< Ii Paralipomenon 17 >
1 regnavit autem Iosaphat filius eius pro eo et invaluit contra Israhel
Si Jehoshafat na kaniyang anak ang pumalit sa kaniya bilang hari at nagpakalakas siya laban sa Israel.
2 constituitque militum numeros in cunctis urbibus Iudae quae erant vallatae muris praesidiaque disposuit in terra Iuda et in civitatibus Ephraim quas ceperat Asa pater eius
Naglagay siya ng mga hukbo sa lahat ng pinatibay na lungsod ng Juda at naglagay ng mga kampo sa lupain ng Juda at sa mga lungsod ng Efraim na sinakop ng kaniyang amang si Asa.
3 et fuit Dominus cum Iosaphat quia ambulavit in viis David patris sui primis et non speravit in Baalim
Kasama ni Jehoshafat si Yahweh dahil lumakad siya sa unang kaparaanan ng kaniyang ama na si David at hindi siya bumaling sa mga Baal.
4 sed in Deo patris sui et perrexit in praeceptis illius et non iuxta peccata Israhel
Sa halip, nagtiwala siya sa Diyos ng kaniyang ama, at lumakad siya ayon sa kaniyang mga kautusan, hindi ayon sa gawain ng Israel.
5 confirmavitque Dominus regnum in manu eius et dedit omnis Iuda munera Iosaphat factaeque sunt ei infinitae divitiae et multa gloria
Kaya itinatag ni Yahweh ang pamamahala sa kaniyang kamay, nagbigay ng parangal kay Jehoshafat ang lahat ng Juda. Nagkaroon siya ng napakaraming yaman at karangalan.
6 cumque sumpsisset cor eius audaciam propter vias Domini etiam excelsa et lucos de Iuda abstulit
Ang kaniyang puso ay nakatuon sa kaparaanan ni Yahweh. Inalis din niya ang mga altar at imahen ni Ashera sa Juda.
7 tertio autem anno regni sui misit de principibus suis Benail et Obdiam et Zacchariam et Nathanahel et Micheam ut docerent in civitatibus Iuda
Sa ikatlong taon ng kaniyang paghahari ipinadala niya ang kaniyang mga opisyal na sina Benhayil, Obadias, Zecharias, Netanel at Micaias upang magturo sa mga lungsod ng Judah.
8 et cum eis Levitas Semeiam et Nathaniam et Zabadiam Asahel quoque et Semiramoth et Ionathan Adoniam et Tobiam et Tobadoniam Levitas et cum eis Elisama et Ioram sacerdotes
Kasama nila ang mga Levita: Sina Semaias, Netanias, Zebadias, Asahel, Semiramot, Jehonatan, Adonijas, Tobias at Tobadonijas at kasama nila ang mga paring sina Elisama at Jehoram.
9 docebantque in Iuda habentes librum legis Domini et circuibant cunctas urbes Iuda atque erudiebant populum
Nagturo sila sa Juda, dala-dala Ang Aklat ng Kautusan ni Yahweh. Nagtungo sila sa lahat ng lungsod ng Juda at nagturo sa mga tao.
10 itaque factus est pavor Domini super omnia regna terrarum quae erant per gyrum Iuda nec audebant bellare contra Iosaphat
Nagkaroon ng Malaking Takot kay Yahweh ang lahat ng kaharian ng mga lupaing nasa palibot ng Juda kaya hindi sila nakipagdigma laban kay Jehoshafat.
11 sed et Philisthei Iosaphat munera deferebant et vectigal argenti Arabes quoque adducebant pecora arietum septem milia septingentos et hircos totidem
Nagdala ang ilang mga Palestina kay Jehoshafat ng mga kaloob at pilak bilang pagkilala. Nagdala din sa kaniya ang mga Arabo ng mga kawan, 7, 700 na lalaking tupa at 7, 700 na kambing.
12 crevit ergo Iosaphat et magnificatus est usque in sublime atque aedificavit in Iuda domos ad instar turrium urbesque muratas
Naging labis na makapangyarihan si Jehoshafat. Nagpatayo siya ng mga matibay na tanggulan at imbakang lungsod sa Juda.
13 et multa opera patravit in urbibus Iuda viri quoque bellatores et robusti erant in Hierusalem
Nagkaroon siya ng maraming kagamitan sa mga lungsod ng Juda at mga kawal—malalakas, matatapang na mga lalaki—sa Jerusalem.
14 quorum iste numerus per domos atque familias singulorum in Iuda principes exercitus Ednas dux et cum eo robustissimorum trecenta milia
Ito ang listahan ng lahat sa kanila, ayon sa pangalan ng sambahayan ng kanilang ama: Mula sa Juda, ang mga pinuno ng libo; si Adna ang pinunong kawal at kasama niya ang 300, 000 na lalaking panglaban;
15 post hunc Iohanan princeps et cum eo ducenta octoginta milia
sumunod sa kaniya si Jehohanan ang pinunong kawal at kasama niya ang 280, 000 na lalaki;
16 post istum quoque Amasias filius Zechri consecratus Domino et cum eo ducenta milia virorum fortium
sumunod sa kaniya si Amasias na anak ni Zicri, na nagkusang-loob upang maglingkod kay Yahweh at kasama niya ang 200, 000 na lalaking panglaban.
17 hunc sequebatur robustus ad proelia Heliada et cum eo tenentium arcum et clypeum ducenta milia
Mula sa Benjamin: si Eliada isang makapangyarihan na lalaking matapang at kasama niya ang 200, 000 na may dalang mga pana at panangga;
18 post istum etiam Iozabath et cum eo centum octoginta milia expeditorum militum
sumunod sa kaniya si Jehosabad at kasama niya ang 180, 000 na handa sa pakikipagdigma.
19 hii omnes erant ad manum regis exceptis aliis quos posuerat in urbibus muratis et in universo Iuda
Ito ang mga naglingkod sa hari, maliban pa sa mga inilagay ng hari sa mga pinatibay na lungsod sa buong Juda.