< Psalmorum 80 >
1 Psalmus, in finem, pro iis, qui commutabuntur, testimonium Asaph. Qui regis Israel, intende: qui deducis velut ovem Ioseph. Qui sedes super cherubim, manifestare
Bigyang pansin mo, Pastol ng Israel, ikaw na nangunguna kay Jose tulad ng isang kawan; ikaw na nakaupo sa ibabaw ng kerubin, magliwanag ka sa amin!
2 coram Ephraim, Beniamin, et Manasse. Excita potentiam tuam, et veni, ut salvos facias nos.
Sa paningin ni Efraim at Benjamin at Manases, palakasin mo ang iyong kapangyarihan; lumapit ka at iligtas kami.
3 Deus converte nos: et ostende faciem tuam, et salvi erimus.
O Diyos, panumbalikin mo kaming muli; pagliwanagin mo ang iyong mukha sa amin, at kami ay maliligtas.
4 Domine Deus virtutum, quousque irasceris super orationem servi tui?
Yahweh Diyos ng mga hukbo, hanggang kailan ka magagalit sa iyong bayan kapag (sila) ay nananalangin?
5 Cibabis nos pane lacrymarum: et potum dabis nobis in lacrymis in mensura?
Pinakain mo (sila) ng tinapay ng luha at binigyan (sila) ng napakaraming luha para mainom.
6 Posuisti nos in contradictionem vicinis nostris: et inimici nostri subsannaverunt nos.
Ginagawan mo kami ng bagay para pagtalunan kami ng aming kapwa, at pinagtatawanan kami ng aming mga kaaway.
7 Deus virtutum converte nos: et ostende faciem tuam: et salvi erimus.
Diyos ng mga hukbo, panumbalikin mo kami; pagliwanagin mo ang iyong mukha sa amin, at kami ay maliligtas.
8 Vineam de Aegypto transtulisti: eiecisti Gentes, et plantasti eam.
Nagdala ka ng puno ng ubas mula sa Egipto; pinalayas mo ang mga bansa at itinanim ito sa ibang lugar.
9 Dux itineris fuisti in conspectu eius: plantasti radices eius, et implevit terram.
Nilinis mo ang lupain para dito; nag-ugat ito at pinuno ang lupain.
10 Operuit montes umbra eius: et arbusta eius cedros Dei.
Ang mga bundok ay natakpan ng lilim nito, ang pinakamataas na mga puno ng sedar ng Diyos sa mga sanga nito.
11 Extendit palmites suos usque ad mare: et usque ad flumen propagines eius.
Umaabot ang mga sanga nito hanggang sa dagat at mga usbong nito hanggang sa Ilog Eufrates.
12 Ut quid destruxisti maceriam eius: et vindemiant eam omnes, qui praetergrediuntur viam?
Bakit mo winasak ang mga pader nito para ang lahat ng dumaraan ay pipitas ng bunga nito?
13 Exterminavit eam aper de silva: et singularis ferus depastus est eam.
Sinisira ito ng mga baboy-ramong nasa gubat, at kinakain ito ng mga halimaw sa bukid.
14 Deus virtutum convertere: respice de caelo, et vide, et visita vineam istam.
Bumalik ka, Diyos ng mga hukbo; pagmasdan mo mula sa langit at pansinin at alagaan ang puno ng ubas na ito.
15 Et perfice eam, quam plantavit dextera tua: et super filium hominis, quem confirmasti tibi.
Ito ang ugat na itinanim ng iyong kanang kamay, ang usbong na pinalago mo
16 Incensa igni, et suffossa ab increpatione vultus tui peribunt.
Ito ay sinunog at pinutol; nawa mapuksa ang iyong mga kaaway dahil sa iyong pagsaway.
17 Fiat manus tua super virum dexterae tuae: et super filium hominis, quem confirmasti tibi.
Nawa ang iyong kamay ay maipatong sa taong iyong kanang kamay, sa anak ng tao na pinalakas mo para sa iyong sarili.
18 Et non discedimus a te, vivificabis nos: et nomen tuum invocabimus.
Sa gayon hindi kami tatalikod mula sa iyo; pasiglahin mo kami, at tatawag kami sa iyong pangalan.
19 Domine Deus virtutum converte nos: et ostende faciem tuam, et salvi erimus.
Ibalik mo kami, Yahweh, Diyos ng mga hukbo; magliwanag ka sa amin, at kami ay maliligtas.