< Exodus 34 >

1 ac deinceps praecide ait tibi duas tabulas lapideas instar priorum et scribam super eas verba quae habuerunt tabulae quas fregisti
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Pumutol ka ng dalawang tipak ng bato katulad ng mga naunang tipak. Isusulat ko sa mga tipak na ito ang mga salita na nasa mga naunang tipak, ang tipak na iyong binasag.
2 esto paratus mane ut ascendas statim in montem Sinai stabisque mecum super verticem montis
Maghanda ka sa umaga at umakyat ka sa Bundok ng Sinai, at ipakita mo roon ang iyong sarili sa akin sa tuktok ng bundok.
3 nullus ascendat tecum nec videatur quispiam per totum montem boves quoque et oves non pascantur e contra
Walang sinumang aakyat kasama mo. Huwag mong hayaang kahit sino na makita kahit saan sa bundok. Walang mga kawan o pangkat ng mga hayop ang dapat manginain sa harap ng bundok”.
4 excidit ergo duas tabulas lapideas quales ante fuerant et de nocte consurgens ascendit in montem Sinai sicut ei praeceperat Dominus portans secum tabulas
Kaya pumutol si Moises ng dalawang tipak ng bato katulad sa mga nauna, at maaga siyang bumangon sa umaga at umakyat sa Bundok Sinai, ayon sa tagubilin ni Yahweh sa kaniya. Kinarga ni Moises ang mga tipak ng bato na nasa kaniyang kamay.
5 cumque descendisset Dominus per nubem stetit Moses cum eo invocans nomen Domini
Bumaba si Yahweh sa ulap at tumayo doon kasama si Moises, at binigkas niya ang pangalang “Yahweh.”
6 quo transeunte coram eo ait Dominator Domine Deus misericors et clemens patiens et multae miserationis ac verus
Dumaan si Yahweh sa kaniya at inihayag, “Yahweh, Yahweh, ang Diyos ay maawain at mapagbigay-loob, hindi madaling magalit, at nag-uumapaw sa katapatan ng tipan at mapagkakatiwalaan,
7 qui custodis misericordiam in milia qui aufers iniquitatem et scelera atque peccata nullusque apud te per se innocens est qui reddis iniquitatem patrum in filiis ac nepotibus in tertiam et quartam progeniem
pinananatili ang katapatan ng tipan para sa libu-libong mga salinlahi, nagpapatawad sa mga kasamaan, mga pagsuway at mga pagkakasala. Pero gagawin niyang walang kasalanan ang nagkasala. Magdadala siya ng parusa sa kasalanan ng ama sa kanilang mga anak at anak ng kanilang mga anak, hanggang sa pangatlo at pang-apat na salinlahi.”
8 festinusque Moses curvatus est pronus in terram et adorans
Iniyuko agad ni Moses ang kaniyang ulo sa lupa at sumamba.
9 ait si inveni gratiam in conspectu tuo Domine obsecro ut gradiaris nobiscum populus enim durae cervicis est et auferas iniquitates nostras atque peccata nosque possideas
“Pagkatapos sinabi niya, “Kung ako ngayon ay nakatagpo ng pabor sa inyong paningin, Panginoon ko, pakiusap sumama kayo sa amin, dahil ang mga taong ito ay matigas ang ulo. Ipagpaumanhin ang aming kalapastanganan at ang aming kasalanan, at dalhin mo kami bilang iyong pamana.
10 respondit Dominus ego inibo pactum videntibus cunctis signa faciam quae numquam sunt visa super terram nec in ullis gentibus ut cernat populus in cuius es medio opus Domini terribile quod facturus sum
Sabi ni Yahweh, “Tingnan mo, gagawa ako ng tipan. Sa harap ng lahat ng iyong bayan, gagawa ako ng kamangha-mangha na hindi pa nagagawa sa buong sanlibutan o kahit sa anumang bansa. Ang lahat ng tao na kasama mo ay makakakita ng aking mga gawa, dahil ito ay nakakatakot na bagay na ginagawa ko kasama kayo.
11 observa cuncta quae hodie mando tibi ego ipse eiciam ante faciem tuam Amorreum et Chananeum et Hettheum Ferezeum quoque et Eveum et Iebuseum
Sundin ninyo kung ano ang iuutos ko sa inyo ngayon. Palalayasin ko sa harap ninyo ang mga Amoreo, Cananeo, Heteo, Perezeo, Hivita, at mga Jebuseo.
12 cave ne umquam cum habitatoribus terrae illius iungas amicitias quae tibi sint in ruinam
Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain kung saan kayo ay pupunta, o magiging patibong sila sa inyo.
13 sed aras eorum destrue confringe statuas lucosque succide
Sa halip, dapat ninyong sirain ang kanilang mga altar, wasakin ang kanilang mga banal na haliging bato at putulin ang mga poste ni Asera.
14 noli adorare deum alienum Dominus Zelotes nomen eius Deus est aemulator
Hindi kayo dapat sumamba ng ibang diyos, dahil ako lang, si Yahweh, ang may pangalang 'Mapanibugho,' ako ang mapanibughong Diyos.
15 ne ineas pactum cum hominibus illarum regionum ne cum fornicati fuerint cum diis suis et adoraverint simulacra eorum vocet te quispiam ut comedas de immolatis
Mag-ingat kayo na hindi makagawa ng tipan sa mga naninirahan sa lupain, nang ginawa nilang bayaran ang kanilang mga sarili sa kanilang mga diyos at maghandog sa kanilang diyos, at sinuman ang magyaya sa inyo at kakainin niyo ang ilan sa knailang handog.
16 nec uxorem de filiabus eorum accipies filiis tuis ne postquam ipsae fuerint fornicatae fornicari faciant et filios tuos in deos suos
Kahit kunin ninyo ang ilan sa kanilang mga anak na babae para sa inyong mga anak na lalaki, at ang kaniyang mga anak na babae ay gawing bayaran ang kanilang sarili sa kanilang mga diyos, at ang inyong mga anak na lalaki ay gagawin nilang bayaran ang kanilang sarili para sa kanilang diyos.
17 deos conflatiles non facies tibi
Huwag kayong gumawa ng mga diyus-diyosan para sa inyong sarili na gawa sa tinunaw na metal.
18 sollemnitatem azymorum custodies septem diebus vesceris azymis sicut praecepi tibi in tempore mensis novorum mense enim verni temporis egressus es de Aegypto
Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Walang Lebadurang Tinapay. Tulad ng aking iniutos sa inyo, kailangan ninyong kainin ang tinapay na walang lebadura sa loob ng pitong araw at sa takdang panahon sa buwan ng Abib, dahil sa buwan ng Abib kayo ay lumabas mula Ehipto.
19 omne quod aperit vulvam generis masculini meum erit de cunctis animantibus tam de bubus quam de ovibus meum erit
Ang lahat ng panganay ay akin, bawat panganay ng inyong mga toro, maging ang mga baka at tupa.
20 primogenitum asini redimes ove sin autem nec pretium pro eo dederis occidetur primogenitum filiorum tuorum redimes nec apparebis in conspectu meo vacuus
Dapat ninyong bilhin muli ang panganay na asno kasama ang kordero, pero kung hindi ninyo ito bibilhin ulit, kailangan baliin ninyo ang leeg nito. Dapat ninyong bilhin muli ang lahat ng panganay ninyong anak na lalaki. Walang haharap sa akin kahit isa na walang dala.
21 sex diebus operaberis die septimo cessabis arare et metere
Maaari kayong magtrabaho sa loob ng anim na araw, pero sa ikapitong araw kailangan ninyong magpahinga. Kahit na sa panahon ng pagbubungkal ng lupa at pag-aani, kailangan ninyong magpahinga.
22 sollemnitatem ebdomadarum facies tibi in primitiis frugum messis tuae triticeae et sollemnitatem quando redeunte anni tempore cuncta conduntur
Dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng mga linggo kasama ang unang pag-aani ng trigo, at dapat ninyong ipagdiwang ang Pista ng Pagtitipon sa huling araw ng taon.
23 tribus temporibus anni apparebit omne masculinum tuum in conspectu omnipotentis Domini Dei Israhel
Dapat haharap sa akin ang lahat ng inyong lalaki, si Yahweh na Diyos ng Israel, tatlong beses sa bawat taon.
24 cum enim tulero gentes a facie tua et dilatavero terminos tuos nullus insidiabitur terrae tuae ascendente te et apparente in conspectu Domini Dei tui ter in anno
Dahil palalayasin ko ang mga bansa sa harap ninyo at palalawakin ang inyong hangganan. Walang sinumang maghahangad na sakupin ang inyong lupain at kukuha nito kapag kayo ay haharap sa akin, Yahweh, ang inyong Diyos, tatlong beses sa bawat taon.
25 non immolabis super fermento sanguinem hostiae meae neque residebit mane de victima sollemnitatis phase
Hindi ninyo dapat ialay ang dugo ng aking handog nang may anumang lebadura, ni anumang karne mula sa handog sa Pista ng Paskua ang matira sa umaga.
26 primitias frugum terrae tuae offeres in domum Domini Dei tui non coques hedum in lacte matris suae
Dapat ninyong dalhin sa aking bahay ang pinakamagandang unang aning prutas mula sa inyong mga bukid. Hindi ninyo dapat ilaga ang batang kambing sa gatas ng ina nito.”
27 dixitque Dominus ad Mosen scribe tibi verba haec quibus et tecum et cum Israhel pepigi foedus
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Isulat mo itong mga salita dahil ipinapangako ko ang aking sarili ng mga salitang ito na aking sinabi, at gumawa ng tipan sa inyo at sa Israel.”
28 fecit ergo ibi cum Domino quadraginta dies et quadraginta noctes panem non comedit et aquam non bibit et scripsit in tabulis verba foederis decem
Naroon si Moises kasama si Yahweh ng apatnapung araw at gabi; hindi siya kumain ng kahit anong pagkain o uminom ng tubig. Isinulat niya sa mga tipak ang mga salita ng tipan, ang Sampung Utos.
29 cumque descenderet Moses de monte Sinai tenebat duas tabulas testimonii et ignorabat quod cornuta esset facies sua ex consortio sermonis Dei
Nang makababa si Moises galing sa Bundok ng Sinai dala ang dalawang tipak ng mga utos ng tipan sa kaniyang kamay, hindi niya alam na ang balat ng kaniyang mukha ay lumiwanag habang nakikipag-usap siya sa Diyos.
30 videntes autem Aaron et filii Israhel cornutam Mosi faciem timuerunt prope accedere
Nang makita ni Aaron at ng mga Israelita si Moises, ang balat ng kaniyang mukha ay lumiliwanag, at natakot silang lumapit sa kaniya.
31 vocatique ab eo reversi sunt tam Aaron quam principes synagogae et postquam locutus est
Pero tinawag sila ni Moises, at si Aaron at ang lahat ng pinuno sa komunidad ay lumapit sa kaniya. Pagkatapos nakipag-usap si Moises sa kanila.
32 venerunt ad eum etiam omnes filii Israhel quibus praecepit cuncta quae audierat a Domino in monte Sinai
Pagkatapos nito, ang lahat ng mga tao sa Israel ay lumapit kay Moises, at sinabi niya sa kanila ang lahat ng utos na ibinigay ni Yahweh sa kaniya sa Bundok ng Sinai.
33 impletisque sermonibus posuit velamen super faciem suam
Nang natapos makipag-usap ni Moises sa kanila, naglagay siya ng takip sa kaniyang mukha.
34 quod ingressus ad Dominum et loquens cum eo auferebat donec exiret et tunc loquebatur ad filios Israhel omnia quae sibi fuerant imperata
Sa tuwing pupunta si Moises kay Yahweh para kausapin siya, inaalis niya ang takip. Pagkatapos ibabalik niya ang takip sa tuwing siya ay aalis. Lalabas siya sa kaniyang tolda at sasabihin sa mga Israelita kung ano ang mga naging tagubilin sa kaniya.
35 qui videbant faciem egredientis Mosi esse cornutam sed operiebat rursus ille faciem suam si quando loquebatur ad eos
Nakita ng mga Israelita ang mukha ni Moises na nagliliwanag. Pagkatapos ilalagay niya muli ang takip sa kaniyang mukha hanggang sa bumalik siya sa loob para makipag-usap kay Yahweh.

< Exodus 34 >