< Actuum Apostolorum 14 >
1 factum est autem Iconii ut simul introirent synagogam Iudaeorum et loquerentur ita ut crederet Iudaeorum et Graecorum copiosa multitudo
Nangyari din ito sa Iconio, na sina Pablo at Bernabe ay magkasamang pumasok sa loob ng sinagoga ng mga Judio at nagsalita sa paraan na napakaraming Judio at Griyego ang nanampalataya.
2 qui vero increduli fuerunt Iudaei suscitaverunt et ad iracundiam concitaverunt animas gentium adversus fratres
Ngunit nanghikayat ang mga suwail na Judio sa kalagitnaan ng mga Gentil at hinimok sila na magalit laban sa mga kapatid.
3 multo igitur tempore demorati sunt fiducialiter agentes in Domino testimonium perhibente verbo gratiae suae dante signa et prodigia fieri per manus eorum
Kaya nanatili sila doon ng mahabang panahon, matapang na nagsasalita sa kapangyarihan ng Diyos, Habang nagbibigay siya ng patunay tungkol sa mensahe ng kaniyang biyaya. Ginawa niya ito sa pamamagitan ng mga palatandaan at mga kamangha-manghang bagay sa pamamagitan ng kamay nina Pablo at Bernabe.
4 divisa est autem multitudo civitatis et quidam quidem erant cum Iudaeis quidam vero cum apostolis
Ngunit nahati ang karamihan sa lunsod: pumanig ang iba sa mga Judio at sa mga apostol naman ang iba.
5 cum autem factus esset impetus gentilium et Iudaeorum cum principibus suis ut contumeliis adficerent et lapidarent eos
Nang subukang himukin ng mga Gentil at Judio ang kanilang mga pinuno na saktan at batuhin sina Pablo at Bernabe,
6 intellegentes confugerunt ad civitates Lycaoniae Lystram et Derben et universam in circuitu regionem
nalaman nila ang mga ito at tumakas sila patungo sa lungsod ng Licaonia, Listra at Derbe at sa palibot na rehiyon,
7 et ibi evangelizantes erant
at doon nangangaral sila ng ebanghelyo.
8 et quidam vir in Lystris infirmus pedibus sedebat claudus ex utero matris suae qui numquam ambulaverat
Sa Listra may isang lalaking nakaupo sa kaniyang mga paa na walang lakas, isang lumpo mula pa noong nasa sinapupunan ng kaniyang ina, na hindi kailanman nakapaglakad.
9 hic audivit Paulum loquentem qui intuitus eum et videns quia haberet fidem ut salvus fieret
Narinig ng taong ito si Pablo na nagsasalita. Itinuon ni Pablo ang kaniyang mga mata sa kaniya at nakita niya na mayroon siyang pananampalataya upang gumaling.
10 dixit magna voce surge super pedes tuos rectus et exilivit et ambulabat
Kaya sinabi niya sa kaniya ng malakas ang boses, ''Tumayo ka.” tumalon ang lalaki at lumakad.
11 turbae autem cum vidissent quod fecerat Paulus levaverunt vocem suam lycaonice dicentes dii similes facti hominibus descenderunt ad nos
Nang makita ng maraming tao ang ginawa ni Pablo, sumigaw sila ng malakas, nagsasalita sa wikang Licaonia, ''Ang mga diyos ay bumaba sa atin sa anyo ng tao.”
12 et vocabant Barnaban Iovem Paulum vero Mercurium quoniam ipse erat dux verbi
Tinawag nilang “Zeus,” si Bernabe at “Hermes” naman si Pablo dahil siya ang pangunahing tagapagsalita.
13 sacerdos quoque Iovis qui erat ante civitatem tauros et coronas ante ianuas adferens cum populis volebat sacrificare
Nagdala ng baka at koronang bulaklak sa tarangkahan ang pari ni Zeus, na ang templo ay nasa labas lamang ng lungsod; siya at ang maraming tao ay gustong mag-alay ng handog.
14 quod ubi audierunt apostoli Barnabas et Paulus conscissis tunicis suis exilierunt in turbas clamantes
Ngunit nang narinig ito ng mga apostol na sina, Bernabe at Pablo, pinunit nila ang kanilang kasuotan at agad na lumabas na sumisigaw sa maraming tao
15 et dicentes viri quid haec facitis et nos mortales sumus similes vobis homines adnuntiantes vobis ab his vanis converti ad Deum vivum qui fecit caelum et terram et mare et omnia quae in eis sunt
na sinasabi, ''Mga tao, bakit ninyo ginagawa ang mga bagay na ito? mga tao din kami na may damdamin tulad ninyo. Dinala namin sa inyo ang mabuting balita, upang tumalikod kayo sa mga bagay na walang halaga para sa Diyos na buhay, na gumawa sa kalangitan, lupa, at nang dagat at ang lahat ng mga naroon.
16 qui in praeteritis generationibus dimisit omnes gentes ingredi in vias suas
Sa mga nakalipas na panahon, pinahintulutan niya ang lahat ng bansa na lumakad sa sarili nilang kagustuhan.
17 et quidem non sine testimonio semet ipsum reliquit benefaciens de caelo dans pluvias et tempora fructifera implens cibo et laetitia corda vestra
Ngunit gayun pa man hindi niya hinayaan ang kaniyang sarili na walang saksi, dahil doon gumawa siya ng mabuti at ibinigay sa inyo ang mga ulan mula sa langit at mabungang mga panahon, pinupuno ang inyong mga puso ng pagkain at kagalakan.”
18 et haec dicentes vix sedaverunt turbas ne sibi immolarent
Maging sa mga salitang ito, napigilan nina Pablo at Bernabe ang pag-aalay sa kanila ng maraming tao.
19 supervenerunt autem quidam ab Antiochia et Iconio Iudaei et persuasis turbis lapidantesque Paulum traxerunt extra civitatem aestimantes eum mortuum esse
Ngunit ilang mga Judio mula Antioquia at Iconio ang dumating at hinikayat ang maraming tao. Binato nila si Pablo at kinaladkad palabas ng lungsod sa pag-aakalang siya ay patay na.
20 circumdantibus autem eum discipulis surgens intravit civitatem et postera die profectus est cum Barnaba in Derben
Ngunit habang nakatayo ang mga alagad sa palibot niya, tumayo siya at pumasok sa lungsod. Nang sumunod na araw pumunta siya sa Derbe kasama si Bernabe.
21 cumque evangelizassent civitati illi et docuissent multos reversi sunt Lystram et Iconium et Antiochiam
Pagkatapos nilang ipinangaral ang ebanghelyo sa lungsod na iyon at magkaroon ng maraming alagad, bumalik sila sa Listra, sa Iconio, at sa Antioquia.
22 confirmantes animas discipulorum exhortantes ut permanerent in fide et quoniam per multas tribulationes oportet nos intrare in regnum Dei
Ipinagpatuloy nilang palakasin ang isipan ng mga alagad at hinikayat sila na magpatuloy sa pananampalataya. Sinabi nila sa kanila na sa pamamagitan ng maraming pagdurusa bago tayo makakapasok sa kaharian ng Diyos.
23 et cum constituissent illis per singulas ecclesias presbyteros et orassent cum ieiunationibus commendaverunt eos Domino in quem crediderunt
Nang makapagtalaga sila ng mga nakatatanda sa bawat kapulungan ng mga mananampalataya, at makapanalangin na may pag-aayuno, ipinagkatiwala nila sila sa Panginoon na kanilang pinaniniwalaan.
24 transeuntesque Pisidiam venerunt Pamphiliam
Pagkatapos, dumaan sila sa Pisidia at dumating sa Panfilia.
25 et loquentes in Pergen verbum Domini descenderunt in Attaliam
Nang kanilang maihayag ang salita sa Perga, umalis sila pababa ng Atalia.
26 et inde navigaverunt Antiochiam unde erant traditi gratiae Dei in opus quod conpleverunt
Mula doon naglayag sila patungong Antioquia kung saan ipinagkatiwala nila sa biyaya ng Diyos ang gawaing kanilang natapos.
27 cum autem venissent et congregassent ecclesiam rettulerunt quanta fecisset Deus cum illis quia aperuisset gentibus ostium fidei
Nang dumating sila sa Antioquia at sama-samang tinipon ang kapulungan, ibinalita nila ang lahat ng bagay na ginawa ng Diyos sa kanila at kung paanong binuksan ng Diyos ang pintuan ng pananampalataya para sa mga Gentil.
28 morati sunt autem tempus non modicum cum discipulis
Nanatili sila ng mahabang panahon kasama ng mga alagad.