineus domui Israhel
At malalaman ng lahat ng mga naninirahan sa Egipto na ako si Yahweh, dahil sila ay naging tungkod na tambo sa sambahayan ng Israel!
7 quando adprehenderunt te manu et confractus es et lacerasti omnem umerum eorum et innitentibus eis super te comminutus es et dissolvisti omnes renes eorum
Nang mahawakan ka nila sa kanilang kamay, nabali ka at nagkaputol-putol at tinusok mo ang kanilang balikat, at nang sumandal sila sa iyo, dinurug mo ang kanilang mga hita at pinanginig mo ang kanilang balakang.
8 propterea haec dicit Dominus Deus ecce ego adducam super te gladium et interficiam de te hominem et iumentum
Kaya ito ang sinasabi ni Yahweh: Masdan! Magdadala ako ng espada laban sa iyo; papatayin kong pareho mula sainyo ang tao at ang hayop.
9 et erit terra Aegypti in desertum et solitudinem et scient quia ego Dominus eo quod dixerit fluvius meus est et ego feci
Kaya magigiba at masisira ang lupain ng Egipto; at malalaman nila na ako si Yahweh, dahil sinabi ng dambuhala sa dagat, “Ang ilog ay akin, dahil ako ang gumawa nito!''
10 idcirco ecce ego ad te et ad flumina tua daboque terram Aegypti in solitudines gladio dissipatam a turre Syenes usque ad terminos Aethiopiae
Kaya, masdan! Laban ako sa iyo at laban sa iyong ilog, kaya gagawin kong ilang ang lupain ng Egipto at hindi mapakinabangan, kaya ikaw ay magiging lupain na walang pakinabang magmula sa Migdol hanggang Sevene at sa mga hangganan ng Kush.
11 non pertransibit eam pes hominis neque pes iumenti gradietur in ea et non habitabitur quadraginta annis
Walang paa ng tao ang dadaan dito! Walang paa ng mga hayop ang dadaan dito! At hindi ito matitirahan ng apatnapung taon!
12 daboque terram Aegypti desertam in medio terrarum desertarum et civitates eius in medio urbium subversarum erunt desolatae quadraginta annis et dispergam Aegyptios in nationes et ventilabo eos in terras
Dahil gagawin kong ilang sa gitna ng mga lupain ng Egipto na hindi natirahan at ang kaniyang mga lungsod sa gitna ng mga walang pakinabang na lungsod at magiging ilang ng apatnapung mga taon; pagkatapos ay ikakalat ko ang mga taga-Egipto sa mga bansa at paghihiwa-hiwalayin ko sila sa mga lupain.
13 quia haec dicit Dominus Deus post finem quadraginta annorum congregabo Aegyptum de populis in quibus dispersi fuerunt
Sapagkat ito ang sinasabi ng Panginoong Yahweh: Sa pagtatapos ng apatnapung taon, titipunin ko ang mga taga-Egipto mula sa mga tao kung saan sila ikinalat.
14 et reducam captivitatem Aegypti et conlocabo eos in terra Fatures in terra nativitatis suae et erunt ibi in regnum humile
Ibabalik ko ang mga kabuhayan sa Egipto at ibabalik ko sila sa lupain ng Patros, sa lupain kung saan sila nagmula. Pagkatapos sila ay magiging isang mababang kaharian doon.
15 inter regna cetera erit humillima et non elevabitur ultra super nationes et inminuam eos ne imperent gentibus
At ito ang magiging pinakamababa sa mga kaharian at hindi na siya kailanman makakahigit sa ibang mga bansa. At babawasan ko sila upang hindi sila muling mamumuno sa mga bansa.
16 neque erunt ultra domui Israhel in confidentia docentes iniquitatem ut fugiant et sequantur eos et scient quia ego Dominus Deus
At hindi na ang mga taga-Egipto ang idadahilan na sasandalan ng mga sambayanan ng Israel. Sa halip, ipaalaala nila sa mga sambayanan ni Israel ang kanilang nagawanng kasalanan noong sila ay nagpunta sa Egipto upang humingi ng tulong. Pagkatapos ay malalaman nila na Ako ang Panginoon Yahweh!””
17 et factum est in vicesimo et septimo anno in primo in una mensis factum est verbum Domini ad me dicens
At nangyari na noong ika-dalawampu at pitong taon sa unang araw ng unang buwan, nagsalita sa akin si Yahweh at sinabi,
18 fili hominis Nabuchodonosor rex Babylonis servire fecit exercitum suum servitute magna adversum Tyrum omne caput decalvatum et omnis umerus depilatus est et merces non est reddita ei neque exercitui eius de Tyro pro servitute qua servivit mihi adversum eam
“Anak ng tao, inihanda na ni Nebucadnezar na hari ng Babilonia ang kaniyang mga kawal upang gawin ang mabigat na gawain laban sa Tiro. Bawat ulo ay naahit at bawat balikat ay nalapnos ngunit kahit kailan wala silang bayad mula sa Tiro para sa kaniya at sa kaniyang hukbo sa mabigat na trabaho na ginawa nila laban sa Tiro.
19 propterea haec dicit Dominus Deus ecce ego dabo Nabuchodonosor regem Babylonis in terra Aegypti et accipiet multitudinem eius et depraedabitur manubias eius et diripiet spolia eius et erit merces exercitui illius
Kaya ito ang sinabi ng Panginoong Yahweh, 'Masdan! Ibibigay ko ang lupain ng Egipto kay Nebucadnezar na hari ng Babilonia at hahakutin nila ang mga kayamanan nila at lilimasin ang mga ari-arian at dadalhin lahat ang kaniyang matagpuan doon; at iyan ang maging sahod ng kaniyang mga kawal!
20 et operi pro quo servivit adversum eam dedi ei terram Aegypti pro eo quod laboraverunt mihi ait Dominus Deus
Ibinigay ko sa kaniya ang lupain ng Egipto para sa mga sahod sa ginawa nilang trabaho para sa akin - ito ang ipinahayag ng Panginoong Yahweh.
21 in die illo pullulabit cornu domui Israhel et tibi dabo apertum os in medio eorum et scient quoniam ego Dominus
Sa araw na iyon ay palilitawin ko ang isang sungay para sa sambahayan ni Israel, at pagsasalitain ko kayo sa gitna nila, upang malaman nila na ako si Yahweh!”'

< Hiezechielis Prophetæ 29 >