< Hiezechielis Prophetæ 24 >
1 et factum est verbum Domini ad me in anno nono in mense decimo decima mensis dicens
Muling dumating ang salita ni Yahweh sa akin sa ika-siyam na taon, ang ika-sampung buwan sa ika-sampung araw ng buwan, at sinabi,
2 fili hominis scribe tibi nomen diei huius in qua confirmatus est rex Babylonis adversum Hierusalem hodie
“Anak ng tao, isulat mo ang pangalan ng araw na ito para sa iyo, ang mismong araw na ito; sapagkat ang mismong araw na ito, sinalakay ng hari ng Babilonia ang Jerusalem.
3 et dices per proverbium ad domum inritatricem parabolam et loqueris ad eos haec dicit Dominus Deus pone ollam pone inquam et mitte in ea aquam
At magsalita ng kawikaan laban sa mapanghimagsik na bahay na ito, isang talinghaga, at sabihin sa kanila, 'Sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Ilagay ang lutuang palayok! Ilagay ito! Lagyan din ng tubig ang loob nito!
4 congere frusta eius in ea omnem partem bonam femur et armum electa et ossibus plena
Pagsama-samahin ang mga sangkap ng pagkain sa loob nito, bawat magagandang bahagi—ang hita at ang balikat; punuin ito nang pinakamainam na mga buto!
5 pinguissimum pecus adsume conpone quoque struices ossuum sub ea efferbuit coctio eius et discocta sunt ossa illius in medio eius
Kunin ang pinakamainam na kawan at ibunton ang mga buto sa ilalim nito; pakuluan ito ng maigi at lutuin din ang mga buto na nasa gitna nito.
6 propterea haec dicit Dominus Deus vae civitati sanguinum ollae cuius rubigo in ea est et rubigo eius non exivit de ea per partes et per partes suas eice eam non cecidit super eam sors
Samakatuwid sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Aba sa lungsod ng dugo, isang lutuang palayok na may kalawang sa loob nito at hindi matatanggal ang kalawang na iyon! Tanggalin man ito ng pira-piraso, ngunit huwag magsapalaran para rito.
7 sanguis enim eius in medio eius est super limpidissimam petram effudit illum non effudit illum super terram ut possit operiri pulvere
Sapagkat ang kaniyang dugo ay nasa kaniyang kalagitnaan! Inilagay niya ito sa makinis na bato; hindi niya ito ibinuhos sa lupa upang matakpan ito ng alikabok,
8 ut superducerem indignationem meam et vindicta ulciscerer dedi sanguinem eius super petram limpidissimam ne operiretur
kaya magdadala ito nang matinding galit upang maging ganap na paghihiganti! Inilagay ko ang kaniyang dugo sa makinis na bato upang hindi ito matakpan!
9 propterea haec dicit Dominus Deus vae civitati sanguinum cuius ego grandem faciam pyram
Samakatuwid, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Aba sa lungsod ng dugo! Lalakihan ko rin ang bunton ng kahoy!
10 congere ossa quae igne succendam consumentur carnes et concoquetur universa conpositio et ossa tabescent
Dadamihan ang kahoy! Sindihan ng apoy! Lutuin ang karne nang maigi at lagyan ng pampalasa? ang sabaw! At hayaang masunog nang mabuti ang mga buto!
11 pone quoque eam super prunas vacuam ut incalescat et liquefiat aes eius et confletur in medio eius inquinamentum eius et consumatur rubigo eius
Pagkatapos, ilagay ang palayok na walang laman sa uling, upang painitin at sunugin ang tanso nito, upang malusaw ang karumihan nito, masisira nito ang kalawang!'
12 multo labore sudatum est et non exibit de ea nimia rubigo eius neque per ignem
Siya ay mapapagod dahil sa mabigat na trabaho, ngunit ang kaniyang kalawang ay hindi matanggal sa kaniya sa pamamagitan ng apoy.
13 inmunditia tua execrabilis quia mundare te volui et non es mundata a sordibus tuis sed nec mundaberis prius donec quiescere faciam indignationem meam in te
Ang iyong nakakahiyang pag-uugali ay nasa iyong karumihan, dahil nilinis kita, ngunit nanatili ka paring marumi. Hindi ka parin magiging malaya mula sa iyong karumihan hanggang humupa ang matinding galit ko sa iyo.
14 ego Dominus locutus sum venit et faciam non transeam nec parcam nec placabor iuxta vias tuas et iuxta adinventiones tuas iudicavi te dicit Dominus
Ako, si Yahweh, ipinahayag na mangyayari ito, at gagawin ko ito! Hindi ako magbabalik-loob ni manghihinayang dito. Gaya ng inyong mga pamamaraan, at ayon sa iyong mga gawain, hahatulan ka nila! —ito ang pahayag ng Panginoong Yahweh.”
15 et factum est verbum Domini ad me dicens
Pagkatapos, ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
16 fili hominis ecce ego tollo a te desiderabile oculorum tuorum in plaga et non planges neque plorabis neque fluent lacrimae tuae
“Anak ng tao, masdan! Aalisin ko ang nais ng iyong mga mata sa pamamagitan ng isang salot, ngunit hindi ka dapat tumangis ni umiyak at hindi dapat umagos ang iyong mga luha.
17 ingemesce tacens mortuorum luctum non facies corona tua circumligata sit tibi et calciamenta tua erunt in pedibus tuis nec amictu ora velabis nec cibos lugentium comedes
Dapat kang maghinagpis nang tahimik. Huwag magsagawa ng pagluluksa para sa patay. Itali ang iyong turbante at isuot mo ang sandalyas sa iyong paa, ngunit huwag mong takpan ng belo ang iyong balbas o kainin ang tinapay ng mga kalalakihang nagdadalamhati sapagkat namatay ang kanilang mga asawa.”
18 locutus sum ergo ad populum mane et mortua est uxor mea vesperi fecique mane sicut praeceperat mihi
Kaya nakipag-usap ako sa mga tao sa umaga, at kinagabihan namatay ang aking asawa. At ginawa ko kinabukasan ang iniutos sa akin.
19 et dixit ad me populus quare non indicas nobis quid ista significent quae tu facis
Tinanong ako ng mga tao, “Hindi mo ba sasabihin sa amin kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito, ang mga bagay na iyong ginagawa?”
20 et dixi ad eos sermo Domini factus est ad me dicens
Kaya sinabi ko sa kanila “Ang salita ni Yahweh ay dumating sa akin at sinabi,
21 loquere domui Israhel haec dicit Dominus Deus ecce ego polluam sanctuarium meum superbiam imperii vestri et desiderabile oculorum vestrorum et super quo pavet anima vestra et filii vestri et filiae quas reliquistis gladio cadent
'Sabihin mo sa sambahayan ng Israel, sinasabi ito ng Panginoong Yahweh: Masdan! Ang kapalaluan ng inyong lakas, ang nais ng inyong mga mata, at ang inyong mga pagnanasa ang dumudungis sa aking santuwaryo! Kaya ang inyong mga anak na lalaki at mga anak na babae na inyong iniwan ay babagsak sa pamamagitan ng espada.
22 et facietis sicut feci ora amictu non velabitis et cibos lugentium non comedetis
At gagawin ninyo ang mismong ginawa ko: hindi ninyo tatakpan ng belo ang inyong balbas, ni kumain ng mga tinapay ng mga kalalakihang nagluluksa!
23 coronas habebitis in capitibus vestris et calciamenta in pedibus non plangetis neque flebitis sed tabescetis in iniquitatibus vestris et unusquisque gemet ad fratrem suum
Sa halip, ang inyong mga turbante ay ilalagay sa inyong mga ulo at ang inyong mga sandalyas sa inyong mga paa; hindi kayo tatangis ni iiyak, sapagkat matutunaw kayo sa inyong mga kasamaan at ang bawat kalalakihan ay maghihinagpis para sa kaniyang kapatid na lalaki.
24 eritque Hiezecihel vobis in portentum iuxta omnia quae fecit facietis cum venerit istud et scietis quia ego Dominus Deus
Kaya si Ezekiel ay magiging tanda para sa inyo, ang lahat ng mga bagay na kaniyang ginawa ay inyong gagawin kapag ito ay dumating. At malalaman ninyo na ako ang Panginoong Yahweh!”'
25 et tu fili hominis ecce in die quo tollam ab eis fortitudinem eorum et gaudium dignitatis et desiderium oculorum eorum super quo requiescunt animae eorum filios et filias eorum
“Ngunit ikaw, anak ng tao, sa araw na mabibihag ko ang kanilang templo, na kanilang kagalakan, ang kanilang kapalaluan at kung ano ang kanilang nakikita at hinahangad—at kapag kinuha ko ang kanilang mga anak na lalaki at mga babae—
26 in die illa cum venerit fugiens ad te ut adnuntiet tibi
sa araw na iyon, isang nakatakas ang pupunta sa inyo upang ipaalam sa inyo ang balita!
27 in die inquam illa aperietur os tuum cum eo qui fugit et loqueris et non silebis ultra erisque eis in portentum et scietis quia ego Dominus
Sa araw na iyon, bubuka ang iyong bibig sa nakatakas na iyon at ikaw ay magsasalita—hindi ka na mananahimik kailanman. Ikaw ay magiging tanda sa kanila upang malaman nila na ako si Yahweh!”