< Colossenes 2 >

1 volo enim vos scire qualem sollicitudinem habeam pro vobis et pro his qui sunt Laodiciae et quicumque non viderunt faciem meam in carne
Sapagkat gusto kong malaman ninyo kung gaano kalaki ang paghihirap ko para sa inyo, para sa mga nasa Laodicea, at para sa marami pang hindi pa nakikita ang aking mukha ng harapan.
2 ut consolentur corda ipsorum instructi in caritate et in omnes divitias plenitudinis intellectus in agnitionem mysterii Dei Patris Christi Iesu
Gumagawa ako upang mapalakas ko ang kanilang kalooban sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa pagmamahal at sa lahat ng kayamanan ng buong katiyakan ng pang-unawa, sa kaalaman tungkol sa lihim na katotohanan ng Diyos, na si Cristo.
3 in quo sunt omnes thesauri sapientiae et scientiae absconditi
Sa kaniya ay nakatago ang lahat ng kayamanan ng karunungan at kaalaman.
4 hoc autem dico ut nemo vos decipiat in subtilitate sermonum
Sinasabi ko ito nang sa gayon ay walang manloko sa inyo sa pamamagitan ng mapanghikayat na pananalita.
5 nam et si corpore absens sum sed spiritu vobiscum sum gaudens et videns ordinem vestrum et firmamentum eius quae in Christo est fidei vestrae
At bagaman hindi niyo ako pisikal na kasama, kasama ninyo naman ako sa espiritu. Nagagalak akong makita ang inyong mahusay na kaayusan at ang kalakasan ng inyong pananampalataya kay Cristo.
6 sicut ergo accepistis Christum Iesum Dominum in ipso ambulate
Yamang tinanggap ninyo si Cristo ang Panginoon, lumakad kayong kasama niya.
7 radicati et superaedificati in ipso et confirmati fide sicut et didicistis abundantes in gratiarum actione
Maging matatag kayong nakatanim sa kaniya, mabuo kayo sa kaniya. Magpakatibay kayo sa inyong pananampalataya tulad ng naituro sa inyo, at maging sagana kayo sa pagpapasalamat.
8 videte ne quis vos decipiat per philosophiam et inanem fallaciam secundum traditionem hominum secundum elementa mundi et non secundum Christum
Tiyakin ninyong walang huhuli sa inyo sa pamamagitan ng pilosopiya at ang walang kabuluhang pagmamayabang ayon sa tradisyon ng mga tao, ayon sa mga elemento ng mundo, at hindi naaayon kay Cristo.
9 quia in ipso inhabitat omnis plenitudo divinitatis corporaliter
Sapagkat sa kaniyang katawan nabubuhay ang lahat ng kaganapan ng Diyos.
10 et estis in illo repleti qui est caput omnis principatus et potestatis
At napuno kayo sa kaniya. Siya ang ulo ng bawat kapangyarihan at kapamahalaan.
11 in quo et circumcisi estis circumcisione non manufacta in expoliatione corporis carnis in circumcisione Christi
Sa kaniya, tinuli rin kayo sa pamamagitan ng pagtutuli na hindi ginagawa ng mga tao, ang pagtatanggal sa katawan ng laman, ngunit sa pagtutuli ni Cristo.
12 consepulti ei in baptismo in quo et resurrexistis per fidem operationis Dei qui suscitavit illum a mortuis
Inilibing kayong kasama niya sa bautismo. At sa kaniya ay ibinangon kayo sa pamamagitan ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Diyos, na siyang nagbangon sa kaniya mula sa mga namatay.
13 et vos cum mortui essetis in delictis et praeputio carnis vestrae convivificavit cum illo donans vobis omnia delicta
noong kayo ay patay sa inyong mga pagkakasala at sa hindi pagkakatuli ng inyong laman, binuhay niya kayong kasama niya at pinatawad tayong lahat sa ating mga paglabag.
14 delens quod adversum nos erat chirografum decretis quod erat contrarium nobis et ipsum tulit de medio adfigens illud cruci
Binura niya ang nakasulat na tala ng mga pagkaka-utang at ang mga tuntunin na laban sa atin. Tinanggal niya ang lahat ng mga ito at ipinako ito sa krus.
15 expolians principatus et potestates traduxit palam triumphans illos in semet ipso
Tinanggal niya ang mga kapangyarihan at mga kapamahalaan. Lantaran niya silang ibinunyag at dinala sila sa matagumpay na pagdiriwang sa pamamagitan ng kaniyang krus.
16 nemo ergo vos iudicet in cibo aut in potu aut in parte diei festi aut neomeniae aut sabbatorum
Kaya, huwag ninyong hayaang husgahan kayo ng iba sa pagkain o sa pag-inom, o tungkol sa araw ng pista o bagong buwan, o tungkol sa mga Araw ng Pamamahinga.
17 quae sunt umbra futurorum corpus autem Christi
Ang mga ito ay anino ng mga bagay na darating, ngunit ang nilalaman ay si Cristo.
18 nemo vos seducat volens in humilitate et religione angelorum quae non vidit ambulans frustra inflatus sensu carnis suae
Huwag hayaang manakawan ang sinuman ng gantimpala dahil sa pagnanais ng kababaang-loob at sa pamamagitan ng pagsamba sa mga anghel. Ang taong katulad nito ay nananatili sa mga bagay na nakita niya at nagiging mapagmalaki sa pamamagitan ng kaniyang makalamang pag-iisip.
19 et non tenens caput ex quo totum corpus per nexus et coniunctiones subministratum et constructum crescit in augmentum Dei
Hindi siya kumakapit sa ulo. Nagmumula sa ulo ang pagtutustos at pagsasama ng buong katawan, hanggang sa kaniyang mga kasu-kasuan at mga litid nito; lumalago ito kasama ang paglagong ibinigay ng Diyos.
20 si mortui estis cum Christo ab elementis mundi quid adhuc tamquam viventes in mundo decernitis
Kung namatay kayo kasama ni Cristo sa mga elemento ng mundo, bakit kayo nabubuhay na parang obligado sa mundo:
21 ne tetigeris neque gustaveris neque contrectaveris
“Huwag hawakan, o tikman, o kahit humipo”?
22 quae sunt omnia in interitu ipso usu secundum praecepta et doctrinas hominum
Nakalaan ang mga bagay na ito para sa masamang paggamit, ayon sa mga tagubilin at mga itinuro ng mga tao.
23 quae sunt rationem quidem habentia sapientiae in superstitione et humilitate et ad non parcendum corpori non in honore aliquo ad saturitatem carnis
Ang mga patakarang ito ay may karunungan sa sariling-gawang relihiyon at pagpapakumbaba at kalupitan ng katawan. Ngunit wala itong halaga laban sa kalayawan ng laman.

< Colossenes 2 >