< I Regum 15 >
1 igitur in octavodecimo anno regni Hieroboam filii Nabath regnavit Abiam super Iudam
Sa ika labing-walong taon ng paghahari ni Haring Jeroboam anak ni Nebat, si Abiam ay nagsimulang maghari sa Juda.
2 tribus annis regnavit in Hierusalem nomen matris eius Maacha filia Absalom
Siya ay naghari sa Jerusalem sa loob ng tatlong taon. Ang pangalan ng kanyang ina ay Maaca, ang anak ni Absalom.
3 ambulavitque in omnibus peccatis patris sui quae fecerat ante eum nec erat cor eius perfectum cum Domino Deo suo sicut cor David patris eius
Lumakad siya ayon sa mga kasalanan ng mga nauna sa kaniya; ang kaniyang puso ay hindi nakalaan kay Yahweh na kaniyang Diyos na tulad ng puso ni David, na kaniyang ninuno.
4 sed propter David dedit ei Dominus Deus suus lucernam in Hierusalem ut suscitaret filium eius post eum et staret Hierusalem
Ganumpaman, alang-alang kay David, binigyan siya ni Yahweh ng ilawan sa Jerusalem sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kaniyang anak para palakasin ang Jerusalem.
5 eo quod fecisset David rectum in oculis Domini et non declinasset ab omnibus quae praeceperat ei cunctis diebus vitae suae excepto sermone Uriae Hetthei
Ginawa ito ng Diyos dahil ginawa ni David ang tama sa kaniyang paningin; sa buong buhay niya hindi siya tumalikod sa anumang inutos sa kaniya, maliban na lang sa ginawa niya kay Urias na Hiteo.
6 attamen bellum fuit inter Roboam et inter Hieroboam omni tempore vitae eius
Sa kasalukuyan, may digmaan sa pagitan nila Rehoboam at Jeroboam sa buong buhay ni Abiam.
7 reliqua autem sermonum Abiam et omnia quae fecit nonne haec scripta sunt in libro verborum dierum regum Iuda fuitque proelium inter Abiam et inter Hieroboam
At sa iba pang mga bagay tungkol kay Abiam, ang lahat ng kaniyang ginawa, hindi ba naisulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Judah? Nagkaroon ng digmaan sa pagitan ni Abiam at Jeroboam.
8 et dormivit Abiam cum patribus suis et sepelierunt eum in civitate David regnavitque Asa filius eius pro eo
Nahimlay si Abiam sa piling ng kaniyang mga ninuno, at inilibing siya sa lungsod ni David. Si Asa na kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.
9 in anno ergo vicesimo Hieroboam regis Israhel regnavit Asa rex Iuda
Sa ika-dalawampung taon ni Jeroboam, hari ng Israel, si Asa ay nagsimulang mamuno sa Juda.
10 et quadraginta uno anno regnavit in Hierusalem nomen matris eius Maacha filia Absalom
Siya ay namuno sa loob ng apatnapu't isang taon sa Jerusalem. Ang pangalan ng kaniyang lola ay Maaca, na siyang anak ni Absalom.
11 et fecit Asa rectum ante conspectum Domini sicut David pater eius
Ginawa ni Asa ang tama sa paningin ni Yahweh, na tulad ng ginawa ni David, na kaniyang ninuno.
12 et abstulit effeminatos de terra purgavitque universas sordes idolorum quae fecerant patres eius
Pinalayas niya ang mga lalakeng bayaran sa mga dambana mula sa lupain at tinanggal ang lahat ng mga diyus-diyosan na ginawa ng kaniyang mga ninuno.
13 insuper et Maacham matrem suam amovit ne esset princeps in sacris Priapi et in luco eius quem consecraverat subvertitque specum eius et confregit simulacrum turpissimum et conbusit in torrente Cedron
Tinanggal niya rin si Maaca, ang kaniyang lola sa pagiging reyna dahil gumawa ito ng isang kasuklam-suklam na rebulto mula sa poste ni Asera. Pinutol ni Asa ang kasuklam-suklam na rebulto at saka sinunog sa Lambak ng Kidron.
14 excelsa autem non abstulit verumtamen cor Asa perfectum erat cum Deo cunctis diebus suis
Pero ang mga dambana ay nanatiling nakatayo. Ganumpaman, ang puso ni Asa ay ganap na nakalaan kay Yahweh sa buong buhay niya.
15 et intulit ea quae sanctificaverat pater suus et voverat in domum Domini argentum et aurum et vasa
Dinala niya sa tahanan ni Yahweh ang lahat ng mga bagay na inihandog ng kaniyang ama at ang kaniyang mga handog kay Yahweh, mga bagay na gawa sa ginto at pilak.
16 bellum autem erat inter Asa et Baasa regem Israhel cunctis diebus eorum
May digmaan sa pagitan nila Asa at Baasa na hari ng Israel, sa buong buhay nila.
17 ascendit quoque Baasa rex Israhel in Iudam et aedificavit Rama ut non possit quispiam egredi vel ingredi de parte Asa regis Iudae
Mapangahas na kumilos si Baasa na hari ng Israel laban sa Juda at itinayo ang Rama, para mapigilan niya ang sinuman na makapasok o makalabas sa lupain ni Asa hari ng Juda.
18 tollens itaque Asa omne argentum et aurum quod remanserat in thesauris domus Domini et in thesauris domus regiae dedit illud in manu servorum suorum et misit ad Benadad filium Tabremmon filii Ezion regem Syriae qui habitabat in Damasco dicens
Kaya kinuha ni Asa ang lahat ng mga pilak at ginto sa taguan ng mga kayamanan ng templo at ng palasyo ng hari. Inabot niya ito sa kamay ng kaniyang mga lingkod at inutusan silang dalhin ito kay Ben Hadad, anak ni Tabrimon anak ni Hezion, ang hari ng Aram na nakatira sa Damasco.
19 foedus est inter me et te et inter patrem meum et patrem tuum ideo misi tibi munera argentum et aurum et peto ut venias et irritum facias foedus quod habes cum Baasa rege Israhel et recedat a me
Sinabi niya, “Magkaroon tayo ng kasunduan, na tulad ng kasunduan na mayroon ang mga ama natin. Tingnan mo, pinadalhan kita ng mga pilak at ginto. Putulin mo na ang kasunduan mo kay Baasa na Hari ng Israel, para hayaan na niya ako.”
20 adquiescens Benadad regi Asa misit principes exercitus sui in civitates Israhel et percusserunt Ahion et Dan et Abel domum Maacha et universam Cenneroth omnem scilicet terram Nepthalim
Nakinig si Ben Hadad kay Haring Asa at ipinadala ang mga pinuno ng kaniyang mga hukbo, at kanilang sinalakay ang mga lungsod sa Israel. Sinalakay nila ang Ijon, Dan, Abel Bet Maaca, at ang buong Cineret, kasama ng lahat ng lupain ng Neftali.
21 quod cum audisset Baasa intermisit aedificare Rama et reversus est in Thersa
Nang marinig ito ni Haring Baasa, itinigil niya ang pagtayo ng Rama at bumalik sa Tirza.
22 rex autem Asa nuntium misit in omnem Iudam nemo sit excusatus et tulerunt lapides Rama et ligna eius quibus aedificaverat Baasa et extruxit de eis rex Asa Gaba Beniamin et Maspha
At gumawa ng proklamasyon para sa buong Juda si Haring Asa. Walang sinuman ang hindi sakop nito. Dinala nila ang lahat ng mga troso at mga bato na ginagamit ni Haring Baasa para itayo ang Rama. Ginamit ni Haring Asa ang mga ito para itayo ang Geba ng Benjamin at Mizpah.
23 reliqua autem omnium sermonum Asa et universae fortitudines eius et cuncta quae fecit et civitates quas extruxit nonne haec scripta sunt in libro verborum dierum regum Iuda verumtamen in tempore senectutis suae doluit pedes
At sa iba pang mga bagay tungkol kay Asa, ang kaniyang kadakilaan, ang lahat ng kaniyang ginawa, ang lahat ng mga lungsod na kaniyang itinayo, hindi ba naisulat ang mga ito sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Juda? Pero nang siya ay tumanda na, nagkaroon siya ng sakit sa paa.
24 et dormivit cum patribus suis et sepultus est cum eis in civitate David patris sui regnavitque Iosaphat filius eius pro eo
At si Asa ay nahimlay kasama ang kaniyang mga ninuno at inilibing sa lungsod ni David na kaniyang ama. Si Jehosafat na kaniyang anak ang naging hari kapalit niya.
25 Nadab vero filius Hieroboam regnavit super Israhel anno secundo Asa regis Iuda regnavitque super Israhel duobus annis
Si Nadab na anak ni Jeroboam ang naging hari ng Israel noong ikalawang taon ng paghahari ni Asa sa Juda; naghari siya sa Israel ng dalawang taon.
26 et fecit quod malum est in conspectu Domini et ambulavit in viis patris sui et in peccatis eius quibus peccare fecit Israhel
Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at sumunod sa yapak ng kaniyang ama, at sa kaniyang sariling kasalanan, na humikayat sa buong Israel para magkasala.
27 insidiatus est autem ei Baasa filius Ahia de domo Isachar et percussit eum in Gebbethon quae est urbs Philisthinorum siquidem Nadab et omnis Israhel obsidebant Gebbethon
Nagplano ng pagtataksil laban kay Nadab si Baasa na anak ni Ahias na mula sa pamilya ni Isacar; pinatay siya ni Baasa sa Gibeton, na sakop ng Filisteo, dahil sina Nadab at ang buong Israel ay lumusob sa Gibeton.
28 interfecit igitur illum Baasa in anno tertio Asa regis Iuda et regnavit pro eo
Sa ikatlong taon ni haring Asa ng Juda, pinatay ni Baasa si Nadab at naging hari kapalit niya.
29 cumque regnasset percussit omnem domum Hieroboam non dimisit ne unam quidem animam de semine eius donec deleret eum iuxta verbum Domini quod locutus fuerat in manu servi sui Ahiae Silonitis
At nang siya ay naging hari, pinatay ni Baasa ang lahat ng pamilya ni Jeroboam. Wala siyang iniwang humihinga sa mga kaapu-apuhan ni Jeroboam; sinira niya ang lipi ng mga hari sa paraang ito, ayon sa sinabi ni Yahweh kay Ahias ang taga-Shilo na kaniyang lingkod,
30 propter peccata Hieroboam quae peccaverat et quibus peccare fecerat Israhel et propter delictum quo inritaverat Dominum Deum Israhel
para sa mga kasalanan ni Jeroboam at ang kaniyang pangunguna sa buong Israel sa pagkakasala dahil ginalit niya si Yahweh, ang Diyos ng Israel.
31 reliqua autem sermonum Nadab et omnia quae operatus est nonne haec scripta sunt in libro verborum dierum regum Israhel
At sa iba pang mga bagay tungkol kay Nadab, ang kaniyang mga nagawa, hindi ba ito nasusulat sa Aklat ng mga Kaganapan sa Buhay ng mga Hari ng Israel?
32 fuitque bellum inter Asa et Baasa regem Israhel cunctis diebus eorum
May digmaan sa pagitan ni Haring Asa at Haring Baasa ng Israel sa buong buhay nila.
33 anno tertio Asa regis Iuda regnavit Baasa filius Ahia super omnem Israhel in Thersa viginti quattuor annis
Sa ikatlong taon ni Asa hari ng Judah, nagsimulang maghari sa Israel si Baasa anak ni Ahias sa Tirza sa loob ng dalwampu't apat na taon.
34 et fecit malum coram Domino ambulavitque in via Hieroboam et in peccatis eius quibus peccare fecit Israhel
Ginawa niya ang masama sa paningin ni Yahweh at lumakad sa yapak ni Jeroboam at sa kaniyang kasalanan na humikayat sa buong Israel para magkasala.