< I Samuelis 12 >

1 dixit autem Samuhel ad universum Israhel ecce audivi vocem vestram iuxta omnia quae locuti estis ad me et constitui super vos regem
Sinabi ni Samuel sa buong Israel, “Nakinig ako sa lahat ng bagay na sinabi ninyo sa akin, at nagtalaga ako ng isang hari sa inyo.
2 et nunc rex graditur ante vos ego autem senui et incanui porro filii mei vobiscum sunt itaque conversatus coram vobis ab adulescentia mea usque ad diem hanc ecce praesto sum
Ngayon, narito ang hari lumakakad sa harapan ninyo; at ako ay matanda na at puti na ang buhok; at ang aking mga anak na lalaki ay kasama ninyo. Lumakad ako sa harapan ninyo mula sa aking kabataan hanggang ngayon.
3 loquimini de me coram Domino et coram christo eius utrum bovem cuiusquam tulerim an asinum si quempiam calumniatus sum si oppressi aliquem si de manu cuiusquam munus accepi et contemnam illud hodie restituamque vobis
Narito ako; magpatotoo laban sa akin sa harapan ni Yahweh at sa harapan ng kanyang hinirang. Kaninong lalaking baka ang kinuha ko? Kaninong asno ang kinuha ko? Sino ang aking dinaya? Sino ang aking inapi? Mula kaninong kamay ako kumuha ng isang suhol upang bulagin ang aking mga mata? Magpatotoo laban sa akin, at ibabalik ko ito sa inyo.”
4 et dixerunt non es calumniatus nos neque oppressisti neque tulisti de manu alicuius quippiam
Sinabi nila, “Hindi mo kami dinaya, inapi, o ninakawan ng anumang bagay mula sa kamay ng sinuman.”
5 dixitque ad eos testis Dominus adversus vos et testis christus eius in die hac quia non inveneritis in manu mea quippiam et dixerunt testis
Sinabi niya sa kanila, “Saksi si Yahweh laban sa inyo, at ang kanyang hinirang ay saksi ngayon, na wala kayong nakita sa aking kamay.” At sumagot sila, “Saksi si Yahweh.”
6 et ait Samuhel ad populum Dominus qui fecit Mosen et Aaron et eduxit patres nostros de terra Aegypti
Sinabi ni Samuel sa mga tao, “Si Yahweh ang siyang humirang kina Moises at Aaron, at ang siyang nagdala palabas sa inyong mga ama mula sa lupain ng Ehipto.
7 nunc ergo state ut iudicio contendam adversum vos coram Domino de omnibus misericordiis Domini quas fecit vobiscum et cum patribus vestris
Kaya ngayon, ihandog ang inyong mga sarili, upang maaari akong makiusap kasama ninyo sa harapan ni Yahweh tungkol sa lahat ng mga makatarungang gawain ni Yahweh, na ginawa niya sa inyo at sa inyong mga ama.
8 quomodo ingressus est Iacob in Aegyptum et clamaverunt patres vestri ad Dominum et misit Dominus Mosen et Aaron et eduxit patres vestros ex Aegypto et conlocavit eos in loco hoc
Nang dumating si Jacob sa Ehipto, at umiyak ang inyong mga ninuno kay Yahweh. Ipinadala ni Yahweh sina Moises at Aaron, siyang nanguna sa inyong mga ninuno palabas ng Ehipto at nanirahan sila sa lugar na ito.
9 qui obliti sunt Domini Dei sui et tradidit eos in manu Sisarae magistri militiae Asor et in manu Philisthinorum et in manu regis Moab et pugnaverunt adversum eos
Subalit kinalimutan nila si Yahweh na kanilang Diyos; ipinagbili niya sila sa kamay ni Sisera, kapitan ng mga hukbo ni Hazor, sa kamay ng mga Filisteo, at sa kamay ng hari ng Moab; nakigpaglaban silang lahat sa inyong mga ninuno.
10 postea autem clamaverunt ad Dominum et dixerunt peccavimus quia dereliquimus Dominum et servivimus Baalim et Astharoth nunc ergo erue nos de manu inimicorum nostrorum et serviemus tibi
Umiyak sila kay Yahweh at sinabi, “Nagkasala kami, dahil tinalikuran namin si Yahweh at naglingkod sa mga Baal at sa mga Astoret. Subalit iligtas kami ngayon mula sa kamay ng aming mga kaaway, at paglilingkuran ka namin.'
11 et misit Dominus Hierobaal et Bedan et Ieptha et Samuhel et eruit vos de manu inimicorum vestrorum per circuitum et habitastis confidenter
Kaya ipinadala ni Yahweh sina Jerub Baal, Bedan, Jepta, at Samuel, at binigyan kayo ng tagumpay sa inyong mga kaaway sa buong palibot ninyo, upang ligtas kayong manirahan.
12 videntes autem quod Naas rex filiorum Ammon venisset adversum vos dixistis mihi nequaquam sed rex imperabit nobis cum Dominus Deus vester regnaret in vobis
Nang nakita ninyo na dumating si Nahas ang hari ng bayan ng Ammon laban sa inyo, sinabi ninyo sa akin. 'Hindi! Sa halip, isang hari dapat ang mamuno sa amin'—kahit na si Yahweh, ang inyong Diyos, ang hari ninyo.
13 nunc ergo praesto est rex vester quem elegistis et petistis ecce dedit vobis Dominus regem
Ngayon narito ang hari na inyong pinili, na inyong hiningi at siyang hinirang ngayon ni Yahweh bilang hari ninyo.
14 si timueritis Dominum et servieritis ei et audieritis vocem eius et non exasperaveritis os Domini eritis et vos et rex qui imperat vobis sequentes Dominum Deum vestrum
Kung takot kayo kay Yahweh, paglingkuran siya, sundin ang kanyang boses, at huwag maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, pagkatapos kapwa kayo at ang haring namamahala sa inyo ay magiging tagasunod ni Yahweh na inyong Diyos.
15 si autem non audieritis vocem Domini sed exasperaveritis sermonem Domini erit manus Domini super vos et super patres vestros
Kapag hindi ninyo sinunod ang boses ni Yahweh, subalit maghimagsik laban sa mga utos ni Yahweh, kung gayon ang kamay ni Yahweh ay magiging laban sa inyo, tulad ng ito ay laban sa inyong mga ninuno.
16 sed et nunc state et videte rem istam grandem quam facturus est Dominus in conspectu vestro
Kahit na ngayon idulog ang inyong sarili at masdan ang dakilang bagay na ito na gagawin ni Yahweh sa harapan ng inyong mga mata.
17 numquid non messis tritici est hodie invocabo Dominum et dabit voces et pluvias et scietis et videbitis quia grande malum feceritis vobis in conspectu Domini petentes super vos regem
Hindi ba ngayon ang pag-aani ng trigo? Tatawag ako kay Yahweh, upang magpapadala siya ng kulog at ulan. Pagkatapos malalaman ninyo at makikita na matindi ang inyong kasamaan, na inyong ginawa sa paningin ni Yahweh, sa paghingi ng isang hari para sa inyong mga sarili.”
18 et clamavit Samuhel ad Dominum et dedit Dominus voces et pluviam in die illa
Kaya tumawag si Samuel kay Yahweh; at sa parehong araw na iyon nagpadala si Yahweh ng kulog at ulan. Pagkatapos labis na natakot ang lahat ng mga tao kina Yahweh at Samuel.
19 et timuit omnis populus nimis Dominum et Samuhelem dixitque universus populus ad Samuhel ora pro servis tuis ad Dominum Deum tuum ut non moriamur addidimus enim universis peccatis nostris malum ut peteremus nobis regem
Pagkatapos sinabi ng lahat ng mga tao kay Samuel, “Manalangin para sa iyong mga lingkod kay Yahweh na iyong Diyos, upang hindi kami mamatay. Sapagkat idinagdag namin sa lahat ng aming mga kasalanan itong kasamaan sa paghingi ng isang hari para sa aming mga sarili.”
20 dixit autem Samuhel ad populum nolite timere vos fecistis universum malum hoc verumtamen nolite recedere a tergo Domini et servite Domino in omni corde vestro
Sumagot si Samuel, “Huwag kayong matakot. Nagawa ninyo ang lahat ng kasamaang ito, subalit huwag tumalikod mula kay Yahweh, sa halip paglingkuran si Yahweh ng inyong buong puso.
21 et nolite declinare post vana quae non proderunt vobis neque eruent vos quia vana sunt
Huwag kayong tumalikod pagkatapos ng mga walang kabuluhang bagay na hindi mapapakinabangan o makakapagligtas sa inyo, dahil ang mga ito ay walang silbi.
22 et non derelinquet Dominus populum suum propter nomen suum magnum quia iuravit Dominus facere vos sibi populum
Para sa kapakanan ng kanyang dakilang pangalan, hindi tatanggihan ni Yahweh ang kanyang mga tao, dahil nasiyahan si Yahweh na gawin kayong isang mga tao para sa kanyang sarili.
23 absit autem a me hoc peccatum in Domino ut cessem orare pro vobis et docebo vos viam bonam et rectam
Para sa akin, huwag nawang ipahintulot na magkasala ako laban kay Yahweh sa pamamagitan ng pagtigil sa pananalangin para sa inyo. Sa halip, ituturo ko sa inyo ang daang mabuti at tama.
24 igitur timete Dominum et servite ei in veritate et ex toto corde vestro vidistis enim magnifica quae in vobis gesserit
Katakutan lamang si Yahweh at paglingkuran siya sa katotohanan ng inyong buong puso. Isaalang-alang ang mga dakilang bagay na nagawa niya para sa inyo.
25 quod si perseveraveritis in malitia et vos et rex vester pariter peribitis
Subalit kung magpumilit kayo sa paggawa ng masama, kapwa kayo at inyong hari ay mamamatay.”

< I Samuelis 12 >