< I Samuelis 19 >
1 locutus est autem Saul ad Ionathan filium suum et ad omnes servos suos ut occiderent David porro Ionathan filius Saul diligebat David valde
Sinabi ni Saul sa kanyang anak na si Jonatan at sa lahat ng kanyang mga lingkod na kailangan nilang patayin si David. Pero nalugod ng labis si Jonatan kay David, anak na lalaki ni Saul.
2 et indicavit Ionathan David dicens quaerit Saul pater meus occidere te quapropter observa te quaeso mane et manebis clam et absconderis
Kaya sinabi ni Jonatan kay David, “gusto kang patayin ng aking amang si Saul. Kaya maging handa sa umaga at magtago sa isang lihim na lugar.
3 ego autem egrediens stabo iuxta patrem meum in agro ubicumque fueris et ego loquar de te ad patrem meum et quodcumque videro nuntiabo tibi
Lalabas ako at tatayo sa tabi ng aking ama sa bukirin kung nasaan ka, at makikipag-usap ako sa aking ama tungkol sa iyo. Kung may malaman akong anumang bagay, sasabihin ko sa iyo.”
4 locutus est ergo Ionathan de David bona ad Saul patrem suum dixitque ad eum ne pecces rex in servum tuum David quia non peccavit tibi et opera eius bona sunt tibi valde
Nagsalita ng magandang bagay si Jonatan patungkol kay David sa kanyang ama na si Saul at sinabi sa kanyang, “Huwag mong hayaang magkasala ang hari laban sa kanyang lingkod na si David. Sapagkat hindi siya nagkasala laban sa iyo, at nagdala ng kabutihan sa iyo ang kanyang mga gawa.
5 et posuit animam suam in manu sua et percussit Philistheum et fecit Dominus salutem magnam universo Israhel vidisti et laetatus es quare ergo peccas in sanguine innoxio interficiens David qui est absque culpa
Sapagkat ipinagsapalaran niya ang kanyang buhay at pinatay ang taga-Filisteo. Nagdala ng malaking tagumpay si Yahweh para sa buong Israel. Nakita mo ito at nagalak ka. Bakit ka magkakasala laban sa walang salang dugo sa pamamagitan ng pagpatay kay David nang walang dahilan?”
6 quod cum audisset Saul placatus voce Ionathae iuravit vivit Dominus quia non occidetur
Nakinig si Saul kay Jonatan. Sumumpa si Saul, “Habang nabubuhay si Yahweh, hindi ko siya papatayin.”
7 vocavit itaque Ionathan David et indicavit ei omnia verba haec et introduxit Ionathan David ad Saul et fuit ante eum sicut fuerat heri et nudius tertius
Pagkatapos tinawag ni Jonatan si David, sinabi ni Jonatan ang lahat ng mga bagay na ito. Dinala ni Jonatan si David kay Saul, at nasa piling niya siya tulad ng dati.
8 motum est autem rursus bellum et egressus David pugnavit adversus Philisthim percussitque eos plaga magna et fugerunt a facie eius
At may digmaan muli. Humayo si David at nakipaglaban sa mga Filisteo at tinalo sila sa isang matinding patayan. Tumakas sila sa kanya.
9 et factus est spiritus Domini malus in Saul sedebat autem in domo sua et tenebat lanceam porro David psallebat in manu sua
Isang mapaminsalang espiritu mula kay Yahweh ang pumunta kay Saul habang nakaupo siya sa kanyang tahanan na may sibat sa kanyang kamay, at habang nagpapatugtog si David ng kanyang panugtog.
10 nisusque est Saul configere lancea David in pariete et declinavit David a facie Saul lancea autem casso vulnere perlata est in parietem et David fugit et salvatus est nocte illa
Sinubukang itusok ni Saul si David sa pader gamit ang sibat, ngunit nakaalis siya mula sa presensiya ni Saul, kaya naitusok ni Saul ang sibat sa pader. Lumayo at tumakas si David ng gabing iyon.
11 misit ergo Saul satellites suos in domum David ut custodirent eum et interficeretur mane quod cum adnuntiasset David Michol uxor sua dicens nisi salvaveris te nocte hac cras morieris
Nagpadala si Saul ng mga mensahero sa sambahayan ni David upang bantayan siya ng sa ganun maaari niya siyang mapatay sa umaga. Sinabi sa kanya ni Mical, asawa ni David, “Kung hindi mo ililigtas ang iyong sarili ngayong gabi, bukas mapapatay ka.”
12 deposuit eum per fenestram porro ille abiit et aufugit atque salvatus est
Kaya pinababa ni Mical si David sa bintana. Umalis siya at lumayo at tumakas.
13 tulit autem Michol statuam et posuit eam super lectum et pellem pilosam caprarum posuit ad caput eius et operuit eam vestimentis
Kumuha si Mical ng isang sambahayang diyus-diyosan at nilagay ito sa kama. Pagkatapos naglagay siya ng isang unan na gawa sa buhok ng kambing sa ulunan nito, at tinakpan ito gamit ang mga damit.
14 misit autem Saul apparitores qui raperent David et responsum est quod aegrotaret
Nang magpadala si Saul ng mga mensahero para kunin si David, sinabi niyang, “May sakit siya.”
15 rursumque misit Saul nuntios ut viderent David dicens adferte eum ad me in lecto ut occidatur
Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero upang tingnan si David; sinabi niya, “Dalhin ninyo siya sa akin sa kama, upang mapatay ko siya.”
16 cumque venissent nuntii inventum est simulacrum super lectum et pellis caprarum ad caput eius
Nang pumasok ang mga mensahero, masdan, nasa kama ang sambahayang diyus-diyosan kasama ng unan na buhok ng kambing sa uluhan nito.
17 dixitque Saul ad Michol quare sic inlusisti mihi et dimisisti inimicum meum ut fugeret et respondit Michol ad Saul quia ipse locutus est mihi dimitte me alioquin interficiam te
Sinabi ni Saul kay Mical, “Bakit mo ako nilinlang at hinayaang umalis ang aking kaaway, kaya nakatakas siya?” Sinagot ni Mical si Saul, “Sinabi niya sa akin, 'Hayaan akong makaalis. Bakit kailangan kitang patayin?”'
18 David autem fugiens salvatus est et venit ad Samuhel in Ramatha et nuntiavit ei omnia quae fecerat sibi Saul et abierunt ipse et Samuhel et morati sunt in Nahioth
Ngayon lumayo si David at tumakas, at nagtungo kay Samuel sa Rama at sinabi sa kanya ang lahat ng ginawa ni Saul sa kanya. Pagkatapos nagtungo at nanatili siya at si Samuel sa Naiot.
19 nuntiatum est autem Sauli a dicentibus ecce David in Nahioth in Rama
Sinabi ito kay Saul, na sinasabing, “Tingnan mo, nasa Naiot si David sa Rama.”
20 misit ergo Saul lictores ut raperent David qui cum vidissent cuneum prophetarum vaticinantium et Samuhel stantem super eos factus est etiam in illis spiritus Domini et prophetare coeperunt etiam ipsi
Pagkatapos nagpadala si Saul ng mga mensahero upang hulihin si David. Nang makita nila ang samahan ng mga propetang nanghuhula, at tumatayo si Samuel bilang kanilang pinuno, nagtungo ang Espiritu ng Diyos sa mga mensahero ni Saul, at nanghula din sila.
21 quod cum nuntiatum esset Sauli misit alios nuntios prophetaverunt autem et illi et rursum Saul misit tertios nuntios qui et ipsi prophetaverunt
Nang masabihan si Saul nito, nagpadala siya ng ibang mga mensahero at nanghula din sila. Kaya nagpadala muli si Saul ng mga mensahero sa ikatlong pagkakataon, at nanghula din sila.
22 abiit autem etiam ipse in Ramatha et venit usque ad cisternam magnam quae est in Soccho et interrogavit et dixit in quo loco sunt Samuhel et David dictumque est ei ecce in Nahioth sunt in Rama
Pagkatapos nagtungo din siya sa Rama at dumating sa malalim na balon na nasa Secu. Tinanong niya, “Nasaan sina Samuel at David?” Mayroong nagsabing, “Tingnan, nasa Naiot sila sa Rama.”
23 et abiit in Nahioth in Rama et factus est etiam super eum spiritus Dei et ambulabat ingrediens et prophetabat usque dum veniret in Nahioth in Rama
Nagpunta si Saul sa Naiot sa Rama. At dumating din ang Espiritu ng Diyos sa kanya, at nanghula siya sa pagpunta niya, hanggang sa makabalik siya sa Naiot sa Rama.
24 et expoliavit se etiam ipse vestimentis suis et prophetavit cum ceteris coram Samuhel et cecidit nudus tota die illa et nocte unde et exivit proverbium num et Saul inter prophetas
At inalis niya din ang kanyang mga damit, at nanghula din siya sa harapan ni Samuel at humigang hubad sa buong araw at buong gabing iyon. Dahil dito sinabi nilang, “Kabilang na din ba si Saul sa mga propeta?”