< I Regum 4 >
1 erat autem rex Salomon regnans super omnem Israhel
Si Haring Solomon ay hari sa buong Israel.
2 et hii principes quos habebat Azarias filius Sadoc sacerdos
Ito ang kaniyang mga opisyal: si Azarias, anak ni Zadok, ay ang pari.
3 Helioreph et Ahia filii Sesa scribae Iosaphat filius Ahilud a commentariis
Sina Elihoref at Ahias, mga anak ni Sisa, ay mga kalihim. Si Jehoshafat, anak ni Ahilud, ay ang tagapagtala.
4 Banaias filius Ioiadae super exercitum Sadoc autem et Abiathar sacerdotes
Si Benaias, anak ni Joiada, ay pinakamataas na pinuno ng hukbo. Sina Zadok at Abiatar ay mga pari.
5 Azarias filius Nathan super eos qui adsistebant regi Zabud filius Nathan sacerdos amicus regis
Si Azarias, anak ni Natan, ay tagapamahala ng mga pinuno. Si Zabud, anak ni Natan, ay isang pari at kaibigan ng hari.
6 et Ahisar praepositus domus et Adoniram filius Abda super tributa
Si Ahisar ay aang namamahala sa sambahayan. Si Adoniram, anak ni Abda, ay namamahala ng mga kalalakihan na sakop sa sapilitang paggawa.
7 habebat autem Salomon duodecim praefectos super omnem Israhel qui praebebant annonam regi et domui eius per singulos enim menses in anno singuli necessaria ministrabant
May labingdalawang mga pinuno si Solomon sa buong Israel, na nagbibigay ng pagkain para sa hari at sa kaniyang sambahayan. Bawat lalaki ay kailangang maglaan para sa isang buwan sa loob ng isang taon.
8 et haec nomina eorum Benhur in monte Ephraim
Ito ang kanilang mga pangalan: Si Benhur, para sa kaburolang bansa ng Ephraim;
9 Bendecar in Macces et in Salebbim et in Bethsemes et Helon Bethanan
Si Bendequer para sa Macaz, Saalbim, Beth-semes, at sa Elon-behanan,
10 Benesed in Araboth ipsius erat Soccho et omnis terra Epher
si Ben-hessed, para sa Arubot (sa kaniyang pag-aari ang Socoh at ang buong lupain ng Hefer)
11 Benabinadab cuius omnis Nepthad Dor Tapheth filiam Salomonis habebat uxorem
Si Ben-abinadab, para sa lahat ng distrito ng Dor (asawa niya si Tafath, ang anak na babae ni Solomon);
12 Bana filius Ahilud regebat Thanac et Mageddo et universam Bethsan quae est iuxta Sarthana subter Hiezrahel a Bethsan usque Abelmeula e regione Iecmaan
Si Baana, anak ni Ahilud, para sa Taanac at Megido, at ang buong Beth-sean na nasa tabi ng Zaretan sa ibaba ng Jezreel, mula sa Beth-sean hanggang sa Abel-mehola kasing layo ng kabilang bahagi ng Jokmeam;
13 Bengaber in Ramoth Galaad habebat Avothiair filii Manasse in Galaad ipse praeerat in omni regione Argob quae est in Basan sexaginta civitatibus magnis atque muratis quae habebant seras aereas
Si Ben-geber ang sa Ramot-Gilead. (sa kaniyang pag-aari ang mga bayan ni Jair, anak ni Manases, na nasa Galaad, at ang rehiyon ng Argob ay pag-aari niya, na nasa Bashan, animnapung malalaking mga lungsod na may mga pader at mga tansong rehas na tarangkahan);
14 Ahinadab filius Addo praeerat in Manaim
Si Ahinadab na anak ni Iddo para sa Mahanaim;
15 Ahimaas in Nepthali sed et ipse habebat Basmath filiam Salomonis in coniugio
Si Ahimaaz, para sa Neftali (pinakasalan niya rin si Basemat na anak na babae ni Solomon);
16 Baana filius Usi in Aser et in Balod
Si Baana na anak ni Husai, para sa Asher at Alot, at
17 Iosaphat filius Pharue in Isachar
si Jehoshafat na anak ni Parua, para sa Isacar;
18 Semei filius Hela in Beniamin
Si Simei, anak ni Ela, para sa Benjamin;
19 Gaber filius Uri in terra Galaad in terra Seon regis Amorrei et Og regis Basan super omnia quae erant in illa terra
at si Geber, anak ni Uri, para sa lupain ng Galaad, ang bayan ni Sihon, hari ng mga Amoreo at ni Og, hari ng Bashan, at siya lamang ang opisyal na nasa lupain.
20 Iuda et Israhel innumerabiles sicut harena maris in multitudine comedentes et bibentes atque laetantes
Kasing dami ng buhangin sa tabing-dagat ang Juda at Israel. Sila ay kumakain at umiinum at masasaya.
21 Salomon autem erat in dicione sua habens omnia regna sicut a flumine terrae Philisthim usque ad terminum Aegypti offerentium sibi munera et servientium ei cunctis diebus vitae eius
Naghari si Solomon sa buong kaharian mula sa Ilog hanggang sa lupain ng mga Filisteo at sa hangganan ng Ehipto. Nagdala sila ng parangal at naglingkod kay Solomon sa buong buhay niya.
22 erat autem cibus Salomonis per dies singulos triginta chori similae et sexaginta chori farinae
Ang pangangailangan ni Solomon para sa isang araw ay tatlumpung kor ng pinong harina at animnapung kor ng pagkain,
23 decem boves pingues et viginti boves pascuales et centum arietes excepta venatione cervorum caprearum atque bubalorum et avium altilium
sampung matatabang baka, dalawampung baka galing sa pastulan, at isang daang tupa, bukod pa sa usa, mga gasel, mga usang lalaki at mga pinatabang ibon.
24 ipse enim obtinebat omnem regionem quae erat trans flumen quasi a Thapsa usque Gazam et cunctos reges illarum regionum et habebat pacem ex omni parte in circuitu
Dahil siya ang may kapangyarihan sa buong rehiyon sa bahagi ng Ilog, mula sa Tifsa hanggang sa Gaza, sa lahat ng mga hari dito sa bahagi ng Ilog, at siya ay may kapayapaan sa lahat ng panig ng nakapaligid sa kanya.
25 habitabatque Iudas et Israhel absque timore ullo unusquisque sub vite sua et sub ficu sua a Dan usque Bersabee cunctis diebus Salomonis
Ang Juda at Israel ay namuhay sa kaligtasan, bawat lalaki nasa ilalim ng kaniyang puno ng ubas at ilalim ng kaniyang punong igos, mula sa Dan hanggang sa Beer-seba, sa buong buhay ni Solomon.
26 et habebat Salomon quadraginta milia praesepia equorum currulium et duodecim milia equestrium
Si Solomon ay may apatnapung libong kuwadra ng kabayo para sa kanyang mga karwahe, at labingdalawang libong mangangabayo.
27 nutriebantque eos supradicti regis praefecti sed et necessaria mensae regis Salomonis cum ingenti cura praebebant in tempore suo
Ang mga opisyal na iyon ay nagbigay ng pagkain para kay Haring Solomon at para sa lahat ng pumunta sa hapag-kainan ni Haring Solomon, bawat lalaki sa kanyang buwan. Hindi nila hinahayaang magkaroon ng pagkukulang.
28 hordeum quoque et paleas equorum et iumentorum deferebant in locum ubi erat rex iuxta constitutum sibi
Sila rin ay nagdala sa tamang lugar ng senada at dayami para sa mga kabayong pangkarwahe at sinasakyan, bawat isa nagdadala kung ano ang kaniyang nakayanan.
29 dedit quoque Deus sapientiam Salomoni et prudentiam multam nimis et latitudinem cordis quasi harenam quae est in litore maris
Binigyan ng Diyos si Solomon ng kahanga-hangang karunungan at pag-unawa, at malawak na pag-unawa gaya ng mga buhangin sa dalampasigan.
30 et praecedebat sapientia Salomonis sapientiam omnium Orientalium et Aegyptiorum
Ang karunungan ni Solomon ay higit pa sa karunungan ng lahat ng bayan ng silangan at sa lahat ng karunungan ng Ehipto.
31 et erat sapientior cunctis hominibus sapientior Aethan Ezraita et Heman et Chalcal et Dorda filiis Maol et erat nominatus in universis gentibus per circuitum
Mas matalino pa siya kaysa sinumang tao-kaysa kay Etan na Ezrahita, Heman, Calcol, at Darda, mga anak na lalaki ni Machol-at ang kaniyang katanyagan ay umabot sa lahat ng nakapaligid na mga bansa.
32 locutus est quoque Salomon tria milia parabolas et fuerunt carmina eius quinque et mille
Siya ay nagsasalita ng tatlong libong kawikaan, at ang kaniyang mga awit ay isang libo't lima ang bilang.
33 et disputavit super lignis a cedro quae est in Libano usque ad hysopum quae egreditur de pariete et disseruit de iumentis et volucribus et reptilibus et piscibus
Isinalarawan niya ang mga halaman, mula sa sedar na nasa Lebanon hanggang sa hisopong tumutubo sa pader. Pinaliwanag niya rin ang tungkol sa mga hayop, mga ibon, mga bagay na gumagapang, at isda.
34 et veniebant de cunctis populis ad audiendam sapientiam Salomonis et ab universis regibus terrae qui audiebant sapientiam eius
Dumating ang mga taong galing sa lahat ng mga bansa para pakinggan ang karunungan ni Solomon, pinadala mula sa mga hari ng daigdig na nakarinig ng kaniyang karunungan.