< Exodus 11 >

1 et dixit Dominus ad Mosen adhuc una plaga tangam Pharaonem et Aegyptum et post haec dimittet vos et exire conpellet
Pagkatapos sinabi ni Yahweh kay Moises, “Mayroon pa rin akong isang salot na dadalhin kay Paraon at sa Ehipto. Pagkatapos niyan, papayagan na niya kayong makaalis mula rito. Kapag ganap na pinayagan na niya kayong makaalis, itataboy niya kayo ng tuluyan.
2 dices ergo omni plebi ut postulet vir ab amico suo et mulier a vicina sua vasa argentea et aurea
Turuan mo ang mga tao na ang bawat mga lalaki at babae ay humingi sa kanilang kapitbahay ng mga hiyas na pilak at mga hiyas na ginto.”
3 dabit autem Dominus gratiam populo coram Aegyptiis fuitque Moses vir magnus valde in terra Aegypti coram servis Pharao et omni populo
Ngayon ginawang masabik ni Yahweh ang mga taga-Ehipto para malugod ang mga Israelita. Bukod dito, ang tauhan ni Moises ay talagang kahanga-hanga sa paningin ng mga alipin ni Paraon at mga tao sa Ehipto.
4 et ait haec dicit Dominus media nocte egrediar in Aegyptum
Sinabi ni Moises. “Ito ang mga sinabi ni Yahweh: 'Pupunta ako sa buong Ehipto ng hating gabi.
5 et morietur omne primogenitum in terra Aegyptiorum a primogenito Pharaonis qui sedet in solio eius usque ad primogenitum ancillae quae est ad molam et omnia primogenita iumentorum
Mamamatay ang lahat ng panganay sa lupain ng Ehipto, mula sa panganay ni Paraon, na nakaupo sa kaniyang trono, hanggang sa panganay ng aliping babae na siyang nasa likod ng gilingan ng trigo nito, at sa lahat ng panganay ng mga baka.
6 eritque clamor magnus in universa terra Aegypti qualis nec ante fuit nec postea futurus est
Pagkatapos magkakaroon ng isang matinding iyakan sa buong lupain ng Ehipto, tulad ng hindi pa kailanman nangyari at hindi na kailanman mangyayaring muli.
7 apud omnes autem filios Israhel non muttiet canis ab homine usque ad pecus ut sciatis quanto miraculo dividat Dominus Aegyptios et Israhel
Pero kahit hindi tumahol ang isang aso laban sa alinmang taga-Israel, sinuman laban sa tao o hayop. Sa ganitong paraan malalaman ninyo ang pagkakaiba ng pagtrato ko sa mga taga-Ehipto at sa mga Israelita.'
8 descendentque omnes servi tui isti ad me et adorabunt me dicentes egredere tu et omnis populus qui subiectus est tibi post haec egrediemur
Lahat ng mga alipin mong ito, Paraon ay magpapakumbaba at luluhod sa akin. Sasabihin nila, 'Umalis na kayo at sa lahat ng mga taong sumusunod sa iyo!' Pagkatapos lalabas ako.” Pagkatapos umalis siya mula kay Paraon na may matinding galit.
9 et exivit a Pharaone iratus nimis dixit autem Dominus ad Mosen non audiet vos Pharao ut multa signa fiant in terra Aegypti
Sinabi ni Yahweh kay Moises, “Hindi makikinig si Paraon sa iyo. Ito ay mangyari para makagawa ako ng maraming kamangha-manghang mga bagay sa lupain ng Ehipto.”
10 Moses autem et Aaron fecerunt omnia ostenta quae scripta sunt coram Pharaone et induravit Dominus cor Pharaonis nec dimisit filios Israhel de terra sua
Ginawa lahat nina Moises at Aaron ang mga kababalaghan sa harapan ni Paraon. Pero pinatigas ni Yahweh ang puso ni Paraon, at hindi pinayagan ni Paraon na makaalis ang mga Israelita sa kaniyang lupain.

< Exodus 11 >