< Exodus 5 >

1 post haec ingressi sunt Moses et Aaron et dixerunt Pharaoni haec dicit Dominus Deus Israhel dimitte populum meum ut sacrificet mihi in deserto
Nang matapos ang mga bagay na ito, pumunta sina Moises at Aaron kay Paraon at sinabi, “Ito ang sinabi ni Yahweh, ang Diyos ng Israel, sinabing: 'Pabayaan mong umalis ang aking bayan, para magkaroon sila ng pagdiriwang para sa akin doon sa ilang.”
2 at ille respondit quis est Dominus ut audiam vocem eius et dimittam Israhel nescio Dominum et Israhel non dimittam
Sinabi ni Paraon, “Sino si Yahweh? Bakit ako makikinig sa kaniyang tinig at hahayaang umalis ang Israel? Hindi ko kilala si Yahweh; bukod dito, hindi ko papayagang umalis ang Israel.”
3 dixerunt Deus Hebraeorum vocavit nos ut eamus viam trium dierum in solitudinem et sacrificemus Domino Deo nostro ne forte accidat nobis pestis aut gladius
Sinabi nila. “Ang Diyos ng mga Hebreo ay nakipagkita sa amin. Payagan mo kaming umalis at maglakbay ng tatlong araw doon sa ilang at mag-alay kay Yahweh na aming Diyos para hindi niya kami salakayin ng salot o may espada.”
4 ait ad eos rex Aegypti quare Moses et Aaron sollicitatis populum ab operibus suis ite ad onera vestra
Pero sinabi ng hari ng Ehipto sa kanila, “Moises at Aaron, bakit ninyo pinapaalis ang mga tao sa kanilang gawain? Bumalik kayo sa inyong gawain.”
5 dixitque Pharao multus est populus terrae videtis quod turba succreverit quanto magis si dederitis eis requiem ab operibus
Sinabi rin niya, “Marami ng mga taong Hebreo ngayon sa aming lupain, at papatigilin mo sila sa kanilang gawain.”
6 praecepit ergo in die illo praefectis operum et exactoribus populi dicens
Sa araw ding iyon, nagbigay ng utos si Paraon sa mga katiwala at mga mahihigpit na tagapangasiwa. Sinabi niya,
7 nequaquam ultra dabitis paleas populo ad conficiendos lateres sicut prius sed ipsi vadant et colligant stipulam
“Hindi tulad noon, hindi na ninyo kailanman bibigyan ang mga tao ng dayami para gawing mga laryo. Pabayaan ninyong magtipon ng para sa kanilang sarili.
8 et mensuram laterum quos prius faciebant inponetis super eos nec minuetis quicquam vacant enim et idcirco vociferantur dicentes eamus et sacrificemus Deo nostro
Gayun pa man, dapat pa rin ninyong hihingiin sa kanila ang parehong bilang ng mga laryo na ginawa nila noon. Huwag ninyong tanggapin ang anumang kakaunti, dahil sila ay tamad. Kaya nga sila ay tumatawag at sinasabing, 'Payagan ninyo kaming umalis at mag-alay sa aming Diyos.'
9 opprimantur operibus et expleant ea ut non adquiescant verbis mendacibus
Dagdagan pa ang mga gawain ng mga kalalakihan para magpatuloy sila rito at hindi na papansinin ang mapanlinlang na mga salita.”
10 igitur egressi praefecti operum et exactores ad populum dixerunt sic dicit Pharao non do vobis paleas
Kaya ang mga mahihigpit na tagapangasiwa at katiwala ay lumabas at pinaalam sa mga tao. Sinabi nila, ''Ito ang sinasabi ni Paraon: 'Hindi na ako kailanman magbibigay ng kahit anong dayami sa inyo.
11 ite et colligite sicubi invenire potueritis nec minuetur quicquam de opere vestro
Kayo na sa inyong sarili ang umalis at kumuha ng dayami kahit saan ninyo ito mahahanap, pero ang inyong gawain ay hindi mababawasan.”'
12 dispersusque est populus per omnem terram Aegypti ad colligendas paleas
Kaya ang bayan ay nagsikalat sa buong lupain ng Ehipto para maka-ipon ng mga pinagputulan para sa dayami.
13 praefecti quoque operum instabant dicentes conplete opus vestrum cotidie ut prius facere solebatis quando dabantur vobis paleae
Palagi silang hinihimok ng mahihigpit na tagapangasiwa at sinasabing, “Tapusin ninyo ang inyong trabaho, sa panahon na maibigay ang dayami sa inyo.”'
14 flagellatique sunt qui praeerant operibus filiorum Israhel ab exactoribus Pharaonis dicentibus quare non impletis mensuram laterum sicut prius nec heri nec hodie
Binubugbog ng mga mahihigpit na tagapangasiwa ni Paraon ang mga katiwala na Israelita, iyon ding taong nilalagay nila bilang pinuno sa mga manggagawa. Palaging tinatanong ng mga mahihigpit na tagapangasiwa sa kanila, “Bakit hindi ninyo naibibigay ang lahat ng hinihinging laryo sa inyo, maski kahapon at ngayon, na dati ninyong ginagawa?”
15 veneruntque praepositi filiorum Israhel et vociferati sunt ad Pharaonem dicentes cur ita agis contra servos tuos
Kaya pumunta ang mga Israelitang katiwala kay Paraon at tumawag sa kaniya. Sinabi nila, “Bakit sa ganitong paraan ang pakikitungo mo sa iyong mga lingkod?
16 paleae non dantur nobis et lateres similiter imperantur en famuli tui flagellis caedimur et iniuste agitur contra populum tuum
Wala nang dayaming binibigay sa iyong mga lingkod, pero sinasabi pa rin nila sa amin, 'Gumawa kayo ng mga laryo!' Kami, ang iyong mga lingkod, ay binubugbog maski ngayon, pero kagagawan ito ng sarili mong bayan.”
17 qui ait vacatis otio et idcirco dicitis eamus et sacrificemus Domino
Pero sinabi ni Paraon, “Kayo ay mga tamad! Kayo ay mga tamad! Sabi niyo, 'Payagan mo kaming umalis para makapag-alay kay Yahweh.'
18 ite ergo et operamini paleae non dabuntur vobis et reddetis consuetum numerum laterum
Kaya ngayon bumalik na kayo sa trabaho. Wala nang dayami ang ibibigay sa inyo, pero gagawa pa rin kayo ng parehong bilang ng mga laryo.”
19 videbantque se praepositi filiorum Israhel in malo eo quod diceretur eis non minuetur quicquam de lateribus per singulos dies
Nakita ng mga Israelitang katiwala na sila ay nasa panganib nang sinabihan silang, “Hindi ninyo babawasan ang araw-araw na bilang ng mga laryo.”
20 occurreruntque Mosi et Aaron qui stabant ex adverso egredientes a Pharaone
Nakipagkita sila kina Moises at Aaron na nakatayo sa labas ng palasyo, papalayo kay Paraon.
21 et dixerunt ad eos videat Dominus et iudicet quoniam fetere fecistis odorem nostrum coram Pharao et servis eius et praebuistis ei gladium ut occideret nos
Sinabi nila kina Moises at Aaron, “Nawa tingnan kayo ni Yahweh at paparusahan kayo, dahil ginawa ninyo kaming maging hindi kanais-nais sa paningin ni Paraon at sa kaniyang mga lingkod. Inilagay ninyo ang espada sa kanilang kamay para patayin kami.”
22 reversusque Moses ad Dominum ait Domine cur adflixisti populum istum quare misisti me
Bumalik si Moises kay Yahweh at sinabi, “Panginoon, bakit mo idinulot ang panganib sa mga taong ito? Bakit mo pala ako ipinadala?
23 ex eo enim quo ingressus sum ad Pharaonem ut loquerer nomine tuo adflixit populum tuum et non liberasti eos
Sa simula pa lang na pumunta ako kay Paraon para magsalita sa kaniya sa iyong pangalan, idinulot niya ang panganib para sa mga taong ito, at hindi mo pinalaya ang iyong bayan.”

< Exodus 5 >