< I Samuelis 5 >
1 Philisthim autem tulerunt arcam Dei et asportaverunt eam a lapide Adiutorii in Azotum
Ngayon nakuha na ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, at dinala nila ito mula sa Ebenezer patungo sa Asdod.
2 tulerunt Philisthim arcam Dei et intulerunt eam in templum Dagon et statuerunt eam iuxta Dagon
Kinuha ng mga Filisteo ang kaban ng Diyos, dinala nila ito sa bahay ng Dagon, at inilagay sa tabi ng Dagon.
3 cumque surrexissent diluculo Azotii altera die ecce Dagon iacebat pronus in terram ante arcam Domini et tulerunt Dagon et restituerunt eum in loco suo
Nang nagising nang maaga sa sumunod na araw ang mga tao ng Asdod, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Kaya kinuha nila ang Dagon at inilagay siyang muli sa kanyang lugar.
4 rursumque mane die alio consurgentes invenerunt Dagon iacentem super faciem suam in terram coram arca Domini caput autem Dagon et duae palmae manuum eius abscisae erant super limen
Ngunit nang nagising sila nang maaga ng sumunod na umaga, tingnan ninyo, natumba paharap sa lupa ang Dagon sa harapan ng kaban ni Yahweh. Ang ulo ng Dagon at kanyang dalawang kamay ay putol na naroon sa pintuan. Katawan lamang ng Dagon ang naiwan.
5 porro Dagon truncus solus remanserat in loco suo propter hanc causam non calcant sacerdotes Dagon et omnes qui ingrediuntur templum eius super limen Dagon in Azoto usque in hodiernum diem
Ito ang dahilan, kahit sa araw na ito, ang mga pari ng Dagon at sinumang dumating sa bahay ng Dagon ay hindi umaapak sa pintuan ng Dagon sa Asdod.
6 adgravata autem est manus Domini super Azotios et demolitus est eos et percussit in secretiori parte natium Azotum et fines eius
Napakabigat ng kamay ni Yahweh sa mga tao ng Asdod. Winasak niya sila at pinahirapan sila ng mga bukol, kapwa sa Asdod at nasasakupan nito.
7 videntes autem viri azotii huiuscemodi plagam dixerunt non maneat arca Dei Israhel apud nos quoniam dura est manus eius super nos et super Dagon deum nostrum
Nang napagtanto ng mga kalalakihan ng Asdod kung ano ang nangyayari, sinabi nila, “Hindi dapat manatili ang kaban ng Diyos ng Israel sa atin, dahil mabigat ang kanyang kamay laban sa atin at laban kay Dagon na ating diyos.”
8 et mittentes congregaverunt omnes satrapas Philisthinorum ad se et dixerunt quid faciemus de arca Dei Israhel responderuntque Getthei circumducatur arca Dei Israhel et circumduxerunt arcam Dei Israhel
Kaya ipinadala nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ano ang gagawin namin sa kaban ng Diyos ng Israel?” Sumagot sila, “Hayaang dalhin ang kaban ng Diyos ng Israel sa palibot ng Gat.” At dinala nila ang kaban ng Diyos ng Israel doon.
9 illis autem circumducentibus eam fiebat manus Dei per singulas civitates interfectionis magnae nimis et percutiebat viros uniuscuiusque urbis a parvo usque ad maiorem et conputrescebant prominentes extales eorum
Ngunit pagkatapos nilang madala ito sa palibot, ang kamay ni Yahweh ay laban sa lungsod, na nagdudulot ng isang napakalaking kalituhan. Pinahirapan niya ang mga kalalakihan ng lungsod, kapwa maliit at malaki; at ang mga bukol ay kumalat sa kanila.
10 miserunt ergo arcam Dei in Accaron cumque venisset arca Dei in Accaron exclamaverunt Accaronitae dicentes adduxerunt ad nos arcam Dei Israhel ut interficiat nos et populum nostrum
Kaya ipinadala nila ang kaban ng Diyos sa Ekron. Ngunit pagdating mismo ng kaban ng Diyos sa Ekron, sumigaw ang mga taga-Ekron, nagsasabing, “Dinala nila sa atin ang kaban ng Diyos ng Israel upang patayin tayo at ang ating mga tao.”
11 miserunt itaque et congregaverunt omnes satrapas Philisthinorum qui dixerunt dimittite arcam Dei Israhel et revertatur in locum suum et non interficiat nos cum populo nostro
Kaya pinatawag nila at sama-samang tinipon ang lahat ng mga namumuno ng mga Filisteo; sinabi nila sa kanila, “Ilayo ninyo ang kaban ng Diyos ng Israel, at hayaang bumalik ito sa sariling lugar nito, upang hindi tayo nito patayin at ating mga tao.” Dahil nagkaroon na ng isang nakamamatay na takot sa buong siyudad; napakabigat ng kamay ng Diyos doon.
12 fiebat enim pavor mortis in singulis urbibus et gravissima valde manus Dei viri quoque qui mortui non fuerant percutiebantur in secretiori parte natium et ascendebat ululatus uniuscuiusque civitatis in caelum
Ang mga kalalakihang hindi namatay ay pinahirapan ng mga bukol, at umabot ang iyak ng siyudad sa kalangitan.