< Ii Paralipomenon 9 >
1 regina quoque Saba cum audisset famam Salomonis venit ut temptaret eum enigmatibus in Hierusalem cum magnis opibus et camelis qui portabant aromata et auri plurimum gemmasque pretiosas cumque venisset ad Salomonem locuta est ei quaecumque erant in corde suo
Nang mabalitaan ng reyna ng Sheba ang katanyagan ni Solomon, pumunta siya sa Jerusalem upang subukin siya ng mga mahihirap na tanong. Dumating siya nang may napakaraming dala at kasama, mga kamelyo na may pasang mga pampalasa, maraming ginto, at maraming mamahaling bato.
2 et exposuit ei Salomon omnia quae proposuerat nec quicquam fuit quod ei non perspicuum fecerit
Nang pumunta siya kay Solomon, sinabi niya sa kaniya ang lahat ng nasa kaniyang puso. Sinagot ni Solomon ang lahat ng kaniyang tanong; walang mahirap para kay Solomon; walang tanong na hindi niya nasagot.
3 quod postquam vidit sapientiam scilicet Salomonis et domum quam aedificaverat
Nang makita ng reyna ng Sheba ang karunungan ni Solomon, at ang palasyo na kaniyang itinayo,
4 necnon cibaria mensae eius et habitacula servorum et officia ministrorum eius et vestimenta eorum pincernas quoque et vestes eorum et victimas quas immolabat in domo Domini non erat prae stupore ultra in ea spiritus
ang pagkain sa kaniyang mesa, ang ayos ng kaniyang mga lingkod, ang mga gawain ng kaniyang mga lingkod at ang kanilang kasuotan, gayundin ang kaniyang mga tagahawak ng saro at ang kanilang kasuotan, at ang pamamaraan ng kaniyang paghahandog ng handog na susunugin sa tahanan ni Yahweh, nawalan siya ng loob.
5 dixitque ad regem verus sermo quem audieram in terra mea de virtutibus et sapientia tua
Sinabi niya sa hari, “Totoo nga ang balita na narinig ko sa aking sariling lupain tungkol sa iyong mga salita at karunungan.
6 non credebam narrantibus donec ipsa venissem et vidissent oculi mei et probassem vix medietatem mihi sapientiae tuae fuisse narratam vicisti famam virtutibus tuis
Hindi ako naniwala sa aking narinig hanggang sa nakarating ako dito at ngayon, nakita ito ng aking mga mata. Wala pa sa kalahati ang sinabi sa akin tungkol sa iyong karunungan at kayamanan! Nahigitan mo ang katanyagan na aking narinig.
7 beati viri tui et beati servi tui hii qui adsistunt coram te in omni tempore et audiunt sapientiam tuam
Pinagpala ang iyong mga tao at ang iyong mga tagapaglingkod na palaging nakatayo sa iyong harapan dahil naririnig nila ang iyong karunungan.
8 sit Dominus Deus tuus benedictus qui voluit te ordinare super thronum suum regem Domini Dei tui quia diligit Deus Israhel et vult servare eum in aeternum idcirco posuit te super eum regem ut facias iudicia atque iustitiam
Purihin si Yahweh na iyong Diyos na nalugod sa iyo at naglagay sa iyo sa trono upang maging hari ni Yahweh na iyong Diyos. Dahil mahal ng iyong Diyos ang Israel, ginawa ka niyang hari ng lahat upang patatagin sila magpakailanman upang gawin mo kung ano ang makatarungan at makatuwiran!”
9 dedit autem regi centum viginti talenta auri et aromata multa nimis et gemmas pretiosissimas non fuerunt aromata talia ut haec quae dedit regina Saba regi Salomoni
Binigyan niya ang hari ng 120 talento ng ginto at napakaraming sangkap at mga mamahaling bato. Hindi na nakatanggap si Haring Solomon ng kasing dami ng mga sangkap na ibinigay sa kaniya ng reyna ng Sheba
10 sed et servi Hiram cum servis Salomonis adtulerunt aurum de Ophir et ligna thyina et gemmas pretiosissimas
Ang mga lingkod ni Hiram at ang mga lingkod ni Solomon, na nag-uwi ng mga ginto mula sa Ofir ay nagdala rin ng mga kahoy na algum at mga mamahaling bato.
11 de quibus fecit rex de lignis scilicet thyinis gradus in domo Domini et in domo regia citharas quoque et psalteria cantoribus numquam visa sunt in terra Iuda ligna talia
Gamit ang kahoy na algum, gumawa ang hari ng mga hagdan para sa tahanan ni Yahweh at para sa kaniyang tahanan, at ng mga arpa at liro para sa mga musikero. Walang pang nakikitang kahoy na katulad nito nang panahong iyon sa lupain ng Juda.
12 rex autem Salomon dedit reginae Saba cuncta quae voluit et quae postulavit multo plura quam adtulerat ad eum quae reversa abiit in terram suam cum servis suis
Ibinigay ni Haring Solomon sa reyna ng Sheba ang lahat ng gusto niya, anuman ang hiniling niya, na karagdagan sa kaniyang dinala sa hari. Kaya umalis siya at umuwi sa kaniyang sariling lupain kasama ang kaniyang mga lingkod.
13 erat autem pondus auri quod adferebatur Salomoni per annos singulos sescenta sexaginta sex talenta auri
Ang timbang ng gintong dumadating kay Solomon sa loob ng isang taon ay 666 talento ng ginto,
14 excepta ea summa quam legati diversarum gentium et negotiatores adferre consueverant omnesque reges Arabiae et satrapae terrarum qui conportabant aurum et argentum Salomoni
hindi pa kabilang ang ginto na idinadala sa kaniya ng mga negosyante at mangangalakal. Nagdala rin ng ginto at pilak kay Solomon ang lahat ng hari sa Arabia at mga gobernador sa bansa.
15 fecit igitur rex Salomon ducentas hastas aureas de summa sescentorum aureorum qui in hastis singulis expendebantur
Gumawa si Haring Solomon ng dalawang daan na malalaking mga kalasag na gawa sa pinanday na ginto. Anim na raang siklo ng ginto ang nagamit sa paggawa sa bawat isa.
16 trecenta quoque scuta aurea trecentorum aureorum quibus tegebantur scuta singula posuitque ea rex in armamentario quod erat consitum nemore
Gumawa rin siya ng tatlong daang mga kalasag na gawa sa pinanday na ginto. Tatlong mina ng ginto ang nagamit sa paggawa sa bawat isa. Inilagay ng hari ang mga ito sa Palasyo ng Kagubatang Lebanon.
17 fecit quoque rex solium eburneum grande et vestivit illud auro mundissimo
At nagpagawa ang hari ng isang napakalaking trono ng garing at binalot ito ng pinakamagandang ginto.
18 sexque gradus quibus ascendebatur ad solium et scabillum aureum et brachiola duo altrinsecus et duos leones stantes iuxta brachiola
Mayroon anim na baitang paakyat sa trono at pabilog ang likod ng tuktok ng trono. May mga patungan ng kamay sa magkabilang bahagi ng trono at may dalawang leon na nakatayo sa magkabilang bahagi ng patungan ng kamay.
19 sed et alios duodecim leunculos stantes super sex gradus ex utraque parte non fuit tale solium in universis regnis
May labindalawang imahe ng leon ang nakatayo sa bawat baitang, isa sa bawat gilid ng bawat anim na baitang. Walang tronong katulad nito sa ibang kaharian.
20 omnia quoque vasa convivii regis erant aurea et vasa domus saltus Libani ex auro purissimo argentum enim in diebus illis pro nihilo reputabatur
Ang lahat ng kopang iniinuman ni Haring Solomon ay mga ginto at ang lahat ng kopang iniinuman sa Palasyo ng Kagubatang Lebanon ay mga purong ginto. Walang pilak dahil ang pilak itinuturing na hindi mahalaga sa kapanahunan ni Solomon.
21 siquidem naves regis ibant in Tharsis cum servis Hiram semel in annis tribus et deferebant inde aurum et argentum et ebur et simias et pavos
Ang hari ay may pangkat ng mga barko sa karagatan kasama ang mga barko ni Hiram. Minsan sa bawat ika-tatlong taon, nagdadala ang pangkat ng mga barko ng ginto, pilak at garing at ng mga gorilya at malalaking unggoy.
22 magnificatus est igitur Salomon super omnes reges terrae divitiis et gloria
Kaya nahigitan ni Haring Solomon ang lahat ng mga hari sa buong mundo sa kayamanan at karunungan.
23 omnesque reges terrarum desiderabant faciem videre Salomonis ut audirent sapientiam quam dederat Deus in corde eius
Hinahangad ng buong daigdig na makaharap si Solomon upang mapakinggan ang kaniyang karunungan na inilagay ng Diyos sa kaniyang puso.
24 et deferebant ei munera vasa argentea et aurea et vestes et arma et aromata equos et mulos per singulos annos
Nagdadala ang mga bumibisita ng mga pagpaparangal, mga sisidlang gawa sa pilak at ginto, mga damit, baluti at mga sangkap, gayundin ng mga kabayo at mola. Nagpatuloy ito taun-taon.
25 habuit quoque Salomon quadraginta milia equorum in stabulis et curruum equitumque duodecim milia constituitque eos in urbibus quadrigarum et ubi erat rex in Hierusalem
May apat na libong kuwadra si Solomon para sa mga kabayo at mga karwahe at labindalawang libong mangangabayo, na kaniyang inilagay sa mga lungsod ng mga karwahe at sa kaniya sa Jerusalem.
26 exercuit etiam potestatem super cunctos reges a fluvio Eufraten usque ad terram Philisthinorum id est usque ad terminos Aegypti
Pinamumunuan niya ang lahat ng hari mula sa Ilog Eufrates hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto.
27 tantamque copiam praebuit argenti in Hierusalem quasi lapidum et cedrorum tantam multitudinem velut sycaminorum quae gignuntur in campestribus
May pilak ang hari sa Jerusalem, na kasindami ng mga bato sa lupa. Ginawa niyang sagana ang kahoy na sedar katulad ng punong sikamoro na nasa mababang lugar.
28 adducebantur autem ei equi de Aegypto cunctisque regionibus
Nagdala sila ng mga kabayo para kay Solomon galing sa Ehipto at mula sa lahat ng lupain.
29 reliqua vero operum Salomonis priorum et novissimorum scripta sunt in verbis Nathan prophetae et in libris Ahiae Silonitis in visione quoque Iaddo videntis contra Hieroboam filium Nabath
Ang iba pang mga pangyayari tungkol kay Solomon mula sa simula hanggang sa wakas, hindi ba ito nakasulat sa Kasaysayan ni Propeta Natan at sa Pahayag ni Ahias na taga-Shilo at sa mga Pangitain ni Propeta Iddo tungkol kay Reboam na anak ni Nebat?
30 regnavit autem Salomon in Hierusalem super omnem Israhel quadraginta annis
Naghari si Solomon sa Jerusalem sa buong Israel ng apatnapung taon.
31 dormivitque cum patribus suis et sepelierunt eum in civitate David regnavitque pro eo Roboam filius eius
At namatay siya at inilibing ng mga tao sa lungsod ni David na kaniyang ama. Si Rehoboam na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari.