< I Samuelis 22 >

1 abiit ergo inde David et fugit in speluncam Odollam quod cum audissent fratres eius et omnis domus patris eius descenderunt ad eum illuc
Kaya umalis si David doon at tumakas papunta sa kuweba ng Adulam. Nang marinig ito ng kanyang mga kapatid na lalaki at lahat ng nasa bahay ng kanyang ama, bumaba sila roon sa kanya.
2 et convenerunt ad eum omnes qui erant in angustia constituti et oppressi aere alieno et amaro animo et factus est eorum princeps fueruntque cum eo quasi quadringenti viri
Ang bawat isang naghihirap, bawat isang may nasa pagkakautang, at bawat isang hindi kuntento—nagtipon silang lahat sa kanya. Naging kapitan si David sa kanila. Mayroong halos apat na raang kalalakihang kasama niya.
3 et profectus est David inde in Maspha quae est Moab et dixit ad regem Moab maneat oro pater meus et mater mea vobiscum donec sciam quid faciat mihi Deus
Pagkatapos pumunta si David mula roon patungo sa Mizpe sa Moab. Sinabi niya sa hari ng Moab, “Pakiusap hayaan mo ang aking ama at aking inang lumabas kasama mo hanggang sa malaman ko kung ano ang gagawin ng Diyos para sa akin.”
4 et reliquit eos ante faciem regis Moab manseruntque apud eum cunctis diebus quibus David fuit in praesidio
Iniwan niya sila kasama ang hari ng Moab. Nanatili ang kanyang ama at ina na kasama niya sa buong panahon na nasa kanyang malakas na tanggulan si David.
5 dixitque Gad propheta ad David noli manere in praesidio proficiscere et vade in terram Iuda et profectus David venit in saltum Hareth
Pagkatapos sinabi ng propetang Gad kay David, “Huwag manatili sa iyong malakas na tanggulan. Umalis ka at pumunta sa lupain ng Juda.” Kaya umalis doon si David at pumunta sa kagubatan ng Heret.
6 et audivit Saul quod apparuisset David et viri qui erant cum eo Saul autem cum maneret in Gabaa et esset in nemore quod est in Rama hastam manu tenens cunctique socii eius circumstarent eum
Narinig ni Saul na natagpuan na si David, kasama ang mga lalaking kasama niya. Ngayon nakaupo si Saul sa Gibea sa ilalim ng puno ng tamariska sa Rama na may sibat sa kanyang kamay at nakatayo ang lahat ng kanyang mga lingkod sa paligid niya.
7 ait ad servos suos qui adsistebant ei audite filii Iemini numquid omnibus vobis dabit filius Isai agros et vineas et universos vos faciet tribunos et centuriones
Sinabi ni Saul sa kanyang mga lingkod na nakatayo sa paligid niya, “Makinig kayo ngayon, bayan ng Benjamin! Makakapagbigay ba ang bawat isa sa inyong anak na lalaki ni Jesse ng mga bukirin at mga ubasan? Magagawa ba niyang gawin kayong lahat na mga kapitan ng libo-libo at kapitan ng daan-daan,
8 quoniam coniurastis omnes adversum me et non est qui mihi renuntiet maxime cum et filius meus foedus iunxerit cum filio Isai non est qui vicem meam doleat ex vobis nec qui adnuntiet mihi eo quod suscitaverit filius meus servum meum adversum me insidiantem mihi usque hodie
kapalit ninyong lahat na nagbabalak ng masama laban sa akin? Wala sa inyo ang nagbalita sa akin nang gumawa ng tipan ang anak kong lalaki sa anak na lalaki ni Jesse. Wala sa inyo ang nalulungkot para sa akin. Wala sa inyo ang nagbalita sa akin na inudyukan ng aking anak ang aking lingkod na si David laban sa akin. Ngayon nagtatago siya at naghihintay para sa akin para masalakay niya ako.”
9 respondens autem Doec Idumeus qui adsistebat et erat primus inter servos Saul vidi inquit filium Isai in Nobe apud Ahimelech filium Achitob
Pagkatapos si Doeg na taga-Edom ay tumayo sa tabi ng mga lingkod ni Saul, sumagot siya, “Nakita ko ang anak na lalaki ni Jesse na pumunta sa Nob kay Ahimelec na anak na lalaki ni Ahitub.
10 qui consuluit pro eo Dominum et cibaria dedit ei sed et gladium Goliath Philisthei dedit illi
Nanalangin siya kay Yahweh na tulungan niya siya at binigyan niya siya ng mga pangangailangan at ang espada ni Goliat na Filisteo.”
11 misit ergo rex ad accersiendum Ahimelech filium Achitob sacerdotem et omnem domum patris eius sacerdotum qui erant in Nobe qui venerunt universi ad regem
Pagkatapos nagpadala ang hari ng isang tao upang ipatawag ang paring si Ahimelec anak na lalaki ni Ahitub at ng buong sambahayan ng kanyang ama, ang mga paring nasa Nob. Lahat sila ay nagtungo sa hari.
12 et ait Saul audi fili Achitob qui respondit praesto sum domine
Sinabi ni Saul, “Makinig ka ngayon, anak na lalaki ni Ahitub.” Sumagot siya, “Narito ako, aking panginoon.”
13 dixitque ad eum Saul quare coniurastis adversum me tu et filius Isai et dedisti ei panes et gladium et consuluisti pro eo Deum ut consurgeret adversum me insidiator usque hodie permanens
Sinabi ni Saul sa kanya, “Bakit ka nagtangka laban sa akin, ikaw at ang anak na lalaki ni Jesse, sa ginawa mong pagbibigay sa kanya ng tinapay at isang espada at nanalangin sa Diyos na tulungan nawa siya para lumaban sa akin para magtago sa lihim gaya ng ginawa niya ngayon?”
14 respondensque Ahimelech regi ait et quis in omnibus servis tuis sicut David fidelis et gener regis et pergens ad imperium tuum et gloriosus in domo tua
Pagkatapos sumagot si Ahimelec sa hari at sinabing, “Sino sa inyong lahat na mga lingkod ang pinakamatapat gaya ni David na manugang ng hari at nasa ibabaw ng iyong mga bantay at pinararangalan sa inyong bahay?
15 num hodie coepi consulere pro eo Deum absit hoc a me ne suspicetur rex adversus servum suum rem huiuscemodi in universa domo patris mei non enim scivit servus tuus quicquam super hoc negotio vel modicum vel grande
Ito ba ang unang pagkakataon na nanalangin ako sa Diyos upang tulungan siya? Malayo nawa ito mula sa akin! Huwag ninyo hayaan ang haring magpasa ng kahit anong bagay sa kanyang lingkod o sa lahat ng nasa bahay ng aking ama. Sapagkat walang alam ang iyong lingkod sa mga bagay na ito.”
16 dixitque rex morte morieris Ahimelech tu et omnis domus patris tui
Sumagot ang hari, “Tiyak na mamamatay ka, Ahimelec, ikaw at ang buong bahay ng iyong ama.”
17 et ait rex emissariis qui circumstabant eum convertimini et interficite sacerdotes Domini nam manus eorum cum David est scientes quod fugisset non indicaverunt mihi noluerunt autem servi regis extendere manum suam in sacerdotes Domini
Sinabi ng hari sa bantay na nakatayo sa paligid niya, “Bumalik kayo at patayin ang mga pari ni Yahweh. Dahil na kay David din ang kanilang kamay at dahil alam nilang tumakas siya ngunit hindi ito sinabi sa akin.” Ngunit hindi mailabas ng mga lingkod ng hari ang kanilang kamay upang patayin ang mga pari ni Yahweh.
18 et ait rex Doec convertere tu et inrue in sacerdotes conversusque Doec Idumeus inruit in sacerdotes et trucidavit in die illa octoginta quinque viros vestitos ephod lineo
Pagkatapos sinabi ng hari kay Doeg, “Bumalik at patayin ang mga pari.” Kaya bumalik si Doeg na taga-Edom at sinalakay ang mga pari; nakapatay siya ng walumpu't-limang mga tao na nakasuot ng isang telang efod sa araw na iyon.
19 Nobe autem civitatem sacerdotum percussit in ore gladii viros et mulieres parvulos et lactantes bovem et asinum et ovem in ore gladii
Sa pamamagitan ng dulo ng espada sinalakay niya ang Nob, ang lungsod ng mga pari, kapwa mga lalaki at mga babae, mga bata at mga sanggol at mga lalaking baka at mga asno at mga tupa. Pinatay niya silang lahat gamit ang talim ng espada.
20 evadens autem unus filius Ahimelech filii Achitob cuius nomen erat Abiathar fugit ad David
Ngunit isa sa mga anak na lalaki ni Ahimelec anak na lalaki ni Ahitub, na nagngangalang Abiatar, ang nakatakas at tumakbo kay David.
21 et adnuntiavit ei quod occidisset Saul sacerdotes Domini
Sinabihan ni Abiatar si David na pinatay ni Saul ang mga pari ni Yahweh.
22 et ait David ad Abiathar sciebam in die illa quod cum ibi esset Doec Idumeus procul dubio adnuntiaret Saul ego sum reus omnium animarum patris tui
Sinabi ni David kay Abiatar, “Alam kong sa araw na iyon, noong naroon si Doeg na taga-Edom, na siguradong sasabihin niya kay Saul. May pananagutan ako para sa bawat kamatayan ng pamilya ng iyong ama!
23 mane mecum ne timeas si quis quaesierit animam meam quaeret et animam tuam mecumque servaberis
Manatili ka kasama ko at huwag matakot. Dahil ang nagtatangka sa buhay mo ay nagtatangka din sa buhay ko. Magiging ligtas ka kasama ako.”

< I Samuelis 22 >