< Ecclesiastes 4 >
1 verti me ad alia et vidi calumnias quae sub sole geruntur et lacrimas innocentum et consolatorem neminem nec posse resistere eorum violentiae cunctorum auxilio destitutos
Minsan inisip ko ang tungkol sa lahat nang pag-uusig na ginagawa sa ilalim ng araw. Pagmasdan ang mga luha ng mga taong inusig. Wala silang taga-aliw. Ang kapangyarihan ay nasa kamay ng kanilang mang-uusig, ngunit walang taga-aliw ang mga taong inuusig.
2 et laudavi magis mortuos quam viventes
Kaya binabati ko ang mga patay na tao, silang mga namatay na, hindi ang nabubuhay, sila na nanatiling buhay pa.
3 et feliciorem utroque iudicavi qui necdum natus est nec vidit mala quae sub sole fiunt
Subalit, mas mapalad kaysa sa kanilang dalawa ang isang hindi pa nabubuhay, ang isang hindi nakakita ng anumang masamang gawain na ginawa sa ilalim ng araw.
4 rursum contemplatus omnes labores hominum et industrias animadverti patere invidiae proximi et in hoc ergo vanitas et cura superflua est
Pagkatapos aking nakita na ang bawat paggawa at bawat mahusay na paggawa ay kinaiingitan ng kanilang kapwa. Ito rin ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.
5 stultus conplicat manus suas et comedit carnes suas dicens
Ang mangmang ay naghahalupkipkip ang kaniyang mga kamay at hindi gumagawa, kaya ang kaniyang pagkain ay kaniyang sariling laman.
6 melior est pugillus cum requie quam plena utraque manus cum labore et adflictione animi
Ngunit mas mabuti ang isang dakot na pakinabang sa matahimik na gawain kaysa dalawang dakot ng gawain na sinusubukang habulin ang hangin.
7 considerans repperi et aliam vanitatem sub sole
Pagkatapos muli kong naisip ang tungkol sa marami pang walang kabuluhan, marami pang naglalahong usok sa ilalim ng araw.
8 unus est et secundum non habet non filium non fratrem et tamen laborare non cessat nec satiantur oculi eius divitiis nec recogitat dicens cui laboro et fraudo animam meam bonis in hoc quoque vanitas est et adflictio pessima
Mayroong isang uri ng tao na nag-iisa. Wala siyang kahit na sino, walang anak o kapatid. Walang katapusan ang lahat ng kaniyang gawain, at ang kaniyang mga mata ay hindi nasisiyahan sa pagdami ng kayamanan. Nagtataka siya, “Para kanino ang aking pagbubungkal at inaalis sa sarili ko ang kasiyahan? Ito rin ay usok, isang masamang kalagayan.
9 melius ergo est duos simul esse quam unum habent enim emolumentum societatis suae
Ang gawain ng dalawang tao ay mas mabuti kaysa sa isa; sabay silang makikinabang sa isang mainam na kabayaran sa kanilang gawain.
10 si unus ceciderit ab altero fulcietur vae soli quia cum ruerit non habet sublevantem
Kapag nabuwal ang isa, maaaring ibangon ng isa ang kaniyang kaibigan. Subalit, kalungkutan ang sumusunod sa nag-iisa kapag nabuwal siya kung walang magbabangon sa kaniya.
11 et si dormierint duo fovebuntur mutuo unus quomodo calefiet
At kung ang dalawa ay magkasamang mahihiga, maaari silang mainitan, ngunit paanong maaaring mainitan ang nag-iisa.
12 et si quispiam praevaluerit contra unum duo resistent ei funiculus triplex difficile rumpitur
Ang isang taong nag-iisa ay maaaring madaig, ngunit maaring mapagtagumpayan ng dalawa ang isang pagsalakay, at ang isang tatlong ikit na lubid ay hindi agad malalagot.
13 melior est puer pauper et sapiens rege sene et stulto qui nescit providere in posterum
Mainam pa ang maging isang mahirap pero matalinong kabataan kaysa sa isang matanda at hangal na haring hindi na marunong makinig sa mga babala.
14 quod et de carcere catenisque interdum quis egrediatur ad regnum et alius natus in regno inopia consumatur
Ito ay totoo kahit maging hari ang kabataang mula sa bilangguan, o kahit ipinanganak siyang mahirap sa kaniyang kaharian.
15 vidi cunctos viventes qui ambulant sub sole cum adulescente secundo qui consurgit pro eo
Subalit, nakita ko ang lahat nang nabubuhay at naglilibot sa ilalim ng araw ipinapasailalim ang kanilang mga sarili sa isa pang kabataang tumayo bilang hari.
16 infinitus numerus est populi omnium qui fuerunt ante eum et qui postea futuri sunt non laetabuntur in eo sed et hoc vanitas et adflictio spiritus
Walang katapusan ang lahat ng taong nais sundin ang bagong hari, pero kalaunan marami sa kanila ay hindi na pupuri sa kaniya. Sigurado ang kalagayang ito ay parang singaw at isang pagtangkang habulin ang hangin.