< Timotheum I 6 >
1 quicumque sunt sub iugo servi dominos suos omni honore dignos arbitrentur ne nomen Domini et doctrina blasphemetur
Hayaan ang lahat ng nasa ilalim ng pamatok ng pagiging mga alipin na kilalanin nila ang kanilang mga amo ng karapat-dapat sa buong paggalang. Dapat nilang gawin ito upang ang pangalan ng Diyos at ang katuruan ay hindi malapastangan.
2 qui autem fideles habent dominos non contemnant quia fratres sunt sed magis serviant quia fideles sunt et dilecti qui beneficii participes sunt haec doce et exhortare
Ang mga alipin na may among mananampalataya ay huwag silang lapastanganin dahil sila ay magkapatid. Sa halip, sila ay dapat paglingkurang mabuti. Sapagkat ang mga amo na natutulungan nila sa kanilang gawain ay mga mananampalataya at minamahal. Ituro mo at ipahayag ang mga bagay na ito.
3 si quis aliter docet et non adquiescit sanis sermonibus Domini nostri Iesu Christi et ei quae secundum pietatem est doctrinae
Kung mayroong magtuturo ng kakaiba at hindi tinanggap ang ating tapat na tagubilin, na ang mga Salita ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Kung hindi nila tanggapin ang katuruan na nagdadala sa pagiging maka-diyos.
4 superbus nihil sciens sed languens circa quaestiones et pugnas verborum ex quibus oriuntur invidiae contentiones blasphemiae suspiciones malae
Ang taong ito ay mapagmataas at walang nalalaman. Sa halip, sakit na niya ang manuligsa at makipagtalo tungkol sa mga salita. Ang mga salitang ito ay humahantong sa pagkainggit, pagtatalo, mga insulto, mga masamang akala, at
5 conflictationes hominum mente corruptorum et qui veritate privati sunt existimantium quaestum esse pietatem
patuloy na pag-aawayan sa pagitan ng mga taong baluktot ang mga pag-iisip. Tumalikod sila sa katotohanan. Iniisip nila na ang pagiging maka-diyos ay isang paraan upang yumaman.”
6 est autem quaestus magnus pietas cum sufficientia
Ngayon ang pagiging maka-diyos na may kapanatagan ay may malaking pakinabang.
7 nihil enim intulimus in mundum haut dubium quia nec auferre quid possumus
Sapagkat wala tayong dinalang anuman dito sa mundo. wala rin tayong madadala na anumang bagay.
8 habentes autem alimenta et quibus tegamur his contenti sumus
Sa halip, masiyahan tayo sa pagkain at pananamit.
9 nam qui volunt divites fieri incidunt in temptationem et laqueum et desideria multa inutilia et nociva quae mergunt homines in interitum et perditionem
Ngayon sa mga gustong yumaman mahuhulog sila sa tukso, sa isang bitag. Sila ay mahuhulog sa kamangmangan at masamang pagnanasa, at sa anumang sisira at wawasak sa mga tao.
10 radix enim omnium malorum est cupiditas quam quidam appetentes erraverunt a fide et inseruerunt se doloribus multis
Sapagkat ang pag-ibig sa pera ay ugat ng lahat ng uri ng kasamaan. Ang ilang mga taong nagnais nito ay nailigaw sa kanilang pananampalataya at tinutusok nila ang kanilang sarili nang labis na kapighatian.
11 tu autem o homo Dei haec fuge sectare vero iustitiam pietatem fidem caritatem patientiam mansuetudinem
Ngunit ikaw, na lingkod ng Diyos, layuan mo ang mga bagay na ito. Sikapin mo ang katuwiran, pagiging maka-diyos, katapatan, pag-ibig, pagtitiis, at kahinahunan,
12 certa bonum certamen fidei adprehende vitam aeternam in qua vocatus es et confessus bonam confessionem coram multis testibus (aiōnios )
Lumaban ka ng mabuting pakikipaglaban sa pananampalataya. Panghawakan mo ang buhay na walang hanggan kung saan ka tinawag. Tungkol dito nagpatotoo ka sa harap ng maraming mga saksi kung ano ang mabuti. (aiōnios )
13 praecipio tibi coram Deo qui vivificat omnia et Christo Iesu qui testimonium reddidit sub Pontio Pilato bonam confessionem
Ibinibigay ko sa iyo ang utos na ito sa harap ng Diyos, na siyang dahilan nang lahat ng bagay para mabuhay, at sa harapan ni Cristo-Jesus, na siyang nagsabi ng katotohanan kay Poncio Pilato:
14 ut serves mandatum sine macula inreprehensibile usque in adventum Domini nostri Iesu Christi
ingatan mong mabuti ang mga kautusan, ng walang kapintasan, hanggang sa pagpapakita ng ating Panginoong Jesu- Cristo.
15 quem suis temporibus ostendet beatus et solus potens rex regum et Dominus dominantium
Ipapahayag ng Diyos ang kaniyang pagpapakita sa tamang panahon—ang Diyos, ang Pinagpala, ang nag-iisang kapangyarihan, ang Hari na siyang naghahari, ang Panginoong namumuno.
16 qui solus habet inmortalitatem lucem habitans inaccessibilem quem vidit nullus hominum sed nec videre potest cui honor et imperium sempiternum amen (aiōnios )
Siya lamang ang walang kamatayan at nananahan sa hindi malapitang liwanag. Walang sinumang tao na nakakita sa kaniya o kaya ay may kakayahang makita siya. Sa kaniya ang karangalan at walang hanggang kapangyarihan. Amen. (aiōnios )
17 divitibus huius saeculi praecipe non sublime sapere neque sperare in incerto divitiarum sed in Deo qui praestat nobis omnia abunde ad fruendum (aiōn )
Sabihin mo sa mayayaman sa mundong ito na huwag magmataas, at huwag umasa sa kayamanan, na walang katiyakan. Sa halip, dapat silang umasa sa Diyos. Na nagkakaloob sa atin ng tunay na kayamanan upang ikagalak. (aiōn )
18 bene agere divites fieri in operibus bonis facile tribuere communicare
Sabihin mo sa kanila na gumawa ng mabuti, at magpakayaman sa mabubuting mga gawa, maging mapagbigay, at handang mamahagi.
19 thesaurizare sibi fundamentum bonum in futurum ut adprehendant veram vitam
Sa paraang iyan, sila ay mag-iipon para sa kanilang sarili ng mabuting pundasyon sa kung anong darating, upang makamit nila ang tunay na buhay.
20 o Timothee depositum custodi devitans profanas vocum novitates et oppositiones falsi nominis scientiae
Timoteo, pangalagaan mo kung ano ang mga naibigay sa iyo. Umiwas ka sa mga walang kabuluhang mga usapan at mga pagtutuligsa na sinasabing maling kaalaman.
21 quam quidam promittentes circa fidem exciderunt gratia tecum
May ibang mga tao na nagpapahayag ng mga bagay na ito kaya marami sa kanila ang nailihis sa pananampalataya. Sumasaiyo nawa ang biyaya.